Chapter 52

2.3K 82 12
                                    

My Runaway Wife
By: CatchMe

Chapter 52

MASAYANG sinaluhan ng pamilya ni Noorell ang nilutong pagkain ng asawang si Russel. nagmistulang masayang tanghalian ang sana'y agahan niya dahil inabot na rin sila ng ala-una ng hapon sa mesa.

Hindi pa rin siya makapaniwalang kasama niya ang kanyang kinalakihang magulang na kumakain ngayon kasama ang aasawa niyang si Russel.

Laking gulat niya nang sabihin ng mga ito na matagal nang alam ng magulang niya na kasal na sila ni Russel. Katunayan ay agad na dumayo ang asawa niya sa kanilang probinsya sa Iloilo para magpakilala sa kanyang magulang bilang asawa nito.

Ipinaliwanag na rin daw umano ng asawa niya sa kanyang magulang ang kanilang kalagayan na siyang naintindihan ng mag-asawa at nirespito. Ayon sa mga ito ay sapat nang pumunta sa probinsya ang aktor para magpakilala at magpaliwanag tungkol sa kanilang kasal kahit ito lang mag-isa.

Katunayan din niyon ay humanga pa lalo ang kanyang magulang sa ginawa ng kanyang asawa na panindigan siya bilang asawa nito sa kabila ng malaking agwat ng katayuan nila sa buhay.

Kagustohan din umano ng kanyang asawa na huwag ipaalam sa kanya na alam ng kanyang kinikilalang magulang na siya ay kasal dito At nangako naman ang aktor sa kanyang magulang  na aayusin nito ang lahat para magkaayos silang dalawa.

Ideya rin nito na papuntahin ang kanyang magulang dito sa Maynila para sorpresahin siya. At ni wala siyang kaalam alam na bago pa man nagpakita ang kanyang asawa sa kompanyang pinagtatrabaho niya ay nandito na pala ang kanyang magulang sa Maynila at naka-check in ang mga ito sa isang hotel na siyang kinuha ng kanyang asawa para sa mga ito.

It was all his plan just to surprise her.

And yes.

She was surprised, at walang pagsidlan ng saya ang puso niya ng mga oras na iyon. Lalo na ng malaman niyang alam na pala ng asawa niya ang tunay niyang pagkatao na siyang kinakakatakutan niyang malaman nito na isa siyang ampon.

Walong taon pa lamang siya noon nang ampunin siya ng kinikilala niyang magulang ngayon mula sa isang bahay-ampunan sa Iloilo. At tulad nga ng sinabi ng kanyang ama ay higit pa sa tunay na anak ang pagmamahal na ibinigay nito sa kanya. Pinalaking marangal at pinaaral siya ng mga ito hanggang sa makatapos siya ng kolehiyo sa isang Unibersidad din sa Iloilo. Saka siya nagpaalam sa mga ito na hanapin ang kanyang kapalaran rito sa Maynila sa tulong ng nakilala niyang kaibigan na si Cattleya tatlong taon na ang nakalipas.

Ayaw man pumayag ang kinikilala niyang magulang ay walang nagawa ang mga ito kundi ang suportahan na lamang ang kanyang gusto na bumukod mula sa mga ito at mamuhay nang hindi umaasa sa tulong ng mga ito.

Sapat na sa kanyang pinalaki siya  ng mga ito ng maayos at napaaral hanggang sa makatapos. Hinding hindi niya makakalimutan ang malaking nagawa ng mga ito sa kanya bilang isang mapagmahal na magulang na kinalakihan niya.

"Oo nga pala, bukas na ang balik namin ng iyong ama sa probinsya, anak."

"Po? Bukas agad? Ang bilis naman po, Ma?"

"Hindi naman kami pwedeng magtagal dito sa Maynila, anak. Gayong walang may nag-aasikaso sa palaisdaan ng ama mo. Alam mo namang walang hilig ang Kuya mo na hawakan ang palaisdan, hindi ba?"

Napa-ingos siyang napayakap sa baywang ng kanyang ina.

"Magpakabait ka rito at huwag mo ng bigyan ng sakit ng ulo itong asawa mo," turo naman ng kanyang  ama sa asawa niyang napangiting nakaharap sa kanila. "Aba, ang swerte mo na nga at itong si Russel ang napangasawa mo kesa---"

"Pa, naman..." agaw niya sa sasabihin sana ng kanyang ama. "Mabait naman po ako, ah?"

Narinig niyang natawa ang asawa niyang si Russel sa tinuran niya na siyang muling ikinaingos niya. Tila ayaw kasi nitong sumang ayon sa sinabi niyang...mabait naman talaga siya.

"Anyway, pwede naman po kayong magpalipas ng gabi rito para naman po makapag-usap kayo nang matagal," suhistyon ng kanyang asawa na agad naman niyang sinang-ayunan ngunit tinanggaihan naman iyon ng kanyang magulang.

"Huwag na hijo at nakakaabala na kami sa iyo. Ang makita at malamang nasa maayos na kalagayan ang anak namin ay sapat na para tuloyang mapanatag ang kalooban naming mag-asawa." nakangiting wika ng kanyang ina.

Wala naman silang nagawa nang kahit anong pilit niya sa magulang na matulog doon ay hindi ang mga ito nagpaunlak. Kaya nilubos na lamang niya ang natitirang oras na makasama ang magulang sa pagitan nang masasayang pagkukwentohan.

Magtatakip-silim na nang magpaalam ang kanyang magulang na babalik na sa tinutuloyan ng mga itong hotel. Nagpresinta naman ang asawa niyang ihatid nila ang mga ito. Masaya siyang umakyat sa kanilang kwarto para makapagpalit ng damit. Balak din nila ng kanyang asawa na bisitahin ang ina nito pagkatapos nilang maihatid ang kanyang magulang sa hotel dahil nangako siyang babalik doon sa hospital.

Nasa harap siya ng walk in closet ng kanyang asawa nang bumukas ang pintuan ng kanilang kwarto at nakangiting pumasok doon ang kanyang asawa.

"I'm still trying to convince them, na dito na lang sila magpalipas ng gabi para makasama ka pero ayaw talaga nilang pumayag," wika nitong dumeretso sa kinaroonan niya.

Nakangiting lumingon siya rito at napailing. "Hindi mo mapipilit ang mga iyon lalo na't  determinado ang mga iyon na bumalik sa hotel at may kikitain pa silang kaibigan ni Mama," aniya na ibinalik ang pansin sa pagpili ng isusuot niyang damit.  Mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya nang mula sa likuran niya ay niyakap siya ng kanyang asawa at hinalikan ang likod na bahagi ng ulo niya.

Napahawak siya sa braso nitong nakayakap sa baywang niya saka siya nakangiting humarap sa kanyang asawa at iniyakap din ang sariling mga braso sa leeg nito. "Thank you..."   madamdaming sambit niya na nakatingin sa mga mata nito na siya namang bumaba ang labi nito at hinalikan ang nakangiti niyang labi.

Pagkatapos niyon ay ikinulong naman nito ang mukha niya sa dalawang palad nito at tinitigan din siya sa kanyang mga mata ng ilang saglit. "Are you that happy now?"

"Yeah...I am," sagot niyang kusang hinalikan ang labi din nito. "And I am forever thankful for everything you've done to me, Russel. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon and thank you so much for that," malawak ang ngiting sagot niya at muli itong hinalikan sa labi na siya namang ginantihan ng kanyang asawa.

"My pleasure," sagot nito nang maghiwalay ang labi nila. "And seeing you this happy, makes me more happier," anito na hinalikan naman ang noo niya. "And I wanted to hug you longer but I think we need to hurry now. Baka magtaka na sila kung bakit ang tagal nating makababa," turan ng kanyang asawa nang sabay silang tumawa.

Muli pa siya nitong hinalikan sa labi bago binitawan at sabay na kumuha ng damit na susuotin nilang dalawa bago bumaba para balikan ang naghihintay niyang magulang.

My Runaway Wife (Second Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon