Chapter 20

5.4K 186 15
                                    

My Runaway Wife
By: CatchMe

Chapter 20

NAPAHIYANG nag-iwas ng tingin si Noorell nang pinutol ni Russel ang sasabihin sana niya. Napahiya siya sa kanyang sarili at hindi rin naiwasang pag-initan siya ng kanyang mukha dahil sa pagkapahiyang iyon. Ni hindi na niya nagawang tapunan ito muli ng tingin at pilit na lamang ibinaling ang pansin sa dinadaanan nila kahit na hindi siya komportable sa kinauupuan niya dahil sa presinsya ng kanyang asawa at sa nakakabinging katahimikan sa pagitan nila.

Mas mabuti pang sa labas na lamang niya ibaling ang pansin at baka mapahiya siya muli kapag kinausap niya ang asawa.

To hell with him!

At ito pa ang may ganang magalit samantalang siya itong nakaladkad at sapilitang pinasakay sa kotse nito!

"Anong sapilitang pinasakay? Excuse me, ikaw kaya ang kusang sumakay!" pang-aasar na wika ng isang bahagi ng utak niya na siyang ikina-ingos niya bigla.

Naalala kasi niya ang dahilan kung bakit bigla na lamang siyang pumasok sa kotse ng kanyang asawa ay para itago ang sarili sa mga taong nakakita sa kanila dahil sa panghahalik ng kanyang asawa sa kanya.

"I have no choice, kaya ako napasama dito," aniya na mas lalong napaingos.

Kung bakit kasi hindi siya nag iisip kanina at pumasok na lang siya bigla sa kotse ng kanyang asawa. Pwede namang tumakbo na lang siya kanina palayo rito at sumakay sa taxi, nang sa ganoon ay wala na siyang pinoproblema!

"What?"

Bigla siyang napabaling sa kanyang asawa nang marinig ang boses nito. Magkasalubong ang mga kilay nitong nakatingin sa kanya na animo'y hinihintay ang sagot niya na siyang ipinagtataka niya.

"A-anong...w-what? I mean---"

"You were murmuring of something," anitong ibinalik ang tingin sa daan.

"Something like what?"

"You have no choice, kaya ka napasama dito. What do you mean by that?"

Muli itong napalingon sa kanya na siyang ikinaiwas niya ng kanyang mukha. Ni hindi kasi niya napansin na  naisatinig pala niya ang nasa isip at nadinig iyon ng kanyang asawa.

"Wala," paiwas niyang sagot na hindi ito tinapunan ng tingin dahil bumilis na naman kasi ang tibok ng puso niya.

Saka lamang siya lihim na nagpasalamat nang marinig ang pag-iingay ng cell phone nito na agad din naman nitong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag dito.

Napabuntong-hininga pa ito nang sagutin nito ang cell phone habang siya naman ay itinuon muli ang pansin sa dinadaanan nila nang bigla na lamang siyang mapasigaw dahil sa biglaang pagpreno ng kanyang asawa.

"Ya! What the hell was wrong with you?! Muntikan na akong mauntog---"

Napatigil siya nang pigilan nito sa pagraratsada ang labi niya gamit ang kanang kamay nitong nakatingin sa kanya. Napakunot pa ang kanyang noo nang mapansin ang halo-halong emosyon na nakalarawan sa gwapong mukha ng kanyang asawa sa hindi niya alam na kadahilanan.

"I'm sorry, are you okay?" nag-alalang tanong nito na hindi rin niya nagawang sagutin nang muli nitong ibinalik ang pansin sa kausap nito sa hawak na cell phone. "Yeah, yeah, I'm okay. I'll call you back," wika nito sa hawak na cell phone bago pinatay iyon at dahan-dahang itinabi ang minamanehong kotse sa tabi ng daan.

Saka siya nito binalingan nang maayos na naiparada ang kotse sa gilid ng daan. "I'm sorry, I didn't meant it, are you okay? Are you hurt? Tell me," sunod-sunod na sabi nito na hindi naitago ang pag-alalang hinawakan siya sa braso't iniharap dito. Tiningnan pa nito ang mukha niya na animo'y iniinspeksyon kung nasaktan ba siya roon.

My Runaway Wife (Second Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon