My Runaway Wife
By: CatchMeChapter 41
"BABE..." Halos paungol na sambit ni Russel habang angkin ang labi ni Noorell na animo'y nawawala na sa sariling katinuan ng mga oras na iyon dulot ng mainit nilang halikan. At aminado si Noorell sa kanyang sarili na nagugustohan niya ang init na idinulot ng asawang si Russel sa kanya. At aminin niya at sa hindi ay umaasa ang nag-iinit niyang katawan na mas higit pa ang ipaparamdam nito sa kanya ng mga oras na iyon.
Yeah.
She was expecting more from him and she can't wait for that to happen in any moment. Who cares, kung may mangayari man sa kanila, eh, unang-una, asawa naman niya ang kayakap niya.
Yeah.
That's right.
Asawa niya ito, at ganoon din siya rito. Legal naman ang relasyon nila dahil kasal sila sa isa't isa. Kaya walang mali sa ginagawa nilang dalawa ng mga oras na iyon dahil normal lamang iyon sa mag-asawa.
Napangiti siya nang marinig ang mahinang ungol na nanulas sa labi ng asawang si Russell kaya mas lalo siyang napayakap nang mahigpit rito. Ni hindi niya pansin ang kusang paggapang ng sariling kamay na pinaloob iyon sa suot na damit ng kanyang asawa at dinama ang mainit at matigas nitong katawan na siyang mas lalong nagpa-excite sa kanya.
"Babe..."
Muling narinig niya ang mahinang ungol ng kanyang asawa na hinuli ang naglilikot na mga kamay niya at dinala iyon sa labi nito't marahang hinalikan iyon. Ni hindi niya binigyan ng pansin ang ginawa ng kanyang asawa nang muling binawi ang kanyang mga kamay mula sa pagkakahawak nito at muling pinagapang iyon sa katawan nito. At sa mga oras na iyon ay mas lalong lumikot ang mga kamay niya na hinubaran ang kanyang asawa.
"Babe...w-wait..." paos ang boses na pigil ni Russell ngunit hindi niya iyon pinansin. Bagkos ay kusa niyang inangkin ang mainit na labi nito habang ang kanyang mga kamay ay gumapang sa pantalon ng asawa at pinilit na buksan iyon.
Ngunit ilang sandali lang ay napatigil siya sa kanyang ginagawa nang huliin nito ang mga kamay niya at dinala iyon sa ulohan niya habang nakadagan sa kanya ang kanyang asawa sa sofa. Kasunod niyon ay ang paghiwalay ng kanilang labi at napasinghap pa siya para mapasukan ng hangin ang tila nangangapos niyang mga baga. Maging ang kanyang asawa ay sandaling hindi nakapagsalita na tulad niya ay habol rin ang paghinga ng mga oras na iyon.
"I hate to say this...b-but..." napabuntong hiningang inilapit nito ang mukha sa mukha niya. "But we need to stop..." patuloy nitong dinampian ng halik ang tungki ng ilong niya. "Let's stop this...while we can or else..." muli itong napabuntong hininga na tinitigan siya sa kanyang mga mata niya ng ilang segundo. "Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at may mangyayari sa atin dito," patuloy nito na hindi inalis ang pagkakatitig sa kanyang mga mata.
Napalunok naman siya ng sariling laway na iniwas ang paningin rito nang hindi niya kayang salubongin ang tila'y nanunuot na mga titig nito sa kanya. Dagdagan pa nang mapansin niya ang ayos nilang dalawa na nakadagan sa kanya ang kanyang asawa habang hawak nito ang mga kamay niya sa itaas ng ulo niya na siyang nagpainit sa kanyang mukha.
"I-I'm sorry..." wala sa sariling nanulas sa labi niya na hindi makatingin rito. At ano bang pumasok sa utak niya at nagpadala siya sa init ng kanyang katawan ng mga oras na iyon? Paano na lang kung may nakakita sa kanilang dalawa?
Damn, nakakahiya.
"Sshhhh...ako dapat ang mag-sorry sa iyo," agaw ni Russell na ngayon ay ikinulong nito ang kanyang mukha sa mainit na palad nito at tinitigan siya muli sa kanyang mga mata. "Sorry...dahil hindi ito ang tamang lugar para gawin natin ang—,"
"Hey!" Pigil niya sa sasabihin sana ng kanyang asawa na siyang mas lalong ikinainit ng kanyang mukha. Mabilis tuloy niyang naitulak ito sa dibdib para makalayo sa pagkakadagan sa kanya ang kanyang asawa at makawala. "Stop it," aniyang pilit na iniwas ang ang mukha rito para itago ang tiyak na namumula niyang pisngi ng mga oras na iyon.
Ni hindi niya alam kung anong gagawin nang muli siya nitong inihiga sa sofa at ipinulupot ang mga matigas nitong braso sa baywang niya. Kasunod niyon ay ang pagsandal ng pisngi nito sa dibdib niya at ang sunod sunod nitong paghugot ng malalim na paghinga. Ni hindi niya alam kung ilang minuto sila sa ganoong sitwasyon na wala ni isa man sa kanila ang nagsasalita. At tanging ang pagbuntong hininga nila ang naririnig sa katahimikang nakapaligid sa kanila.
"Please stay..." mayamaya ay mahinang sambit nito na mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa baywang niya. "Stay with me, please?" Tila nahihirapang sambit nito na siyang ikinabuntong hininga niya rin. Ewan nga ba niya at tila pati siya ay nahihirapan rin kapag nakikitang nahihirapan ang kanyang asawa. "Babe...please stay with me, will you?" Dagdag nitong iniangat ang ulo para tingnan siya sa kanyang mga mata na siyang sinalubong naman niya. At tulad kanina ay nakita na naman niya ang tila nagsusumamo nitong mga mata na animo'y natatakot itong mawala siya.
And still, hindi pa rin siya makapaniwalang si Russell na kinababaliwan ng karamihan ang kaharap niya at yakap yakap siya ng mga oras na iyon. Si Russell na ni sa panaginip niya ay hindi niya inisip na magsusumamo sa kanya na huwag niyang iwanan.
Seriously?
Hindi pa rin siya makapaniwalang nangyayari ito sa kanya. Of all people, bakit sa kanya pa? At kahit alog-alogin pa niya ang kanyang sarili ay hindi niya alam kung bakit ganito ang iniakto nito sa kanya.
"How can I say no? Eh, hindi ba kasal naman tayo?" Nakangiting sagot niya rito na siyang ikinaliwanag ng mga mata ng kanyang asawa.
"Promise? You won't leave me again?" Tila batang sambit nito na napangiti na rin na hinintay ang sagot niya.
"What's the use of use of leaving you, kung masusundan mo lang din naman ako?" Natatawang sagot niya na pinilit na makabangon mula sa pagkakadagan nito sa kanya.
"Hey, what do you think you are doing, hmm?" Ani ni Russell na pinigilan siyang makabangon. "You promise me first, na hindi ka na ulit tatakas pa. God, hindi ko na alam kung ano ang magagawa ko sa susunod kapag ginawa mo ulit iyon sa akin."
"Bakit? Ano ba ang pwede mong gawin kapag ginawa ko ulit 'yon?"
"Hey, hey!"
"What?" Natatawang sambit niya nang magdilim na naman ang gwapong mukha ng kanyang asawa.
"Don't even think about it!"
"Think about what?" Nakataas ang kilay na tanong niya na mas lalong lumawak ang pagkakangiti sa asawa. Hindi niya alam kung bakit tuwang tuwa siya sa reaksyon ng kanyang asawa sa sinabi niya.
God, si Russell Medina ba talaga itong kaharap niya?
"Don't dare—,"
"I dare you," mabilis niyang agaw sa sasabihin pa sana ng kanyang asawa na ngayon ay nakangisi na siya rito habang ito naman ay hindi na naman maipinta ang gwapo nitong mukha. At artista nga ang asawa niya dahil mabilis ang pagbago ng aura ng ng mukha nito sa kanya. Kani-kanila lang ay naiiyak ito, napapangiti, natatawa, naeexcite, nalulungkot at ngayon ay may takot na namang nakalarawan sa mga mata nito.
"Noorell?!" Pagababanta nitong idiniin ang pagkakadagan ng katawan nito sa katawan niya.
"What Russel?!" Ani naman niya na hindi nagpatinag sa nagbabanta nitong mga mata. Bagkos ay mas lalo pa siyang natatawa sa inakto kanyang asawa.
"I told you don't dare—,"
"And I told you, I dare you," muling agaw niya sa kanyang asawa nang bigla na lamang siyang mabigla nang marahas nitong angkinin ang labi niya niya na animo'y pinaparusahan siya sa katigasan ng ulo niya.
BINABASA MO ANG
My Runaway Wife (Second Version)
RomanceAlak ang naging sagot ni Noorell para makalimot sa kanyang pagkabigo sa buhaypag-ibig. Kaya natagpuan na lamang niya ang sariling naglalasing sa isang bar. Ngunit isang pakialamerong ubod ng gwapo ang walang pakundangang nakialam sa kanyang pananahi...