Chapter 30

3.5K 133 7
                                    

My Runaway Wife
By: CatchMe

Chapter 30

"I THINK SO," sagot ni Russel sa balik tanong ni Noorell rito. "I think we are fated together," dagdag pa nitong mahinang tumawa.

"Are we?" Ani naman niya na tinulongan na ito sa ginagawa nito at asalukuyan itong naglalagay ng pasta sa kumukulong tubig na nakasalang sa electric stove na kaharap nito.

"Pero, 'di ba dapat kailangan muna nating kilalanin ng pormal ang isa't isa? Getting to know each other stage kumbaga," aniyang ipinagpatuloy ang sanadaling pag-iwan ng kanyang asawa sa paghiwa ng sebuyas matapos nitong itabi sa gilid ang nahiwa na nitong bawang kanina. "Ahh..." naialayo pa niya nang bahagya ang mukha sa hinihiwa niyang sebuyas at ipinikit ang mga mata.

Muli na namang tumawa si Russel na tumabi sa kanya at kinuha sa kamay niya ang hawak niyang kutsilyo.

"Let's introduce ourselves then," wika nitong inilahad ang kanang kamay sa harapan niya. "I'm Russel, by the way. How about you?" Natatawang pakilala nito sa sarili. "May I know the name of this beautiful woman in front of me?"

"Ano ka ba, para ka namang ano 'dyan, eh," natatawa ring sambit niya  na inabot din ang nakalahad na kamay nito sa harapan niya. "Beautiful, beautiful ka dyan, akala mo naman mabobola mo ako sa beautiful mo na 'yan. Anyway, I'm Noorell. Nice meeting you, Russel." Tila mga abnormal na nakipagkamay silang dalawa at kapwa malakas na tumawang ipinagpatuloy ang pagluluto ng makakain nila.

"AH...I'M SO FULL," sambit ni Noorell na inilapag ang hawak na kopitang naglalaman ng red wine na pinagsaluhan nila ng asawang si Russel. Halos nakalahati na nila iyon at nakaramdam na rin siya ng pag-iinit ng kanyang mukha.

Pagkatapos nilang kumain kanina ay napag-desisyonan nilang uminom ng wine habang nagkukwentohan tungkol sa mga nangyari sa kanila.

Kani-kanina lang din ay naitanong nito sa kanya kung bakit siya malungkot ng gabing iyon kung saan nauwi sa pagpropose niya rito ng kasal at hindi siya nahiyang ikwento rito tungkol sa kanilang balak na pagpapakasal sana nila ng dati niyang kasintahan.

Instead, na ang kasintahan niya ang pakakasalan niya ay sa isang Russel Medina pa ang napangasawa niya.

She smiled as she remembered his reaction after hearing her story.

Agad kasi siya nitong niyakap na animo'y pinapaabot nito sa kanya na hinding-hindi siya nito sasaktan tulad ng ginawa ng dati niyang kasintahan. Marahan pa siya nitong hinalikan sa noo at muling ikinulong sa mga bisig nito.

Inaamin niyang nasasaktan pa rin siya kapag naaalala ang dating kasintahan ngunit sa tulong ng asawang si Russel ay agad naman niyang na o-overcome ang sakit na nararamdaman niya.

Sabi pa nga nito ay kalimutan na lamang nila ang nakaraan at magsisimula sila sa umpisa. Umpisa ng panibagong kwento ng kanilang pag-iibigan na silang dalawa ang bida.

Muli siyang napangiti na ipinilig ang ulo para alisin ang mga iyon sa isipan niya.

"Glad to hear that," sambit naman ni Russel na ipinatong din sa mesa ang hawak nitong kopita.

"May tanong pala ako," ilang saglit lang ay wika niya.

"Yeah, sure. Go, ahead. What is it?"

Lumingon siya sa napakalaking frame na nakasabit sa wall ng bahay nito kung saan ay silang dalawa ang naroon. Kuha iyon noong gabing ikinasal silang dalawa dito sa bahay nito.

"Bakit...bakit ganito kalaki yong larawan natin? I mean...nakakailang lang kasing tingnan, saka mukha naman akong wala sa sarili dyan. Ang pangit-pangit kaya tingnan." Napangiwing wika niya na tinitigan ang larawan nilang iyon.

My Runaway Wife (Second Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon