Chapter 22

3.9K 161 16
                                    

My Runaway Wife
By CatchMe

Chapter 22


“RUSSEL, thanks God, you came! Ang ama mo, nasaan na?”

Napahinto si Noorel nang salubongin at yakapin ng may edad ng babae si Russel nang makarating sila sa emergency room kung saan sila itinuro ng nurse na napagtanungan nila sa Information Desk ng naturang hospital kanina. Mabanaag ang pag-alala sa magandang mukha ng babae na agad din kumalas ng yakap kay Russel.

“He’s on his way here, Tita. How’s mom by the way? Is she okay?” nag-alala namang tanong ni Russel nang kumalas din ito ng yakap.

“I have no idea, hijo, dahil hindi pa lumalabas ang doctor simula kanina. How I wish she’s fine.”

“Russel, hijo, where’s your mom? How is she?”

“Dad, you’re here” sabay silang napalingon ni Russel nang marining ang nag alalang boses ng ama nito. Hindi rin naitago ang sobrang pag alala sa mukha nito na humahangos pa na agad lumapit kay Russel.

Napaatras si Noorell at hindi alam ang gagawin ng mga oras na iyon. Lalong lalo na at nawala sa isipan niya kanina na maaring magkikita sila ng boss niya rito sa hospital at sa ganito pa na sitwasyon.

“How’s your mom?”

“Hindi ko pa alam, Dad. But I hope she’s fine.” Sagot ni Russel na niyakap ang ama nito habang tahimik namang nakamasid si Noorell sa mag ama.

Hindi niya napigilang humanga sa mag ama dahil kitang kita niya ang pagmamahalan ng mga ito saa isa’t isa. Lalo na si Russel na mabining hinahagaod ang likod ng ama nito na animo’y binibigyan nito ng lakas ng loob ang ama nitong nag alala sa asawa nito.

“Hindi pa lumalabas ang doctor, Mario.” Sabat naman ng babaeng yumakap kanina kay Russel na ngayon ay siya namang niyakap ng ama ni Russel. “And I hope she’s fine.” Wika pa nito na agad din kumalas ng yakap at nagpaliwanag kung ano man ang nangyari kung bakit isinugod sa hospital ang ina ni Russel.

Muli silang napalingon nang sabay sabay na nagsidatingan ang iba pang kaapatid ni Russel na tulad ng ama ng mga ito ay humahangos din at may pag alala sa mga mukha na yumakap sa ama ng mga ito.

Hindi na naman naitago ni Noorell ang paghanga sa magkakapatid na ngayon ay yakap yakap ang ama ng mga ito. Kitang kita niya kasi kung paano mag alala ang mag-ama para sa ina ng mga ito na nasa loob ng emergency room. Ang pagmamahal ng mga ito sa isa’t isa at tila handang damayan ang isa’t isa sa ano mang problema kinakaharap ng mga ito.

Hanggang sa bumukas ang pintuan ng emergency room at iniluwa niyon ang isang doctor na may suot pang scrub suit at mask na siya namang sinalubong ng mag ama at inalam ang kalagayan ng pasyente.

“She’s fine now,  at kasalukuyang nagpapahinga. Tinurukan ko na rin siya nang pampatulog para siguradong makapagpahinga siya ng mabuti.” Saad ng doctor.

“Thanks, God!” tila naman nabunutan ng tinik sa dibdib na saad ng ama ng mga ito na nilingon ang mga anak na yumakap rito. “God knows how afraid I am when I heard the bad news.” Dagdag pa nito.

“You’re not alone, Dad. Halos paliparin ko na nga ang kotse kanina para makarating lang dito agad,” sambit naman ni Aeframe

“By the way after an hour  ay pwede nang ilipat ang pasyente sa private room. Hinihintay ko lang ang  test result that we made to her earlier. Then I will talk to you again later regarding of the test  result.” Muling wika ng doctor na siyang tinanguan ng mag ama at nagpasalamat sa doctor. “So, I’ll go first, Mr. Quiwa and I am seeing the next patient.” Nakangiti pang paalam ng doctor.

Tumango naman si Noorel na tahimik na nakikinig sa likuran ng mag ama at nagbigay pugay sa doctor na dumaan sa gilid niya. Saka siya tumungin kay Russel na kausap ang ama nito’t mga kapatid tungkol sa kalagayan ng ina ng mga ito. Saka lamang siya napaiktad nang walang ano man ay napalingon ang boss niya sa gawi niya at nagsalubong ang kanilang mga mata.

“Ms. De Vera? What are you doing here?” tila nasurpresa pa na tanong nito habang ang mga kilay nito ay nagkasalubong na nakatingin sa kanya. “Hindi ko napansin na nadito ka, may pasyente ka ba rito?”

“S-sir...h-hello po, Sir,” hindi alam ang sasabihing nasambit na lamang niya. And of all places dito pa sila magkikita ng boss niya at sa ganito pang sitwasyon. At ano naman kaya ang isasagot niya sa boss niya? Na nagkataon lang ang pagkikita nila?

“She’s with me, Dad,” agaw naman ni Russel na lumapit sa kanya na siyang ikinabahala niya dahilan para hindi siya makapagsalita dahil tila biglang nagblanko ang utak niya.

“What?” mas lalong nagsalubong ang mga kilay ng ama nito na nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Russel. Lalo na’t ipinatong ni Russel ang isang kamay nito sa balikat niya habang ang isa ay nakahawak sa isang kamay niya’t nakatayo pa sa kanyang likuran. Na animo’y gusto siya nito gawing panangga sa isang laban.

But wait a minute!

Anong binabalak nito?!

“She’s with me...and I’m with her. Magkasama kaming pumunta rito.” Walang anumang sagot nito na pinisil ang balikat niya.

“At bakit kayo magkasama ni Ms. De Vera? Russel, baka nakakalimutan mong may asawa ka na at hindi tamang dalhin mo rito si Ms. De Vera sa ganitong lugar at oras kung saan ay hindi na kasali sa trabaho niya.”

“Dad, you don’t understand me. She’s here...I mean...she’s with me because she’s my---OUCH!” hindi natapos ang sasabihing napaatras si Russel dahilan para mabitiwan nito ang balikat at kamay niya.

Agad  naman siyang napalingon rito at sinalubong ang mga mata nito nang magtama ang paningin nila. At agad niyang binigyan ng isang “what-the-hell-are-you-talking-about” look ang asawa niya na mabilis niyang inapakan ang paa nito kani-kanina lang para patigilin ito sa pagsasalita.

Aba, ang hudyo! May balak yatang ibuking ang pagiging mag-asawa nila sa hindi tamang panahon at sitwasyon?

No way!




My Runaway Wife (Second Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon