Chapter 49

2.4K 103 21
                                    

My Runaway Wife
By: CatchMe

Chapter 49

MAHINANG napabuga ng hangin si Russel na hindi inalis ang pagkakayakap ng kanyang braso sa baywang ng nahihimbing niyang asawa. Ni hindi niya maipikit ang sariling mga mata sa kakatitig ng magandang mukha nito habang natutulog. Inaamin niyang nahirapan rin siyang gawin iyon lalo na't kung anu-ano na lamang ang pumapasok sa isip niya habang pinagmamasadan ang maamo nitong mukha. Tulad na lang sa pagkontrol niya sa kanyang nararamdaman ng mga oras iyon dahil nag-iinit ang katawan niyang nakadikit sa katawan ng kanyang asawa na hindi man lang nalalaman na nahihirapan siya sa sitwasyon nilang dalawa.

Muli ay mahina siyang napabuga ng hangin para pakalmahin ang kanyang sarili. Mas lalo kasing uminit ang kanyang katawan nang gumalaw ang kanyang asawa at nag-iba ang posisyon nang pagkakahiga. Napatingin siya sa puno ng dibdib nitong hindi naitago ng suot nitong pantaas na pares ng pajama at napalunok ng ilang beses bago muling nagbuga ng hangin na tila nahihirapan na siyang kontorolin ang kanyang sarili.

Hindi niya napigilan ang sarili na mas lalong mag-init ang kanyang katawan lalo na't ramdam na ramdam niya ang lambot at init ng katawan ng kanyang asawa na walang malay sa nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

Dahan-dahan tuloy niyang itinaas ang kanyang kamay para haplosin ang maganda nitong mukha. Ilang saglit pa ay dahan-dahan din niyang ginawaran ng magaang halik ang noo nito, pababa sa tungki ng ilong nito at pababa sa mapula-t malambot na labi nito. Saglit siyang hindi nakahuma nang gumalaw muli ang kanyang asawa at mayamaya lang ay mahimbing muli itong natulog sa tabi niya. Saka siya napahiga ng maayos sa tabi nito at napabuntong hininga.

Kailangan niyang labanan ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon at hayaan na lamang munang makapagpahinga ng husto ang mahal niya. Total, makapaghihintay pa naman siya ng tamang oras para doon kaya magtittiis na lang muna siya sa ngayon na hanggang yakap at halik lang muna siya rito.

Napangiting napatitig siya muli rito at inilapit pa ng husto ang katawan ng kanyang asawa sa katawan niya at muling ginawaran ng mabining halik ang noo nito atsaka idinantay ang braso sa baywang nito. Nang makuntento sa kanilang sitwasyon ay saka niya ipinikit ang kanyang mga mata at nakangiting yakap-yakap ang natutulog niyang asawa.



ANG PAKIRAMDAM na may humahalik sa kanyang noo ang siyang nagpagising sa mahimbing na pagtulog ni Noorell. At ang gwapo at nakangiting mukha ng kanyang asawang si Russel ang agad na sumalubong sa kanya na hindi pa man siya nakapagsalita ay agad nitong ginawaran ng mabilis na halik ang labi niya.

"Good morning," malambing na bati nito matapos siyang gawaran ng halik sa labi na siyang ikinainit ng kanyang mukha.

At ano na lang kaya ang lasa at amoy ng labi niya gayong kagigising lang niya at agad siya nitong salubongin ng halik sa labi?

God, nakakahiya.

Amoy laway na panis pa siya at baka may muta pa ang mga mata niya pero tila kanina pa nito pinagpepyestahan ang walang kamalay malay niyang mukha habang natutulog pa yata siya.

"Good morning," kagat labing sagot niya na agad na itinaas niya ang gamit nilang comforter at itinago ang kanyang mukha roon.

Natawa naman si Russel sa ginawa niya na ibinaba ang comforter at yumakap sa kanya. "Are you feeling better now?" Anitong kinapa ang noo niya.

Wala naman siyang lagnat para kapain nito ang noo niya pero napayuko na lamang siya rito bilang sagot sa tanong nito sa kanya.

"That's good," sambit nito nang masagi ng braso nito ang dibdib niya nang yakapin siya nito saka niya naalalang wala pala siyang suot na bra kaya napatikhim siya rito at umusod kunti mula sa kanyang asawa. "Why?" Tanong nito na napakunot ng noong napatingin sa kanya.

Napansin niyang bagong paligo pala ito preskong-presko tingnan sa suot nito. "Ahm...kailangan kong gumamit ng toilet, saglit lang ha?" Aniyang mabilis na bumaba sa kama at iniwan ang kanyang asawa roon na tinungo ang banyo.

Agad siyang nagsepilyo at naghilamos ng kanyang mukha roon ng ilang minuto, pagkatapos ay saglit niyang pinagmasdan ang kanyang sarili. Ininspekyon niya ang kanyang mukha maging ang kanyang kabuoan ay tiningnan niya rin para lang mapangiwing napatitig sa kanyang dibdib. Wala pa rin kasi siyang suot na bra at nakalimutan niyang kumuha closet nito bago siya pumasok sa banyo dahil sa pagmamdali niya.

"Bahala na," paanas niya at napakibit-balikat na lamang siya nang ilang minutos siyang nagkulong sa banyo at patay malisyang lumabas na roon para balikan ang kanyang asawa sa kanilang kwarto.

Ngunit hindi pa man niya nahawakan ang siradura ay bumukas naman iyon at iniluwa ang gwapo niyang asawa. "What took you so long?" Bungad nito na siyang ikinabigla niya. Napahawak tuloy siya sa kanyang dibdib para lang makapa muli na wala pa rin siyang suot na bra.

"Oh, you scared me," nasambit niya na patay-malisyang lumabas ng banyo at tinungo ang walk-in closet kung saan naroon ang mga gamit niya habang nakasunod naman si Russel sa likuran niya.

"I prepared our breakfast already, kung nagugutom ka na pwede na tayong maunang kumain para makainom ka ulit ng gamot mo." Wika nito na siyang ikinalingon niya at napatingin sa wall clock na naroon para lang masorpresa sa nakita.

"Oh, it's already eleven o'clock?" Hindi makapaniwang sambit niya. "At hindi mo man lang ako ginising?" Aniyang humarap sa kanyang asawang nakatingin sa kanya. Kaya pala ang gaan ng pakiramdam niya ngayon ay dahil nakatulog siya ng mahaba-haba rin. Buti na lang at sabado ngayon, nakapagpahinga siya nang husto at nakabawi sa masamang nararamdaman niya kagabi na siyang dahilan ng pagbagsak ng katawan niya pagkapikit na pagkapikit ng kanyang mga mata kagabi.

"Para makapagpahinga ka ng husto at makabawi man lang sa nararamdaman mo kaya hindi na kita inabala pang gisingin kanina. And I'm glad na mukhang okay ka na naman ngayon unlike kahapon."

"I see," tugon niya nang mapansing sa dibdib niya nakatingin ang kanyang asawa habang kausap siya kaya tumalikod siya muli rito at binuksan ang closet para magpalit ng kanyang damit.

Ngunit napapitlag siya ng mula sa kanyang likuran ay yumakap sa kanyang baywang ang kanyang asawa at inilapat ang mukha nito sa balikat niya. Kasabay niyon ay ang pagdama ng mga kamay nito sa dibdib niya na siyang ikinasinghap niya. "Russel..." tanging sambit niya nang sinubukan niyang pigilan ang mga kamay nito palayo sa dibdib niya ngunit iniharap nito ang kanyang katawan paharap saka naman inangkin ang labi niya.

My Runaway Wife (Second Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon