My Runaway Wife
By: CatchMeChapter 37
"HOW COULD YOU DO THAT?!"
Agad na wika ni Noorell pagkalapat nang pagkalapat ng pintuan pasara ng pribadong opisina ng boss niya. Iwinaksi pa niya ang kamay nitong nakahawak sa kamay niya at tiningnan ito ng masama.
"No. Ako dapat ang magsasabi sa'yo niyan. How could you do that?" Sagot naman ni Russel na hinarap siya.
"What?" Aniyang tiningan sa mukha ang asawa.
"You!" Turo nito sa kanya. "How could you do that?"
Saka lamang niya napansin ang galit na nasa mga mata nito nang salubongin niya ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Bigla tuloy umurong ang dila niya at hindi makapagsalita nang dahil sa nakikita niyang galit sa mga mata nito.
Kanina lang ay kampante pa itong humarap sa mga katrabaho niya at ni hindi man lang inalintana at nabahala sa ginawa nitong komusyon sa labas ng pribadong opisina ng ama nito.
Pero bakit ngayon kung saang silang dalawa na lang ang magkasama ay biglang itong nagalit sa kanya?
Why?
"Do you really think that I was that fool? Huh?! My god Noorell! I don't deserve this for god sakes! Ikaw pa lang ang nag-iisang babaeng nagpamukhang tanga sa akin! Not even once but twice, Noorell! Twice!"
Napakislot siya nang tumaas ang boses nito sa kanya na para bang bulkang sumabog ito sa harapan niya dahilan para panginigan siya ng kanyang mga tuhod sa di inaasahang pagtaas ng boses nito sa kanya. Pakiramdam niya ay nanlambot siya sa nakikitang galit sa mga mata nito na kung pwede lang sigurong alogin nito ang katawan niya ng mga oras na iyon ay malamang hindi nga nalalayong gawin nito iyon.
Anong gagawin niya ngayon? Paano niya mapapahupa ang galit na nakikita niya sa kanyang asawa?
Hindi niya alam.
Hindi niya alam dahil mas lalong sumakit ang ulo niya sa pangyayari. Dagdagan pa na litong lito na siya ng mga oras na iyon.
Sinubukan niyang magsalita pero umuurong talaga ang dila niya at walang katagang lumabas sa labi niya. Lalo na nang mapansing namumula na ang mukha ng kanyang asawa maging ang tenga nito dahil sa galit.
Hanggang sa marinig niya ang malakas na pagbuntong hininga nito at marahas na pagbuga ng hangin mula sa baga nito. Napasuklay pa ang mga daliri nito sa buhok nito na sandaling tumalikod sa kanya at muling napabuga ng hangin na napatingala sa kisame.
"Why?" Mayamaya lang ay lumingon ito sa kanya na inilagay ang mga kamay sa beywang nito. Nagmistula tuloy siyang bata na sinisermonan ng isang galit na ama dahil sa sitwasyon nila. "I thought we are okay, but why the hell you left me again? Is it fun for you? Do you think it is really fun? Huh, Noorel? Fooling me twice is really fun for you, huh?"
"O-ofcourse not! I was just---"
"Then why the hell did you do that? Why? Why?!"
Nabigla siya nang marahas nitong hawakan ang balikat niya't iniharap nito. Habang ang nangagalit na mukha nito ay inilapit nito sa mukha niya na naghihintay ng maging sagot niya.
Ni hindi naman niya alam ang isasagot dito dahil sa maliban sa pagkabigla niya ay nalilito rin ang utak niya. Dagdagan pa ng pagbangon ng takot sa katawan niya sa nakikitang galit sa mukha nito ay napapikit na lamang siya. Mas okay na iyon para hindi niya makita ang nangaggalit nitong mga mata.
Ang galit nitong ramdam na ramdam niya ng mga oras na iyon. Maging sa paraan nang pagkakahawak nito sa kanya ay ramdam niya ang galit nito dahil halos bumaon na ang mga daliri nito sa balikat niya. Lalo na nang alugin nito ang balikat niya na animo'y binabalik siya nito sa reyalidad.
BINABASA MO ANG
My Runaway Wife (Second Version)
RomansaAlak ang naging sagot ni Noorell para makalimot sa kanyang pagkabigo sa buhaypag-ibig. Kaya natagpuan na lamang niya ang sariling naglalasing sa isang bar. Ngunit isang pakialamerong ubod ng gwapo ang walang pakundangang nakialam sa kanyang pananahi...