My Runaway Wife
By: CatchMeChapter 26
"SALAMAT," nakayukong sambit ni Noorell nang makababa sa kotse ng kanyang asawang si Russel. Laking pasalamat niya nang ito na mismo ang nagsabing ihahatid na lang muna siya nito sa bahay niya para makapagpahinga. At dahil sa di inaasahang nangyari sa ina nito ay ipagpaliban na lamang umano nila ang pag-uusapan sana nilang dalawa kanina ang tungkol sa kanilang relasyon. At malaking pabor naman iyon sa kanya ang desisyon nitong inihatid siya sa kanyang bahay.
"Ako dapat ang magpasalamat sa'yo dahil sinamahan mo ako sa hospital kanina. Saka pasinsya ka na rin at masyado ka nang ginabi ngayon. I know na pagod ka na and you need more rest so, huwag ka na munang pumasok bukas sa trabaho. Magpahinga ka na lang muna."
"No, no, no!" Mabilis niyang kinontra ang sinabi nito habang ang ipinilig ang ulo. "Okay lang naman ako at may oras pa naman para makapagpahinga ako. I mean...hindi namang kailangan mag absent ako sa trabaho nang dahil lang sa ginabi ako ng uwi ngayon at sinamahan kita sa hospital. Besides, it's my will naman na samahan ka, kaya don't worry. Kaya ko na ang sarili ko."
"Pero...baka naman---"
"No," putol niya sa sasabihin pa sana nito. "I'm okay. Isa pa dapat ngang andoon ako sa opisina bukas dahil baka kung ano pa ang sabihin ni Mr. Quiwa---I mean ng father mo kapag umabsent ako," napakagat sa labing wika niya. "Baka isipin niya na hindi porket kasal tayo, eh, may karapatan na akong umabsent o kung kailan ko gusto."
"Hey! You're thinking too much!" Natatawang sambit nito na napailing.
"Ah, basta. Huwag mo na akong alalahanin, kaya ko na ang sarili ko." Pag-i-insist niya.
"Okay, okay. Susunduin na lang kita bukas kung ganoon."
"Why?" Mabilis niyang tanong. "I mean...hindi naman kailangang sunduin mo pa ako bukas. Tulad nang sinabi ko na kanina, kaya ko na ang sarili ko. Instead, bakit hindi ka na lang kaya bumalik sa hospital para samahan ang Daddy mong bantayan ang Mommy mo? I'm sure na matutuwa ang Mommy mo kapag andoon ka pag-nagising na siya." Suhestyon niya rito na pilit na ngumiti sa asawang si Russel.
"Mas matutuwa 'yon kung tayong dalawa ang magkasamang namulatan niya." Natatawang sagot nito. "You know...mom always asking me about you. Kung kailan daw ba kita ihaharap sa kanya as my wife."
Bigla ang pag-init ng kanyang mukha sa sinabi nito na siyang dahilan ng hindi niya pagtingin sa mukha ng kanyang asawa. Bigla kasi siyang nahiya na hindi alam ang gagawin. Muli na naman kasing sinalakay ng kaba ang dibdib niya at isipin pa na malapit na niyang makaharap ang Mommy nito ay tila nanliit siya sa sarili.
Nag-aalala kasi siya kung anong maging impresyon nito sa kanya. Na tulad ng boss niya, eh, matatanggap din ba siya ng ina ng kanyang asawa?
Mariin siyang napakagat sa sariling labi at iniwas ang paningin dito.
"Well...we'll meet her soon. Kapag okay na siya," aniyang hindi makatingin dito. Infact ay ayaw niya itong tingnan dahil sa kabang nararamdaman ng mga oras na iyon.
"Yeah, we will." Sang-ayon naman nito na hinawakan ang kamay niya dahilan para mapatingin siya sa kanyang asawa. "So, as of now, magpahinga ka na muna, it's getting too late you know. We'll see you tommorow, okay?"
Napayuko siya ng kanyang ulo bilang sagot at pilit na ngumiti sa asawa. "Salamat ulit sa paghatid sa akin. Saka...mag-ingat ka sa pagmaneho," aniya rito na sinalubong ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya.
"Yeah, I will..." nakangiting tugon nito sa kanya. "So, I have to go now, goodnight then," anitong iniyuko ang ulo at inilapit ang mukha sa kanya. At bago pa siya makapag-panic ay mabilis nang dumampi ang mapula nitong labi sa labi niya.
Wala tuloy sa sariling napaawang ang labi niya sa ginawa nito.
Damn.
What was that for?
Good bye kiss?
Goodnight kiss?
Or should she say... good bye kiss slash good night kiss from her-unknown-so-called-husband Russel Medina?
"Shit!"
Di pa man siya makabawi sa panghahalik nito ay narinig niyang napamura ito na siyang ikinasalubong ng mga kilay niya.
What the---pagkatapos siya nitong halikan ng walang paalam, eh, may gana pa itong magmura?
Aba. Ang galing naman!
"What?! What was that for? Was that for me? Aba naman Mister---"
"Ssshhhh..." pigil nito na tinakpan ng hintuturo nito ang labi niya. "It wasn't for you, I'm sorry." Anitong hinawakan siya muli sa kanyang kamay at mabilis na binuksan ang pintuan ng kotse nito na siyang kinalabasan niya kani-kanina lang at pinapasok siya muli.
"Hey, what are you doing?" Aniyang nilingon ito. "Bakit mo ako pinapapasok muli sa kotse mo, eh, andito na nga ako sa harap ng bahay---"
"I'm sorry, but I think you better come with me tonight." Sagot nitong pilit siyang pinapasok sa kotse nito.
"What?! Hey! Russel Medina!"
"Just do what I say, okay?"
"Bakit nga? Ang labo mo namang kausap kasi, eh. Hindi ba't ikaw na ang nagsabing---"
"They are here. They followed us." putol nito sa reklamo niya.
"What? Who?" Nagpalinga-linga ang ulong tanong niya na hinanap kung sino ang tintutukoy nitong nandoon at sinusundan sila.
"Paparazzi," sambit nito na siyang ikinalaki ng kanyang mga mata nang mapansin sa hindi kalayuan ang pagkislap ng camera. "Now, get in," dagdag pa ng kanyang asawa na agad niyang sinunod at siya na ang kusang nagsara ng pintuan ng kotse nito.
Mabilis naman itong umikot at binuksan ang driver side at pumasok doon. Saka nito pinaandar ang kotse nito at nilisan ang lugar kung saan siya nakatira.
BINABASA MO ANG
My Runaway Wife (Second Version)
RomansaAlak ang naging sagot ni Noorell para makalimot sa kanyang pagkabigo sa buhaypag-ibig. Kaya natagpuan na lamang niya ang sariling naglalasing sa isang bar. Ngunit isang pakialamerong ubod ng gwapo ang walang pakundangang nakialam sa kanyang pananahi...