Chapter 44

171 17 5
                                    


Chapter 44

"Our final stop!" Spencer announced at huminto ang van sa tuktok ng isang burol na hindi naman mahirap akyatin kasi sementado tapos sa nakita kong sign kanina this place is for picnics and stargazing.

Halos ilang oras din kaming nasa loob lang ng van at palibot-libot kung saan-saan buti na lang talaga nakarating na rin kami dito.

"Ang ganda ng sunset," bulong ni Pia sabay tingin sa kalangitan kaya kinuha ko ang camera ko at kinunan ko ito ng litrato.

"Keios, dinala mo ba 'yong pinadala ko sa 'yo?" tanong ni Spencer sabay baling kay Keios na nakatingin din pala sa sunset.

"Ah, oo nga pala."

Kaagad namang pumunta si Keios sa likod ng van at may kinuha s'yang isang checkered na tela.

"Para saan 'yan?" tanong ko.

"Ilalatag natin 'to para may maupuan at mahigaan tayo mamaya sa pag stargazing natin," sabi ni Spencer sabay lapag ng tela sa grass, may kalakihan ito at kasya lang kaming anim.

"Walang pagkain d'yan?" tanong ni Rhai, gusto ko rin sanang itanong kasi nagutom ako sa byahe namin kanina.

"Meron, kumupit ako sa convenience store namin kanina," sabi ni Alas sabay kuha ng pagkain sa loob ng van.

"Kumupit talaga? Masama 'yon, even if ikaw pa ang anak ng may-ari dapat ka pa ring magbayad o 'di kaya ay magpaalam kung may kukunin ka" suway ni Pia sa kan'ya.

"Joke lang, 'di ka naman mabiro. Mas'yado ka talagang seryoso, Pia," sabi ni Alas at ngumuso na lang si Pia.

"Pero ikaw hindi sineryoso," pang-aasar na naman ni Spencer pero buti na lang hindi na ito pinatulan pa si Alas.

Umupo na kami sa checkered na tela pero si Rhai ay kaagad na humiga hindi man lang s'ya na-concious sa suot n'ya, skirt nga kasi ang suot n'ya at maiksi pa.

"Ano ba 'yan, Rhai, ayusin mo nga paghiga mo babae ka pa rin kahit mukha kang lalaki," sabi ni Spencer kaya kaagad umayos sa pag-upo si Rhai.

"Ayusin mo rin mukha mo, Spencer, tao ka pa rin naman kahit mukha kang alien."

Napabuntong-hininga na lang si Pia na nasa tabi ko, alam na n'ya siguro na magsisimula na naman ang pikunanan ni Rhai at Spencer.

"Ang pogi ko naman para maging alien," pagmamayabang ni Spencer sabay ayos ng buhok n'ya.

"Pia, sabihan mo nga si Spencer na masamang magsinungaling," sabi ni Alas kaya ay napatawa si Keios.

"Dinamay mo pa si Pia, nanahimik lang 'yan sa gilid pinagdadasal na sana 'wag ma-minus points si Spencer sa langit," sabi ni Keios kaya ay napatingin ako kay Pia at nakangiti lang s'ya, kung ako 'yan baka inasar ko na rin sila pabalik. Pero iba pala si Pia, sobrang bait n'ya.

"Kumain na lang tayo, nagugutom na ako," sabi ni Pia kaya ay kinain na namin ang dalang pagkain ni Alas.

Puro junkfoods, softdrinks, cookies, biscuits at sandwich lang ang kinain namin kasi 'yon lang ang available sa convenience store nila Alas na p'wede naming dalhin dito. Sumapit na rin ang gabi at nakahiga na kami habang nakatingin sa kalangitan. Nasa pinakagilid si Rhai, tapos nasa tabi n'ya ako, at nasa tabi ko si Pia na katabi si Spencer, si Keios, at nasa kabilang gilid si Alas.

"Alam n'yo ba guys kung ilan ang rason kung bakit sobrang thankful ako sa friendship natin?" biglaang tanong ni Spencer na bumasag sa katahimikan.

"Ilan?"

"Well, I can't really answer that question. Just like the stars in the sky, hindi ko mabilang ang rason kung bakit sobrang grateful ako sa inyo at kung bakit sobrang mahal ko kayo," Spencer said at ibang-iba ang tono nang pagsasalita n'ya ngayon, hindi nagbibiro, hindi nang-aasar, hindi nanloloko kasi seryoso s'ya.

Sky Full Of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon