Chapter 37DAY 4 OF FACING MY PHOBIA
Mabilis ang takbo ng oras at weekend ngayon pero andito ako sa oval ng school nila dahil kahit weekend ay may practice pa rin specially ay this coming Friday na gaganapin ang battle of the bands. Maraming students din ang nasa oval grounds ngayon para ayusin ang mga booths at stalls kasi sa Monday na ang official start ng foundation week.
"Okay ka lang?" tanong ni Alas, tumabi s'ya sa akin sabay lahad ng isang strawberry milk drink agad ko naman itong tinanggap at nginitian s'ya.
"I feel like I'm a burden," I mumbled at nagtataka s'yang napatingin sa akin.
"Pa'no mo nasabi?"
I sighed. "Parang ang pabigat ko sa inyo, instead na mag-enjoy lang kayo sa panonood ng practice ay palagi ko kayong inaabala dahil sa pag-atake ng phobia ko."
"Don't say that."
Pilit akong ngumiti as I take a sip from the drink that he gave me. Sa totoo lang nahihiya na talaga ako, kasi hindi makapag-practice ng maayos sila Keios. Just like now, lumabas muna ako para makapag-practice sila ng maayos. I always ended up interrupting their practice dahil sa phobia ko.
"Huwag mong isipin na pabigat ka, kasi hindi naman namin 'yon iniisip. We are more than willing to help you, Lyra," Alas said and it somehow made me feel calm.
"And it's been four days since I'm trying to get rid of these phobia, alam mo ba masasabi ko na may changes na kahit papaano."
"Changes?"
"Yes, changes. Alam mo dati iniiwasan ko talaga na marinig ang kantang 'yon, isa 'yon sa mga rason kung bakit parang natatakot din ako lumabas sa bahay. Ang hirap, sobrang hirap. All my life, I've been living with a fear inside my heart, kahit na 13 years old pa lang naman ako nagkaroon ng phobia pakiramdam ko buong buhay na akong namumuhay sa takot."
Alas tapped my shoulder. "That must be hard."
"So hard. Alam mo 'yong gusto kong lumabas pero at the same time natatakot ako? Puno ng what ifs ang isip ko. What if 'pag lumabas ako ay biglang umatake ang phobia ko? Tapos maraming tao ang makakakita, ano ang iisipin nila sa akin? Baka isipin nila na weirdo ako, natatakot ako kasi walang makakaintindi sa situation ko."
Naramdaman ko na parang maiiyak na ako kaya ay pilit akong tumawa. "No'ng mga panahon na 'yon, ang gusto ko lang ay magkaroon ng kaibigan. Gusto kong maramdaman kung ano ang pakiramdam na may mga kaibigan. Pero pa'no ako magkakaroon ng kaibigan kung palagi lang akong nakakulong sa bahay namin at iniiwasan ang bagay na kinakatatakutan ko. I wanted to live a normal life... but I don't know how."
"Your past is painful, but ang mahalaga ay ang ngayon. At least right now you're more than willing to face your fears, you are determined na mawala na ang phobia mo, and right now you have us. Andito na kami, may mga kaibigan ka na, hindi ka namin pababayaan," Alas said as he gently caressed my hair.
"I'm blessed to have you guys."
Agad na rin kaming bumalik sa music room at naabutan namin na nagpapahinga pa sila Keios.
"Lunch break," sabi ni Marc sabay tayo.
"Sasabay ako mag-lunch sa girlfriend ko." Nakangising sabi ni Hanz at tila pinapamukha n'ya sa amin na single kami.
"Hindi ka naman namin inaya na sumabay sa amin," pabalang na sabi ni Spencer, bumusangot lang si Hanz at padabog na lumabas.
"I'll eat lunch alone," sabi ni Kyle at agad din lumabas. Loner talaga ang peg ng lalaking 'yon ano? Pogi din sana kaso mukhang ilap s'ya sa mga tao.
"Uuwi naman ako, I'll be back later," sabi ni Marc at sumunod kay Kyle sa labas.
So basically kaming Gumdrops na lang ang naiwan dito.
"Saan tayo kakain?" tanong ni Rhai. "Gutom na gutom na ako."
"Sa mall na lang? Para makapag-bonding naman tayo kahit saglit after lunch," sabi ni Pia at sumang-ayon kaming lahat sa sinabi n'ya.
As usual ay ang itim na van ang sinakyan namin papunta sa malapit na mall. Pumasok kami sa isang korean restaurant kasi gusto daw nila mag-samgyeopsal.
Habang kumakain kami ay nagkwe-kwentuhan din sila, nanatili lang akong tahimik dahil nage-enjoy din naman ako na makita silang masayang nag-uusap. After naming kumain ay naglibot-libot muna kami saglit.
"Bibili muna kami ni Alas ng snacks natin para mamayang hapon," sabi ni Keios and we just nodded.
Dumiretso naman kami sa boutique ng mga damit para tumingin-tingin lang.
"Lyra, bagay 'to sa 'yo," sabi ni Pia sabay taas ng isang above the knee baby blue dress.
"Mas mahilig ako sa long dresses e," tipid kong sambit at ngumuso na lang si Pia.
"Akin na lang 'to," sabi ni Rhai sabay hablot sa dress kaya ay nagulat kaming dalawa ni Pia, knowing Rhai kasi ay boyish s'ya so why would she wear something like that?
"Seryoso ka?" tanong ni Pia at tumawa lang si Rhai.
"S'yempre hindi, bakit ko naman 'yan susuotin. That's not my type," wika ni Rhai na tila nandidiri pa.
"Girls, balik na raw tayo sa school," sabi ni Spencer kaya ay naglakad na kami palabas sa mall.
Pagdating namin sa music room ay ando'n na pala si Kyle, Marc at Hanz si Keios na lang pala ang hinihintay nila.
"Let's start," sabi ni Kyle, pansin ko lang na seryoso s'yang tao.
Naupo na naman kami sa sahig at nasa stage na sila.
Keios started singing and I closed my eyes, trying to control myself, trying to control my phobia. But I can still feel my hands shaking, I can feel that my head is aching.
"Tonight I've fallen and I can't get up
I need your loving hands to come and pick me up
And every night I miss you
I can just look up
and know the stars are
holdin' you, holdin' you, holdin' you tonight""Mom, when people die where do they go?" I innocently asked.
"Heaven or hell," Mom answered as she watered her flowers on our garden. "But when I was young may sariling paniniwala ako."
"Sariling paniniwala po? What do you mean?"
Tumabi sa akin si Mommy and she heaved a deep sigh. "When I was young, I used to believe that once we die ay magiging bituin tayo. We will be one of those stars in the night skies, and everytime we fall we'll grant their wishes. But I was still young that time, and I have a clever way of thinking."
Sumandal ako sa balikat ni Mommy and I hugged her. "Mommy, if ever you'll see a shooting star, ano ang hihilingin mo?"
"I'll wish to the stars na sana lumaki kang masaya, I want you to be happy, I want you to be brave."
I chuckled. "Pero Mommy 'yong mga hiling mo ay para sa akin, dapat humiling ka rin ng para sa sarili mo."
"Lyra, I'm your mother, my heart is connected to yours kaya kung ano man ang makakapagpasaya sa'yo ay masaya na ako do'n. I'm selfless when it comes to you."
"So matutuloy ang road trip sa birthday ko? Kasi 'yon ang makakapagpasaya sa'kin e."
Mom kissed my cheek. "Tuloy na tuloy."
Napasabunot na lang ako sa sarili ko dahil sa sobrang sakit ng ulo ko, sumisikip na rin ang dibdib ko kaya ay nahihirapan akong huminga.
"K-kung...kung hindi ko lang sana hiniling and r-road trip na 'yon para sa birthday ko...bu-buhay pa siguro si Mommy ngayon..."
![](https://img.wattpad.com/cover/222969906-288-k680221.jpg)
BINABASA MO ANG
Sky Full Of Stars
Teen Fiction"Ad astra per aspera." Lyra Adeline Celestia is a girl who suffers from melophobia-she's afraid to hear a certain music because of a traumatic experience way back in the past. She's like the modern Rapunzel. Nang dahil sa phobia niya ay pinagbabawa...