Chapter 34

240 23 0
                                    


Chapter 34

Namamangha akong napatingin sa mga studyanteng nagsilabasan mula sa malaking gate ng University. Andito lang ako sa di-kalayuan naghihintay na lumabas ang Gumdrops, may usapan kasi kami na magkikita kami after class. Gusto ko na maki-isa sa kumpulan ng mga studyante kasi gusto kong maramdaman kung ano ang pakiramdam na maging isa sa kanila.

How does it feel like to wake up early tapos maghahanda para sa school? How does it feel like na mapagalitan ka ng prof n'yo dahil late ka na? Ano kaya ang pakiramdam na mapagalitan dahil sa sobrang kadaldalan sa loob ng klase? Ang pakiramdam ng may kasama kang mag-aral, may karamay ka sa tambak na quizzes, assignments at projects. Ang pakiramdam na kahit pagod na pagod sa klase ay magagawa mo pa ring ma-excite pagsapit ng uwian?

"Lyra!" Napalingon ako sa kumaway sa 'kin, it was Spencer and he's smiling from ear to ear. Actually lahat sila ay nakangiti mukhang masaya.

Agad silang lumapit sa 'kin at niyakap agad ako ni Pia, nakaschool-uniform sila at ako lang ang naka-civilian parang out of place naman ako dito.

"Kumusta first day?" tanong ko sa kanila.

"Super ok!" sabi ni Spencer sabau thumbs up pa.

"Alam mo ba si Keios 'yong prince charming namin?" Natatawang sambit ni Rhai kaya ay napalingon ako kay Keios, nagtama ang tingin naming dalawa at nginitian ko lang s'ya.

"Tapos si Rhai president, 'di kapani-paniwala 'no?" sambit ni Alas at binatukan s'ya ni Rhai.

"Dahil ako na ang president change is coming na sa section natin, at gagawin kitang alipin!" pang-aasar ni Rhai kay alas.

"So sa'n tayo?"  tanong ni Pia.

"Sa food park na lang ulit," tipid na sabi ni Keios. Pansin ko ang tahimik n'ya ngayon.

Pagdating namin sa food park ay as usual marami na namang tao, pero buti na lang at naka-order kaagad kami.

"Okay lang ba si Keios?" tanong ko kay Rhai habang pinagmamasdan si Keios, Alas at Spencer na kinukuha ang order namin.

"Bakit mo naitanong?"

"Pansin ko kasi na parang may mali sa kan'ya ngayon."

"Malalaman mo mamaya," sabi ni Rhai, at agad naman akong umayos sa pagkaka-upo dahil pabalik na ang boys.

Nagsimula rin agad kaming kumain, pero halos mabilaukan na ako dahil sa biglaang pagsalita ni Rhai.

"Keios, may problema ka ba raw? Nag-aalala si Lyra sa kinikilos mo." Walang hiya ka Rhai! Nararamdaman ko ang namumula ng mukha ko dahil sa sinabi ni Rhai at idagdag n'yo pa ang mapanuksong tingin ni Spencer.

"Ah, problemado talaga 'yan si Keios, sasali kasi s'ya sa battle of the bands," sagot naman ni Alas at siniko s'ya ni Spencer.

"Ba't naman ikaw ang sumagot, Alas? Si Keios nga ang tinatanong 'di ba?"

"Yeah, they're right. Sasali ako sa battle of the bands para sa foundation week ng school namin," wika ni Keios at tumango-tango naman ako.

"Foundation week? Ang bilis naman ata, 'di ba kaka-start lang ng classes n'yo?" I asked.

"Next week na nga 'yon e, wala kaming choice," sagot naman ni Pia.

"Ikaw lang mag-isa sasali sa battle of the bands?"

"Jusko Lyra, battle of the bands nga 'di ba? Malamang may kasama rin s'ya dahil band nga 'di ba band?" Napaka-init naman ng ulo nitong si Spencer.

"Ba't parang galit ka?" Natatawang tanong ni Rhai at ngumiwi lang si Spencer.

"Hmm, if that's the case bakit problemado ka sa pagsali d'yan sa battle of the bands na 'yan?"

"Sa battle of the bands kasi ay hindi sila ang pipili ng kantang ipe-perform nila, bunutan ang mangyayari," sagot ni Alas kaya ay napalingon ako sa kan'ya.

"And?"

"Nag-bunutan na sila kanina para makapag-practice na agad sila tapos after makabunot ni Keios ay bigla na lang s'yang nawala sa mood, hindi ata nagustohan ang nabunot nilang kanta." This time ay si Pia na ang nagsalita.

"Ano nga ba ang nabunot mong kanta Keios?"

Napatingin ako kay Keios, pero nakatingin din pala s'ya sa 'kin.

"Tonight by FM Static."

NAGLALAKAD na kami pauwi ngayon, we separated ways pero kasama ko si Keios dahil he insisted na ihahatid daw n'ya ako. It's already 6:00 p.m. and the stars are already visible on the night skies.

"Ano pala ang position mo sa band n'yo?" I asked.

"Guitarist sana ako, pero 'yong vocalist namin ay college student na kaya no choice ako kung hindi ay ang palitan s'ya tapos nag-recruit na lang kami ng bagong guitarist."

"Ayaw mo ba sa kantang nabunot n'yo?"

"Ayos lang naman, pero nag-aalala ako sa'yo."

Napatigil ako sa paglalakad and I faced him. "What do you mean?"

"That's the song that can trigger your phobia right?" tanong n'ya na ikinagulat ko kasi hindi ko naman sinabi sa kan'ya kung ano ang kanta na nakakapag-trigger ng phobia ko, ang alam n'ya lang ay may phobia ako.

"How did you know?"

Huminto kami sa tapat ng isang abandoned park, umupo s'ya sa swing kaya ay naupo na rin ako sa kabilang swing.

"Based on my observations, no'ng una ka naming nakitang hinimatay ang huling kanta na narinig ko that time ay ang tonight. Then no'ng nasa castle tayo? Nakita ka na lang namin sa sahig walang malay, naghinala ako na dahil na naman 'yon sa phobia mo. Tiningnan ko ang recently played music sa phone ni Spencer and nakita ko ang kantang 'yon."

"Keios, that night na nasa castle tayo 'di ba nahimatay ako? Hinatid n'yo ba ako sa bahay?"

Tumango lang si Keios at mas lalo na naman akong nagulohan. Ang sabi ni Aunt Sally sa bahay lang umatake ang phobia ko tapos ang sabi ni Keios ay hinatid nila ako sa bahay? Sino na ba ang paniniwalaan ko?

"LYRA, GISING!"

Nagising ako dahil may yumugyog sa balikat ko, agad akong napatingin sa bintana at gabi na. Kasama ko lang si Keios kanina ah? At ngayon nasa k'warto na ako?

"Bumaba ka na at ready na ang dinner mo, hindi raw makakasabay ang Aunt Sally mo kasi kailangan n'yang mag-overtime."

Bumaba naman ako at sumunod kay Manang sa kusina.

"Manang, may tanong po ako."

"Ano 'yon?"

"Umalis po ba ako ngayon?"

Nagtataka namang napatingin si Manang sa 'kin, "Ang sabi mo kanina aalis ka dahil magkikita kayo ng mga kaibigan mo, pero hindi ka naman umalis pumasok ka lang ulit sa k'warto mo at natulog."

Para naman akong nanlumo dahil  sa narinig. Hindi ko na alam. Hindi ko na talaga alam kung ano ang totoo at ano ang hindi. Pero alam ko na may mali talaga, may mali na sa 'kin.

Pero sa ngayon ay panghahawakan ko ang sinabi ng psychiatrist ko, totoo ang Gumdrops.

They exist.

Sky Full Of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon