Chapter 25Nakatulala lang ako ngayon habang nakatingin sa glass walls dito sa coffeeshop namin. Hindi pa rin nagsink-in ang mga nangyari kagabi.
I just can't believe that I told Keios about my phobia, nabigla lang kasi ako. Bakit ba naman kasi gano'n s'ya? Bakit ba n'ya sinabi sa 'kin that he wants to keep me safe, that he wanted to protect me.
Hays, masyado naman akong assuming, baka naman kasi he's only saying that because we're friends, he just wanted to protect me as a friend. Nothing more, nothing less.
"Sorry, I'm late."
Napatingin ako sa kararating lang na si Tita Madi, umupo s'ya sa tapat ko. Counseling na naman naming ngayon, and we decided na dito na lang sa coffeeshop mag-usap.
"My phobia attacked again," panimula ko and Dr. Madeline looked at me as if she was really shocked.
"Ayos ka lang ba?" she asked and I nodded.
"Buhay pa naman ako."
"Sino kasama mo when your phobia attacked? Bakit 'di 'to naikwento ng Aunt Sally mo sa 'kin?"
I heaved a deep sigh. "My friends, sila ang kasama ko. At ang sabi ni Aunt Sally no'ng araw na umatake ang phobia ko ay nasa k'warto lang daw ako buong magdamag, kaya hindi ko na sinabi sa kan'ya ang tungkol do'n. And I wondered kung pa'no 'yon nangyari? Sure naman ako na umalis ako ng bahay no'ng araw na 'yon, I'm with my friends that time."
"Are you really sure na kasama mo ang mga kaibigan mo?" Tita Madi asked at napapikit na lang ako dahil sa inis.
"Hindi ka rin ba naniniwala sa 'kin? Kung nasa bahay lang ako that time then can you tell me how did my phobia attacked? You all are making me crazy," I tried to sound calm dahil ayaw ko na pagtinginan kami ng ibang customers dito.
"Lyra, I believe in you. Pero your Aunt Sally just keep on telling me na palagi mo raw sinasabi na umaalis ka ng bahay pero nakikita ka nila sa loob ng k'warto mo."
I laughed sarcastically. "If you all are just saying this dahil ayaw n'yo na lumalabas ako ng bahay, then it won't work for me. Just let me live freely."
"Lyra, what if you're Aunt Sally is telling the truth?"
"That's impossible, are you telling me that the problem is with me? Tuwing sinasabi ko na lalabas ako ng bahay, lumalabas talaga ako. Gawa-gawa n'yo lang 'yan, bakit ba hindi n'yo ako naiintindihan?"
"Kita mo naman ang epekto ng pagkakaroon mo ng kaibigan 'di ba? Umatake na naman ang phobia mo, what if your Dad finds out about this, do you think hahayaan ka n'ya na makalabas pa sa bahay n'yo."
"My Dad doesn't even care about me anymore, nakalimutan ko na nga kung kailan kami huling nag-usap."
"What if your phobia would attack again? What if ikamatay mo na ito?"
I smiled. "I would gladly face death, hindi ako natatakot harapin ang kamatayan, that's why I'm trying to live a beautiful life so I have no regrets left when I die. Again, let me live freely."
After the stressful counseling ay agad na akong lumabas sa coffeeshop. Paglabas ko ng coffeeshop ay nakita ko si Pia sa labas ng kalsada, she's wearing a long skirt and a baby blue long sleeves.
Seryoso s'yang nakatingin sa phone n'ya and she looked so bothered, tumawid naman agad ako para malapitan s'ya.
"Pia!"
Bahagya s'yang nagulat sa biglaang pagdating ko.
"Uy Lyra, ikaw pala, bakit ka andito?" tanong n'ya.
"Kakagaling ko lang sa coffeeshop namin," sabi ko at napatingin naman si Pia sa coffeeshop.
"Ay oo nga pala, shems di ko namalayan na nasa tapat ako ng café n'yo," she awkwardly said.
"Ayos ka lang ba?" I asked, para kasi s'yang kinakabahan na ewan.
"Oo, ayos lang ako."
"Ikaw, ba't ka andito?"
"Ah, galing kasi kaming church ng parents ko tapos magpapasama sana ako sa mall pero may lakad sila. Kaya ako na lang mag-isa ang naghihintay ng taxi dito para makapunta sa mall."
"Samahan na kita."
"Sure ka?" tanong n'ya at agad akong tumango.
"Oo, para may kasama ka naman. Wala naman akong ibang gagawin eh."
Habang nasa taxi kami ay panay tingin lang si Rhai sa phone n'ya, gusto ko sana s'ya kausapin pero busy s'ya sa phone n'ya tila may ka-text s'ya and she seems so uneasy.
Hanggang sa pagbaba namin ng taxi ay nakatutok pa rin s'ya sa phone n'ya.
"Pia, ayos ka lang ba?" I asked, para kasi s'yang kinakabahan na ewan.
She immediately hide her phone and she smiled at me. "Oo naman, ayos lang ako."
"Sigurado ka?"
"Oo." She nodded.
Pero alam ko na nagsisinungaling s'ya, I knew that there must be something bothering her. Kasi ngayon ko lang naman s'ya nakitang tutok na tutok sa cellphone n'ya.
Pumasok na kami sa mall at dumiretso kami sa National Bookstore. Sunod lang ako nang sunod kay Pia habang pulot lang s'ya nang pulot ng kung ano-ano, halos mapuno na nga ang basket n'ya eh. Ang napansin ko kay Pia tuwing nasa mall kami ay sa NBS agad s'ya dumidiretso, but she's not into buying books instead ay mga journals ang binibili n'ya.
After namin sa NBS ay agad na kaming naglakad patungo sa food gallery para kumain.
"Aray!" bulalas ni Pia dahil may nakabunggo s'ya. Busy kasi ulit s'ya kakatutok sa cellphone n'ya kaya ay hindi na s'ya tumitingin sa dinadaanan n'ya.
"Sorry po, sorry po talaga," wika ng batang nakabunggo ni Pia at agad itong tumakbo paalis.
"Pia, ayos ka lang? Mukhang kanina ka pa talaga hindi okay eh. Gusto mo umuwi na lang tayo?" I asked, nag-aalala na talaga kasi ako sa kan'ya, kasi parang wala s'ya sa sarili n'ya ngayon.
"Don't mind me, Lyra. Punta pa rin tayo sa food gallery, gutom lang 'to," she said as she forced a smile.
I am fully aware that she's really not okay, hays why do people prefer to hide their true feelings? Bakit ba palagi tayong nagpapanggap na okay lang tayo kahit ang totoo ay hindi naman talaga, siguro sa panahon ngayon mahirap na talagang aminin kung ano ang totoo mong nararamdaman.
It's easy to say I'm fine than to tell the reason why you are not.
Pagdating namin sa food gallery ay nakahanap kaagad kami ng p'westo. Ako na ang nag-volunteer sa pag-order ng mga pagkain dahil busy pa rin si Pia sa phone n'ya.
When the food was served ay nagsimula na akong kumain, habang si Pia naman ay type pa rin nang type sa phone n'ya.
"Pia, kumain ka kaya muna? Please? Sabi mo kanina gutom ka 'di ba?" I said, agad naman s'yang napatigil sa kaka-type sa phone n'ya at ipinatong n'ya ito sa mesa.
"I'm sorry." Nahihiya n'yang tugon and she started eating.
"Ano pala ang mga pinamili mo kanina sa NBS?"
"Ah, just some journals and calligraphy pen para sa devotional ko. Tapos I also bought some self-care books."
"Pia, alam ko paulit-ulit na akong nagtatanong pero, are you really ok?"
She just smiled once again. "I'm fine, Lyra. Again, you don't have to worry about me."
Her phone suddenly rang at agad n'ya itong sinagot.
"Excuse me, I just have to answer this call," sabi n'ya as she stood up para makahanap ng spot na walang masyadong ingay.
I secretly followed her, medyo malayo ako sa kan'ya kaya ay hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila ng kausap n'ya sa phone.
Pero kitang-kita ko ang expression sa mukha ni Pia, para s'yang maiiyak at natatakot.
I wonder what's happening with you, Piaree.
BINABASA MO ANG
Sky Full Of Stars
Ficção Adolescente"Ad astra per aspera." Lyra Adeline Celestia is a girl who suffers from melophobia-she's afraid to hear a certain music because of a traumatic experience way back in the past. She's like the modern Rapunzel. Nang dahil sa phobia niya ay pinagbabawa...