Chapter 24

165 22 5
                                    


Chapter 24

I slowly opened my eyes, at tumambad agad sa 'kin ang nakakasilaw na liwanag mula sa bintana. I stood up and closed the curtains, napatingin ako sa alarm clock ko, it's 8:12 a.m. already.

Napaupo ulit ako sa kama when I suddenly remembered what happened yesterday. My phobia attacked again, gladly I'm still alive.

Bumaba ako for breakfast at naabutan ko si Aunt Sally na nagkakape habang nakatuon ang attention sa laptop n'ya.

"Good morning, Lyra," Aunt Sally greeted me, and she's smiling. I was expecting na sesermonan n'ya ako dahil sa nangyari sa 'kin kahapon.

"Hindi mo po ako papagalitan?" I asked awkwardly.

Nagtataka naman s'yang napatingin sa 'kin. "What do you mean? Bakit naman kita papagalitan?"

Wait, hindi ba n'ya alam na umatake ang phobia ko kahapon?

"Sino po ang naghatid dito sa 'kin kahapon?" I asked.

"What are you saying, Lyra? Anong naghatid? Andito ka lang naman sa bahay buong magdamag," Aunt Sally replied and she forced a smile.

"Hindi po, umalis po ako kahapon," I insisted. Umalis naman kasi talaga ako kahapon eh, kasama ko ang Gumdrops kahapon.

"Believe me Lyra, nasa k'warto ka lang the whole day yesterday."

Napabuntong-hininga na lamang ako at bumalik sa k'warto. Hindi ko na talaga alam, klarong-klaro naman na umalis ako kahapon.

A notification popped on my phone and it was a message from Rhai.

Rhaiza Mendoza:
Lyraaa, let's meet sa convenience store nila Alas mamaya
at exactly 1:00 p.m. bibyahe na tayo sa La Casa Florencio

Lyra Adeline Celestia:
ok

Oo nga pala, ngayon ang opening sa restaurant ng Tita ni Pia.

Magpapaalam sana ako kay Aunt Sally na aalis ako ngayon pero pagbaba ko ay 'di ko na s'ya naabutan, pumasok na kasi s'ya sa trabaho.

Pagdating ko sa convenience store ay naabutan ko si Keios, Spencer at Rhai sa iisang table, just like me they're already wearing our 1800's outfit.

"Hi," I greeted as I sat beside Rhai, kaharap ko ngayon si Keios and he worriedly looked at me.

"Ayos ka na ba, Lyra?" Rhai asked.

"Oo, I'm totally fine."

"Bakit ka pala nagka-gano'n kahapon? Kinabahan kami sa'yo," Spencer said.

"May sakit ka ba?" Keios asked at agad naman akong umiling.

"Wala...wala akong sakit."

"Eh, bakit ka nagka-gano'n kahapon? Bigla ka na lang nahirapang huminga, tapos panay pa ang sigaw mo ng 'stop it'."

I went silent for a while, I'm out of words to answer.

"Yo, yo, yo, wassup!" wika ng kadadating lang na si Alas at mukha s'yang katipunero sa suot n'ya. Buti na lang at dumating s'ya, kundi ay nahot-seat na ako sa mga tanong nila.

"Mukha kang katipunero." Natatawang wika ni Rhai sabay tingin sa suot ni Alas.

"Ikaw naman mukhang dalagang pilipina na natalo sa gyera," ganti ni Alas kay Rhai kaya ay napasimangot ito.

Sky Full Of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon