Chapter 35Start na ngayon ng practice ng band nila Keios para sa upcoming na battle of the bands. Nakatayo ako ngayon sa labas ng gate ng University nila, naghihintay ako kay Alas kasi s'ya raw susundo sa 'kin rito.
2nd day of classes na nila at gano'n din sa 'kin, pero kasi ay tapos na ang class ko every morning lang kasi ang schedule ko kay Miss Hazel. 8:00 a.m.-12:00 p.m. lang ang class hours namin tapos every afternoon ay rest time ko na kaya ay I've decided na pumunta na lang dito sa school nila Alas. Welcome naman daw kasi ang outsiders sa school nila ngayon kasi hindi pa raw official start ng classes, most of the students daw ay busy sa paghahanda para sa foundation week nila next week.
"Lyra, kanina ka pa ba d'yan?" Hinihingal na tanong ni Alas, tipid lang akong ngumiti sa kan'ya.
"Ba't ka ba hinihingal?" Natatawa kong tanong sa kan'ya.
"Tumakbo kasi ako papunta rito."
Pumasok na kami sa school nila at halatang busy nga ang mga students, para akong na-excite habang tinitingnan sila para kasing masayang-masaya talaga sila sa mga ginagawa nila.
"Asan pala sila Keios?"
"Nasa music room, nagpa-practice."
"Ando'n din ba sila Rhai?"
"Oo."
Nagpatuloy kami sa paglalakad at huminto kami sa isang room, agad kaming pumasok at naabutan namin na nagpapahinga pa sila.
"Lyraaa!" Sinalubong agad ako ni Pia ng yakap. Napatingin ako kay Keios at halata ang gulat sa mukha n'ya ng makita n'ya ako.
"Lyra, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Keios.
Hindi kasi nila alam na pupunta ako rito, si Alas lang ang sinabihan ko na bibisita ako.
"Bakit? Bawal ba s'ya dito, Keios?" tanong ni Rhai agad naman umiling si Keios.
"Lyra let's talk outside."
Wala na akong nagawa kundi ay sumunod kay Keios sa labas, sumandal s'ya sa pader at naiilang naman akong napatingin sa kan'ya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Manonood ng practice n'yo," I casually answered.
"What? Are you serious, Lyra? I mean it's fine with me of course na manood ka ng practice namin pero alam mo naman kung ano 'yong kakantahin namin 'di ba? It might trigger your phobia."
"That's why I'm here. I'm here because of my phobia."
Napatingin sa 'kin si Keios and there's a confused expression written on his face.
"What do you mean?"
"I'm here to face my fears, and I have a goal na gusto kong maabot. My plan is araw-araw akong manonood ng practice n'yo, bahala na kung anong mangyari sa 'kin, bahala na kung ma-trigger ang phobia ko, maybe in that way ay mawala na rin 'tong phobia ko 'di ba? Kung sasanayin ko ang sarili ko na makinig sa kantang 'yon baka mawala na ang traumatic memories ko, baka maglaho na ng tuluyan ang phobia ko. Can you help me with that, Keios?"
Nanatiling nakatingin si Keios sa 'kin, tila nag-iisip s'ya ng mabuti. He heaved a deep sigh, and then he nodded. Ibig sabihin no'n ay pumapayag na s'ya?
"Fine, but we have to tell Gumdrops about your phobia, including my bandmates dapat nilang malaman ang situation mo para hindi sila magtaka tuwing umaatake ang phobia mo."
"Well that's exactly what I've planned sasabihan ko talaga sila tungkol do'n."
Nginitian lang ako ni Keios at sabay kaming pumasok ulit sa music room.
BINABASA MO ANG
Sky Full Of Stars
Genç Kurgu"Ad astra per aspera." Lyra Adeline Celestia is a girl who suffers from melophobia-she's afraid to hear a certain music because of a traumatic experience way back in the past. She's like the modern Rapunzel. Nang dahil sa phobia niya ay pinagbabawa...