Chapter 17I stared at myself sa full length mirror hoping that I look good sa damit na sinuot ko ngayon, I'm just wearing a jumper shorts and a pink shirt. Medyo naninibago lang ako kasi hindi naman ako sanay na magsuot ng gan'to, I'm used to wearing long flowy dresses.
Fiesta kasi ngayon sa bahay nila Rhai and she invited us to eat, sabi n'ya marami rin daw fun activities tuwing fiesta. I really hate crowded places and I'm fully aware na panigurado ay maraming tao tuwing fiesta, but I still chose to go kasi I want to experience how fiesta feels like.
Marami kasing na-ikwento na masayang activities si Rhai, kagaya ng perya, maraming pagkain, tapos tuwing gabi raw ay may fireworks.
While waiting na dumating sila Keios ay nasa study table na naman ako, I'm currently writing another entry for my journal right now. Idinikit ko sa isang page ang polaroid picture ni Alas kahapon kung saan ay bumili s'ya ng ice cream. And then I wrote, “A Day With Alastaire Jasper Enriquez”, tapos isinulat ko lahat ng nangyari no'ng araw na 'yon, sinali ko rin 'yong pagkatumba n'ya sa bike.
Saktong pagkatapos ko magsulat ay may narinig na akong busina, and no need to check dahil alam ko kung sino na ito.
Paglabas ko sa bahay ay si Pia ang nagbukas sa pinto ng van, which is quite strange dahil si Spencer naman palagi ang gumagawa no'n.
As soon as I entered the van ay napatingin ako sa front seat, wala si Spencer. It's only Keios, Alas and Pia.
"Where's Spencer?" I asked.
"Susunod na lang daw s'ya," Keios answered.
Pagdating namin sa street nila Rhai ay napatingin ako sa bintana, sobrang daming tao sa daan and I can hear the sound of trumpets, lyres and drums coming from the marching band.
This feels so nostalgic. No'ng bata kasi ako ay pumupunta kami sa probinsya nila Mommy tuwing fiesta, tapos ganitong-ganito rin ang scenario na nakikita ko.
Bumaba na kami mula sa van at pagpasok namin sa bahay nila Rhai ay sumalubong agad sa 'min ang maraming tao, hindi ko inexpect na ganito kadami ang bisita nila.
Medyo nahihirapan na akong huminga knowing that I'm surrounded by many people.
"Ayos ka lang?" Someone tapped my shoulder and it was Keios.
"Medyo nahihirapan akong huminga, marami kasing tao," I said.
"Hala, tara hanapin na muna natin si Rhai," sabi ni Pia na narinig pala ang usapan namin.
Nilibot namin ang bahay nila Rhai at ando'n lang pala s'ya sa kusina busy sa pagluluto.
"Oh, andito na pala kayo," wika ng Mama ni Rhai at nagmano kami sa kan'ya.
"Rhai, p'wede bang sa k'warto mo muna kami? Nahihirapan daw kasing huminga si Lyra, siguro dahil sa dami ng tao," Keios said and he sounded really concerned about me and it made my heart flutter.
"Sige, dali samahan ko muna kayo sa k'warto," sabi ni Rhai and she heads the way towards her room.
Pagpasok namin sa k'warto ni Rhai ay medyo umayos na ang paghinga ko.
"Ok ka na ba, Lyra?" tanong ni Rhai at tumango ako.
"Yes, ok na ako, you don't have to worry about me guys hindi lang kasi ako sanay na pinapalibutan ng maraming tao eh. But, I'm totally fine now."
"Buti naman kung gano'n, sige maiwan ko muna kayo at tutulong pa ako sa kusina." Rhai excused herself at naiwan kaming apat sa k'warto.
"Papunta na raw ba si Spencer?" tanong ni Pia, oo nga pala wala pa si Spencer.
BINABASA MO ANG
Sky Full Of Stars
Fiksi Remaja"Ad astra per aspera." Lyra Adeline Celestia is a girl who suffers from melophobia-she's afraid to hear a certain music because of a traumatic experience way back in the past. She's like the modern Rapunzel. Nang dahil sa phobia niya ay pinagbabawa...