Chapter 43

113 18 4
                                    


Chapter 43

"And done..." bulong ko sa sarili ko sabay lagay ng polaroid camera ko sa sling bag. Maaga akong naghanda ngayon kasi nga ay may lakad kami ng Gumdrops.

When I woke up ay nakaalis na si Aunt Sally at wala pa si Manang Hilda kaya ay mag-isa lang ako sa bahay. Sa convenience store na lang siguro ako kakain ng breakfast. I took a last glance at myself sa mirror, I'm just wearing a high waist baggy pants and a puff sleeve crop top.

Dumiretso na ako sa convenience store nila Alas at naabutan ko si Spencer na mag-isang nakaupo sa table malapit sa bintana, hindi n'ya ako napansin kaya ay bumili muna ako ng sandwich and yoghurt para sa breakfast ko at agad din akong lumapit sa kan'ya.

"Good morning," I greeted sabay upo sa harap n'ya.

"Wow, ang aga mo naman halatang excited ka na makita si Keios ah," pang-aasar na naman ni Spencer.

"Hindi ba p'wedeng maaga lang ako nagising ngayon? And I value time so much kaya ayaw kong ma-late?"

"Sus excited ka lang e, ayaw mo pang umamin. Sa sobrang excited mo kinapos sa tela 'yong damit mo," natatawang sambit ni Spencer sabay nguso sa suot kong crop top.

"Sana masaya ka always," sarkastiko kong wika pero agad din akong napangiti nang makita ko na sabay pumasok si Alas at Pia, kumaway ako sa kanila para makita nila kami.

"Andito na pala kayo," Piaree sweetly smiled at umupo sa tabi ko. She's wearing a long denim skirt and a fitted white shirt.

"Magandang umaga," Alas greeted at tumabi kay Spencer.

"And'yan na sila Rhai," sambit ni Pia kaya ay napatingin na naman kami sa may pintuan.

Rhai is wearing a black skater skirt and a black oversized shirt, she looks so cool tho. Sobra akong nagandahan sa outfit ni Rhai at hindi ko namalayan na nakaupo na pala si Keios sa gilid ko habang si Rhai naman ay nasa tabi ni Alas.

"So saan tayo today?" tanong ni Rhai sabay tingin kay Spencer kasi s'ya ang nag-suggest nitong lakad namin ngayon.

"Kahit saan," cool na sabi ni Spencer at ngumisi pa ang loko.

"Anong kahit saan? Gusto mo ba na maligaw tayo?" nag-aalalang tanong ni Pia.

"Corny talaga ng mga trip mo Spencer," dagdag pa ni Alas at pabirong sinuntok ang balikat ni Spencer.

"Bakit? Ayaw n'yo bang pumunta kahit saan? Wala tayong specific destination basta kung saan lang tayo dalhin ng universe doon tayo," sabi ni Spencer at mistulang proud pa sa idea n'ya.

"Dami mo talagang alam na ka-cornyhan sa buhay," bored na sabi ni Keios.

"Kaibigan ko ba talaga kayo? Nasasaktan na feelings ko sa mga pinagsasabi n'yo ah, isipin n'yo ako pinakaunang dumating dito maaga akong nagising tapos sasabihan n'yo lang na corny ako?" pagda-drama ni Spencer sabay tayo at lumabas ng convenience store.

"Hala, baka na-offend natin si Spencer," sabi ni Pia at tumayo para habulin sana si Spencer pero kaagad din itong bumalik sa table namin.

"Ang papangit ng ugali n'yo 'no? Di n'yo man lang ako sinundan ganda na sana ng pag walkout ko," tila nagtatampong sambit ni Spencer at umupo na ulit sa p'westo n'ya kanina.  Konti na lang talaga maniniwala na ako na may saltik ang isang 'to.

"No'ng umulan ng ka-cornyhan sinalo lahat ni Spencer," sabi ni Rhai.

"I second the motion," si Alas.

"Noong umulan ng kapogian natutulog si Alas," ganti naman ni Spencer at napailing na lang ako, parang mga bata lang.

"Nagsasayang lang tayo ng oras dito, aalis ba tayo o mag-aasaran lang kayo?" tanong ni Keios kaya ay napaayos si Alas at Spencer.

Sky Full Of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon