Chapter 41First thing in the morning ay agad akong nag-ayos at dumiretso sa Café La Celestia para kumain ng breakfast hindi ko na kasi naabutan si Aunt Sally tapos wala ring nakahandang breakfast ngayon dahil nag-leave si Manang Hilda for today kasi birthday ng anak n'ya.
Pagpasok ko sa coffeeshop namin ay agad akong dumiretso sa second floor, a familiar figure caught my attention nakatalikod s'ya sa akin pero alam ko na si Tita Madi 'yon, seryoso lang s'ya habang may tinitingnan sa laptop n'ya.
Napadaan ako sa gawi n'ya kaya ay hindi ko naiwasang sumilip sa kung ano man ang nasa laptop n'ya.
"Schizophrenia?" I silently mumbled pero mukhang narinig ata 'yon ni Tita Madi dahil gulat s'yang napatingin sa akin at agad n'yang isinara ang laptop n'ya.
She's reading an article about schizophrenia kasi, bakit naman parang gulat na gulat s'ya nang makita n'ya ako?
"Uhm, Lyra, kanina ka pa?" Tita Madi asked nervously.
"Kakadating ko lang, can I sit with you?" I asked and tumango naman s'ya. Lumapit sa akin ang isang staff ng coffeeshop and I gave her my order at kaagad din itong umalis.
"Why are you reading an article about schizophrenia?" I curiously asked.
"Because I'm a psychiatrist? Of course I should still make a research about those mental disorders."
I just shrugged. "Perhaps do you have a patient who's diagnosed with schizophrenia?"
"It's confidential, Lyra."
"So meron nga?"
"I still have to make some observations about that patient. By the way I have to go now, enjoy your breakfast."
Agad na rin na umalis si Tita Madi at naiwan akong mag-isa roon sa table. Battle of the bands na nila Keios ngayon at ang huling araw na rin ng foundation week ng school nila kaya ay magkikita-kita na kami mamaya.
After kumain ng breakfast ay umuwi ako sa bahay para maligo at magbihis na, do'n daw kami sa bahay nila Rhai magkikita-kita at doon na rin lang daw kami kakain ng lunch which is okay for me dahil nga wala si Manang Hilda and it means walang magluluto ng lunch.
Mabilis lumipas ang oras at natagpuan ko na lang ang sarili ko sa bahay nila Rhai nasa sala kami ni Spencer habang si Alas, Pia at Rhai ay nasa kusina at naghahanda ng lunch, wala si Keios kasi naghahanda sila para sa BTOB mamaya.
Napabuntong-hininga ako kasi hindi maalis sa isipan ko ang article na binabasa ni Tita Madi kanina.
"Uy, ok ka lang?" tanong ni Spencer napansin n'ya siguro that I'm spacing out.
I nodded. "Can I ask you a question?"
"Hala anong question ba 'yan? Kinakabahan ako d'yan ah. Itatanong mo ba kung sino crush ko?"
Napailing na lang ako at sinamaan s'ya ng tingin. "Seryoso kasi."
"Anong question ba?"
"Since matalino ka naman, may alam ka ba tungkol sa schizophrenia? Can you explain it to me? S'yempre may knowledge naman ako about schizophrenia pero gusto kong makarinig ng explanation mula sa'yo."
"Sa pagkakaalam ko schizophrenia is a serious mental illness that affects how a person thinks, feels, and behaves. People with schizophrenia may seem like they have lost touch with reality, which causes significant distress for the individual, their family members, and friends. Minemorize ko lang 'yan sa Google baka mas'yado kang bumilib sa 'kin."
Napatingin ako sa kan'ya. "They have lost touch with reality? What do you mean by that?"
"May iba't-ibang types kasi ng schizophrenia, but usually kung may schizophrenia ka you'll often experience delusions and hallucinations. I don't know how to explain this correctly pero parang gumagawa ng sariling mundo ang utak mo? May mga tunog na ikaw lang ang nakakarinig, and worst is may mga tao na ikaw lang ang nakakakita, mga lugar na ikaw lang ang nakakita dahil nga sa hallucinations mo. Pero rare lang naman siguro 'yong may case na gano'n, bakit mo pala naitanong?"
BINABASA MO ANG
Sky Full Of Stars
Ficção Adolescente"Ad astra per aspera." Lyra Adeline Celestia is a girl who suffers from melophobia-she's afraid to hear a certain music because of a traumatic experience way back in the past. She's like the modern Rapunzel. Nang dahil sa phobia niya ay pinagbabawa...