Chapter 8

177 29 3
                                    

Chapter 8

After namin bisitahin ang Papa ni Rhai sa hospital ay dumiretso kami sa isang fastfood chain para kumain ng lunch.

"May pupuntahan tayo ngayon," sabi ni Keios kaya ay napatingin kami lahat sa kan'ya.

"Saan?" tanong ni Spencer habang nginunguya ang pagkain n'ya.

"Sa University," sabi ni Keios na ikinagulat ko.

Pupunta talaga kami sa University na pinapasukan nila?

"Summer ngayon 'di ba? Makakapasok ba tayo do'n?" I curiously asked.

"Oo naman, tuwing summer maraming bumibisita sa University dahil sa sobrang scenic ng view do'n," sagot naman ni Rhai.

"Ikaw Lyra, saan ka pala nag-aaral?" tanong ni Pia, and I immediately shifted my gaze towards the food that I am eating.

"Home schooled ako," I answered.

"Yaman n'yo talaga 'no?" pagbibiro ni Spencer, and I just faked a laugh.

Buti na lang at hindi sila nagtanong kung bakit homeschooled ako. I don't want any of them to know about my condition. Baka kasi lumayo sila sa 'kin, and I don't want that to happen.

"C.R. muna kami."

Nagpaalam ang tatlong boys na pupunta raw muna sila sa C.R, habang naglalakad sila paalis ay napatingin ako kay Alastaire.

Hindi sa nangingialam ako pero I'm just really curious kung bakit palagi s'yang naka-hoodie. Kahit sobrang init ng panahon ay naka-hoodie pa rin s'ya.

"Hoy, ba't titig na titig ka kay Alas?!" tanong ni Rhai na tila nang-aasar.

"Huh? Curious lang ako sa kan'ya."

"Bakit ka curious sa kan'ya? Curious ka ba kung may girlfriend na s'ya? Ay naku, wala pa s'yang girlfriend, sabihin mo lang sa 'min kung may gusto ka sa kan'ya," sabi ni Pia na may malaking ngiti sa labi.

Aish, inaasar nila akong dalawa ni Rhai. It seems like they're shipping me with Alas.

"Curious ako kung bakit palagi s'yang naka-hoodie. At wala akong gusto sa kan'ya."

"Tara na guys, nasa labas na si Keios at Alas," sabi ni Spencer kaya ay agad na kaming tumayo.

Hahakbang na sana ako paalis pero pinigilan kami ni Pia.

"Teka lang guys, iligpit natin ang pinagkainan natin para maibsan naman ang trabaho ng mga crew."

Bumalik naman ako sa table at tumulong sa pagliligpit. While arranging the utensils we used ay napatingin ako kay Pia, why is she so kind? Si Piaree na ata ang pinaka-mabait na tao na nakilala ko.

Pagkatapos naming magligpit ay lumabas na kami, naabutan namin na naghihintay na pala sila Keios sa labas. Agad na kaming sumakay sa van dahil nga raw ay pupunta kami sa University nila.

"Lyra, nakapasok ka na ba sa University namin?" tanong ni Rhai at agad akong umiling.

"Hindi pa."

"Ha? Eh 'di ba malapit lang naman ang bahay n'yo sa University?" tanong naman ni Pia.

"Wala kasi akong time eh." Pagsisinungaling ko, when the truth is sadyang pinagbabawalan lang talaga ako na lumabas ng bahay.

"So first time mong makapasok do'n?" tanong ni Spencer, and I just nodded.

"You'll surely love the place," sabi naman ni Keios.

Napatingin ako sa likod kung saan nakaupo si Alas, ang tahimik n'ya ata ngayon? Tulala lang s'ya, at tila wala sa sarili habang kinakagat ang isang burger.

Kakakain lang namin kanina ah, kumakain na naman s'ya? Feeling ko talaga ay may problema si Alas.

"We're here!" biglang sigaw ni Rhai kaya ay napatingin ako sa bintana.

Namangha ako because it seems like we're inside a tunnel of trees, napapalibutan kasi ang daan ng maraming puno.

"Our school is divided into two campuses, the upper campus and the lower campus. Magkatapat lang ang dalawang campus na 'yon," sabi ni Keios, his eyes are still focused on the road.

"This is a university between the mountain and the sea, sa upper campus andito 'yong mountain, sa lower campus naman ando'n ang sea. Mamaya do'n tayo manonood ng sunset, super ganda ng view do'n," Spencer added.

"Asan tayo ngayon?" tanong ko, ang napansin ko lang kasi kanina ay may isang malaking white gate na bumukas at do'n pumasok ang van. I'm quite confused kung nasa upper or lower campus ba kami.

"Nasa upper campus tayo ngayon," sagot naman ni Pia.

Nilibot ng van ang upper campus at panay lang ang tingin ko sa bintana, just wow, this University is so breathtaking. Kung dito lang siguro ako nag-aaral, hindi ako makakaramdam ng pagod.

I badly want to enter this school, this is my dream school.

Halos inabot kami ng hapon kakalibot sa upper campus, paminsan-minsan kasi ay bumababa kami ng van because I want to take pictures.

And Alas is quite strange, simula kasi nang pumasok kami sa upper campus ay tulog lang s'ya, hindi namin s'ya ginising kasi baka pagod lang.

"Let's go to the lower campus," sabi ni Keios at pumasok na ulit kami sa bus.

"Saan dito 'yong rooms n'yo? Nasa lower campus ba o nasa upper campus?" tanong ko sa kanila.

"No'ng junior high pa kami ay nasa lower campus lahat ng rooms namin. Pero when we reached senior high ay palipat-lipat na kami, minsan may class kami sa lower campus minsan naman ay nasa upper."

Nakapasok na kami sa lower campus at sinalubong agad ako ng naglalakihang mga puno.

Marami rin palang mga dormitories dito at may pagka-old fashion ang style.

Biglang huminto ang van sa tapat ng isang gazebo. Paglabas namin ay sinalubong agad ako ng sariwang hangin.

"Andito na tayo sa beach," sabi ni Keios.

"Ang ganda, may beach sa loob ng school n'yo," I mumbled with a hint of amusement in my voice.

"Tara do'n tayo sa gazebo," sabi ni Pia at sumunod lang ako sa kanila.

Ang ganda lang pagmasdan ng dagat, sobrang kalmado kasi nito, and I really love the sound of waves.

"Maganda ang sunset dito," sabi ni Keios, and I looked at him, for the second time ay nakatingin ulit s'ya sa'kin kaya ay nag-iwas ako ng tingin.

Napatingin ako sa langit and the skies are turning pink already, sobrang ganda dito.

Lima lang kaming andito sa gazebo ngayon dahil nasa van pa rin si Alas.

"Uhm, balik lang muna ako sa van. Kukuha lang ako ng snacks, para may kakainin tayo habang nakatingin sa sunset," sabi ko sa kanila and they just nodded.

Pagdating ko sa van ay natutulog pa rin si Alas, but this time he removed his hoodie, he's just wearing a gray shirt at puno na ito ng pawis.

Napatingin ako sa katawan n'ya, and I was shocked because of what I saw.

Sa tingin ko alam ko na kung bakit palaging naka-hoodie si Alas.

He's hiding something.

He's hiding the bruises on his arms, and he's hiding the cuts on his wrist.

Sky Full Of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon