Chapter 27Another day passed by, it's already 2:45 in the afternoon at andito kami ngayon sa loob ng isang pizza house.
"Pa'no ka nagkaroon ng nudes?" diretsahang tanong ni Rhai kay Pia.
Actually I also have that same question running inside my mind, kilala kasi namin si Pia bilang isang mahinhin na babae, sobrang balot kung manamit, soft spoken din s'ya and her aura screams modesty. Don't get me wrong ha, I'm not judging her, I'm just curious why and what happened bakit may nude picture s'ya.
"It was on 8th grade, that time hindi pa kayo ang mga kaibigan ko, sila Bella pa ang barkada ko sa school," Pia said and she can't even look at us, nakayuko lang s'ya.
"And then?"
"I was desperate to have friends that time, tapos gusto kong mapasali sa circle nila Bella. But, they are really wild. Dahil sa kagustuhan ko na magkaroon ng mga kaibigan at mapa-belong sa kanila ay ginawa ko ang mga bagay na alam ko naman na masama."
"Like what?"
Pia sighed, I can feel the heaviness of her feeling right now. "At such a young age, they forced me to drink, go to parties and do rebellious things."
"And sila rin ba ang rason kung bakit may nude photo ka?" Alas asked.
Pia nodded. "Yes. It was summer that time, Bella celebrated her birthday sa isang island and we all are invited. I was so anxious that time, they forced me to wear a bikini kaya ay wala na akong magawa. I was so weak, that I can't even defend myself at sunod lang ako nang sunod sa mga bagay na pinapagawa nila."
"What happened next?"
Pia's hands started to tremble, she must be really scared right now. "When the night came ay dumiretso kami sa cabin, and again they forced me to drink. Marami silang pinainom sa 'kin that time, that I became really really drunk. Sa sobrang kalasingan ko ay natulog ako, tapos pagkagising ko kinaumagahan wala na ang bikini top ko, the upper part of my body was naked."
Malakas na hinampas ni Rhai ang mesa dahil sa inis, parang kumulo rin ang dugo ko dahil sa sinabi ni Pia.
"Did they touch you?" tanong ni Spencer, his voice sounds so serious and I can sense na galit kaming lahat dito dahil sa ginawa ng mga dating kaibigan ni Pia.
Agad umiling si Pia. "They didn't touch me, puro babae lang naman kaming ando'n sa cabin that time. They just removed my bikini top while I was sleeping and then they took a photo of my upper body naked, at kitang-kita ang mukha ko sa litrato na 'yon."
"And now, they are threatening you na ipapakalat nila ang litrato na 'yon?" inis na wika ni Alas.
"It started the other day, bigla na lang nila akong in-add sa isang group chat, and then sinend nila ang picture na 'yon sa gc namin. Sabi nila ipapakalat daw nila 'yon at isesend nila sa parents ko, that's the reason why palagi akong nakatutok sa phone ko. Hindi na ako makatulog nang maayos dahil dito."
"Pia, bakit hindi mo agad sinabi sa 'min? Para natulungan ka namin agad," Keios worriedly said.
"Nahihiya ako sa inyo, natatakot din ako ayaw ko kayong idamay sa gulo ko."
I tapped her shoulders. "Pia, ang gulo mo ay gulo rin namin, that's what friends are for naman 'di ba?"
"How can you help me? Natatakot na talaga ako. They keep on sending me messages, gusto nila na sumama ulit ako sa barkada nila or else that photo will be leaked. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa 'kin 'pag kumalat 'yon, my parents always sees me as a decent lady, my relatives has been always proud of me dahil sobrang bait ko raw, what would they think of me if they saw that photo? I don't want to disappoint my family," Pia started crying, and Rhai hugged her.
"Kakausapin natin sila ngayon," Rhai said.
"Yes, I agree with Rhai. Pia, i-chat mo si Bella sabihin mo makikipagkita ka sa kan'ya."
"Ok," Pia said and she started typing on her phone. "Nag-reply agad s'ya."
"Oh, anong sabi?"
"Punta lang daw ako sa bahay nila, ando'n s'ya kasama ang mga dati kong kaibigan."
-
Nakatayo na kami ngayon sa labas ng bahay nila Bella. Rhai keeps on pressing the doorbell at sa wakas ay lumabas ang isang mestiza na babae, she flashed a smirk when she saw us.
"Ree, akala ko ba ikaw lang pupunta bakit nagsama ka ng mga aso?"
Aba, kami ba 'yong mga aso na tinutukoy n'ya?
"Bella, we're here to have a peaceful talk with you."
Ah, s'ya pala 'yong Bella.
"Come on Piaree, nagdala ka pa talaga ng kakampi?"
May lumabas na anim na babae at gulat silang napatingin sa 'min, parang gusto ko silang sugurin, sobrang sama nila kay Pia eh.
"We're here to defend our friend, kasi tunay kami na kaibigan at hindi kagaya n'yo na pinapahamak ang sariling kaibigan," matapang na sabi ni Rhai.
"Well, wala kayong magagawa, isang click lang ng phone na 'to makakalat na ang pinakatatagong picture ng kaibigan n'yo," sabat ng isang babae at itinaas pa ang phone n'ya.
Bakit ba may gan'tong klase na babae? Sinisiraan ang kapwa babae.
"Sige ikalat n'yo 'yan, 'di n'yo ba alam na p'wede kayong makulong d'yan? Pati na rin sa pananakot na ginawa n'yo. Isa pa, that nude photo ay kayo mismo ang kumuha, hinubaran n'yo si Pia and you took a photo of her. Sa tingin n'yo si Pia ang mapapahiya 'pag kinalat n'yo 'yan?" I said.
"What are you trying to say?" Bella said, and I can sense fear in her voice.
I sarcastically laughed. "Puro lang ba kayo ganda? Hindi n'yo ba alam kung ano 'yong Republic Act No. 10175. An act defining cybercrime, providing for the prevention, investigation, suppression and the imposition of penalties therefore and for other purposes."
"Ano raw? Wala akong na-gets," bulong ni Alas sa likod.
"Hindi n'yo pa rin ba gets?" I asked as I stared at the seven girls with my bored eyes.
They just remained silent, but I know they are already scared.
"Ok, kung di n'yo pa rin gets I'll explain it in another way. If ipapakalat n'yo ang picture na 'yon ni Pia, p'wede kayong makulong kasi nilabag n'yo ang RA no. 10175, which includes cyber bullying."
"Wala pala kayo eh," sabat ni Alas.
"Ano na girls?" Spencer said.
"Come on, you choose, idedelete n'yo ang picture o magkita na lang tayo sa korte? Pili na kayo dali," sarkastikong wika ni Rhai.
"Fine, we'll delete it!" bulalas no'ng Bella.
"Give me your phones, ako na ang magde-delete," Keios seriously said.
Isa-isa namang dinelete ni Keios ang pictures sa phone nila, pati ang group chat nila ay dinelete rin ni Keios, making sure na wala na talagang ibang copy.
Before we could finally leave ay hinarap ulit sila ni Rhai, "Girls, you messed with the wrong squad, hanggang kaya namin pro-protektahan namin ang isa't-isa, sana gan'yan din 'yong friendship n'yo 'no?"
After saying those words ay inakbayan ako ni Rhai, at pumasok na kami sa van.
"Thank you guys, specially to you Lyra dahil sa sinabi mo kanina naayos na 'yong problema ko," Pia said as she hugged me.
"You're always welcome, Pia."
"Lyra, pa'no mo pala nalaman about sa republic act na 'yon?"
I smiled. "My Mom was a lawyer, binabasa ko 'yong books n'ya about sa law."
"Sobrang toxic siguro ng friendship ng mga 'yon 'no?" Alas asked.
"Sinabi mo pa, feeling ko sila rin lang ang nagsisiraan."
I dreamily stared at them, I'm so blessed dahil belong ako sa friendship na 'to. No toxicity, just pure happiness.
BINABASA MO ANG
Sky Full Of Stars
Teen Fiction"Ad astra per aspera." Lyra Adeline Celestia is a girl who suffers from melophobia-she's afraid to hear a certain music because of a traumatic experience way back in the past. She's like the modern Rapunzel. Nang dahil sa phobia niya ay pinagbabawa...