Chapter 33

133 20 1
                                    


Chapter 33

Days passed by so fast at start na ng classes ngayon at dahil home-schooled ako ay may teacher lang na pumupunta rito sa bahay para s'yempre ay magturo sa 'kin.

"Lyra and'yan na si Miss Hazel sa labas," wika ni Manang Hilda at tumango naman ako.

Paglabas ko sa k'warto ay bahagya pa akong nagulat sa biglaang pagsulpot ni Miss Hazel.

"Lyra, long time no see! Kumusta na?" There's a hint of excitement in her voice at agad n'ya akong niyakap. May pagka-bagets pa kasi si Miss Hazel, kaya s'ya ang kinuha ni Aunt Sally dahil daw para hindi ako mabored. Kasi nga 'di ba? Sobrang boring na nga ng pagiging home-schooled tapos boring pa 'yong teacher edi mas mawawalan ako ng gana mag-aral.

"Uhm, punta na lang po tayo study area," awkward kong sambit nang bumitaw na s'ya sa pagkakayakap sa 'kin at dumiretso naman kami sa study area.

Inayos ni Miss Hazel ang mga books sa desk at napatingin naman ako sa kan'ya, may tanong naman na biglang pumasok sa isip ko.

"Staring is rude," natatawa n'yang sambit napansin n'ya ata na nakatitig ako sa kan'ya. "Do you want to ask something, Lyra?"

Tumango naman ako at tinignan s'ya. "Hindi ka po ba nabo-bored sa trabaho n'yo?" diretsahan kong tanong sa kan'ya at kumunot naman ang noo n'ya.

"Anong trabaho? Sa pagiging teacher?"

"Parang gano'n na nga po, pero what I mean is ang pagiging teacher sa isang home schooled student na kagaya ko. Hindi po ba Miss, mas maganda kung sa classroom ka magtuturo? Kasi sa classroom maraming students, mas nakakatuwang magturo, makakasalamuha mo pa ang kapwa mo teachers, at higit sa lahat hindi pa boring."

"Bakit mo naman 'yon naisip?" Umupo si Miss Hazel sa tapat ako and she crossed her legs. "To tell you honestly, no'ng una naisip ko talaga na magiging boring kasi gaya nga ng sinabi mo hindi sa isang normal na classroom set-up ako magtuturo. Grade 7 that was the time when I first met you, Lyra. You were so silent kaya mas naisip ko na baka magiging boring nga."

Bumuntong-hininga naman ako at napanguso. "So you're saying nga bored ka nga po sa trabaho mo ngayon?"

Bahagyang tumawa si Miss Hazel at umiling-iling pa. "No'ng una nga, tapos natatakot pa akong magturo sa'yo no'n dati kasi sobrang sungit mo, and I don't know how to handle a girl with phobia. Akala ko talaga dati ikaw 'yong tipong spoiled brat na bata, akala ko dati hindi ako magtatagal bilang teacher mo, and as days passed by I noticed something about you."

"Noticed something? Like what?" I asked curiously.

"That you're not that type of kid, hindi ka maldita, hindi ka spoiled brat, sad'yang gano'n lang talaga ang pakikitungo mo sa mga tao dahil sa mga naranasan mo. The old happy you is still sleeping inside your heart, right? And you don't want that version of you to be gone."

Tumango naman ako. "Maybe."

"I understand you, Lyra. I know how much you badly want to live a normal life, but can I tell you something?"

"Hmm, what is it?"

"You're unique, kaya don't force yourself na mamuhay ng normal dahil lang gusto mong makisabay sa mga ka-edad mo. You're given this kind of life for a reason. You know what Lyra, I sometimes think that your mind is an entrancing place."

Kumunot ang noo ko habang napatingin kay Miss Hazel. "Entrancing place?"

"Yes. Parang ang sarap i-explore kung ano man ang nasa loob ng utak mo, hindi literally ah?" Humalakhak si Miss Hazel kaya ay tipid din akong tumawa. "What I mean is, ang ganda ng mga tumatakbo sa utak mo. I've read your journal once at parang nadala talaga ako sa ibang dimension dahil sa choice of words mo, there's just something magical about you, maybe you're too good in explaining things, too good in imagining things and putting them into words."

Tumatak sa isipan ko ang huling sinabi ni Miss Hazel, too good in imagining things and putting them into words. Feeling ko double meaning, napa-praning na talaga ata ako.

Nag-usap muna kami ni Miss Hazel, sinabi n'ya sa 'kin ang mga subjects that I'm going to take for this year. 'Di rin s'ya nagtagal dahil may pupuntahan pa raw s'ya, bukas na talaga s'ya officially magtuturo sa 'kin.

Humilata ako sa kama, umuulan na naman sa labas. Ano kayang ginagawa ng Gumdrops ngayon? Siguro nage-enjoy na 'yon sila. Nakaramdam ako ng gutom kaya ay bumaba ako sa at sakto namang naabutan ko si Manang Hilda na nagbi-bake sa kusina.

"Chocolate chip cookies, ang sarap naman n'yan Manang!" I cheerfully said, sakto namang kinuha na ni Manang sa oven ang last batch ng cookies na binake n'ya. "Saktong-sakto at gutom na po ako."

Kumuha naman ako ng isang cookie at agad itong kinagat.

"Ang Aunt Sally mo ang nag-utos sa 'kin na mag-bake n'yan," wika ni Manang kaya ay napatigil ako sa pagnguya.

"Bakit daw po?" pabalang kong tanong sabay tayo at binuksan ko ang ref, kinuha ako ang isang box ng fresh milk at sinalin ito sa baso. Cookies and milk, perfect combination.

"Sabi n'ya kasi no'ng bata ka pa raw tuwing nagta-tantrums ka ay nagbi-bake lang daw ang Mommy mo ng cookies para tumigil ang tantrums mo." Natatawang sabi ni Manang at agad natawa na rin ako.

"Hindi naman po ako tinatantrums ngayon e." Nakanguso kong sabi sabay kuha ng panlimang piraso ng cookies, oo gano'n talaga ako kabilis kumain 'pag cookies ang pinag-uusapan.

"Hindi ka nagta-tantrums pero nagtatampo ka sa Auntie mo 'di ba?"

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa sinabi ni Manang. "Hindi naman po sa gano'n, pero kasi Manang nakaka-apekto po kasi sa 'kin ang sinasabi ni Aunt Sally tungkol sa mga kaibigan ko, palagi ko po 'yong iniisip. Minsan nga naiisip ko na may sakit na ako sa utak, pero ang psychiatrist ko na po mismo ang nagsabi na totoong tao ang mga kaibigan ko."

"Intindihin mo na lang ang Aunt Sally mo, nag-aalala lang 'yon para sa 'yo."

"Manang, may tanong po ako."

"Ano 'yon?"

"Hindi po ba talaga kapani-paniwala na may mga kaibigan ako? Hindi po ba kapani-paniwala na may makikipag-kaibigan sa 'kin?"

Marahan akong hinampas ni Manang at umiling-iling pa ito. "Ano bang pinagsasabi mong bata ka! Lahat ng tao sa mundo naman ay may karapatan magkaroon ng kaibigan. Kaya 'wag mong isipin ang gan'yang bagay. Kung ka-edad lang kita, makikipag-kaibigan din naman ako sa'yo."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Manang. "E, bakit naman po kayo makikipag-kaibigan sa 'kin? Anong meron sa 'kin bukod sa pagiging isang dalaga na nakakulong sa bahay?" pagbibiro ko pa, akala ko matatawa si Manang pero sumeryoso lamang ang mukha n'ya.

"Kasi bukod tangi ka, Lyra."

I smiled. Pareho sila ng sinabi ni Miss Hazel, unique daw ako. In what way naman kaya ako naging unique? Sa pagkakaroon ng melophobia?

"Manang dadalhin ko po 'tong cookies k'warto ah? Nag-iwan naman ako ng para sa'yo at para kay Aunt Sally," pagpapalalam ko at akmang aakyat na sana papunta sa k'warto pero napatigil ako dahil sa sinabi ni Manang.

"Malapit na birthday mo, Lyra. Anong plano mo?"

I faked a smile. "Gaya po ng dati, parang normal na araw lang. At pupuntahan ko si Mommy."

Birthdays doesn't excite me anymore, and I hate my own birthday.

Sky Full Of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon