Chapter 39DAY 8 OF FACING MY PHOBIA
"So 'yon muna ang lesson natin for today," sabi ni Miss Hope sabay ayos ng mga gamit n'ya.
"Thank you po, Miss Hope," sabi ko and I just smiled at her.
Hinatid ko si Miss Hope palabas ng bahay namin, nang nasa gate na kami ay lumingon sa'kin si Miss Hope.
"Lyra, ok ka lang ba?" tanong ni Miss Hope at dahil do'n ay naguluhan ako.
"Oo naman po, ok lang ako."
"Sigurado ka ba?" Miss Hope looked at me from head to toe. "Please don't forget to take care of yourself, Lyra."
Agad na rin umalis si Miss Hope and she left me dumbfounded. I'm taking care of myself naman, kaya bakit n'ya nasabi 'yon?
Agad akong pumunta sa dining area kung saan may nakahanda ng pagkain. Kaming dalawa na naman ni Manang Hilda ang andito dahil as usual ay nasa coffeeshop na naman si Aunt Sally.
"O, tapos na ang class mo hija?" tanong ni Manang Hilda sabay lapag ng dala-dala n'yang isang platong calamares sa mesa.
"Opo, sabayan n'yo na po akong kain."
"Teka, may kukunin lang ako sa kusina." Pinagmasdan ko si Manang Hilda habang papunta s'ya sa kusina. Pagbalik n'ya ay may dala s'yang isang pitsel ng orange juice.
"Manang Hilda, may tanong po ako," sabi ko habang kumukuha ng kanin.
"Ano 'yon, Lyra?"
"Okay lang po ba ang itsura ko? Mukha po ba akong dugyot? Sabi kasi ni Miss Hope kanina na 'wag ko raw kalimutan alagaan ang sarili ko."
"Aba, oo nga tama si Miss Hope. Alagaan mo naman ang sarili mo minsan, Lyra. Buti naman at bumaba ka na ngayon, nag-aalala ako sa'yo!" sabi ni Manang Hilda, at nagtaka ako.
"Ano pong ibig n'yong sabihin?"
"Nitong mga nakaraang araw kasi e lumalabas ka lang tuwing umaga kasi nga ay may klase kayo ni Miss Hope. Tapos pagkatapos ng klase n'yo ay hindi ka kumakain ng hapunan, nagkukulong ka lang sa k'warto mo? Bakit mo ba ginagawa 'yon ha? Tapos ang lakas lakas pa ng tugtog sa k'warto mo, 'di ba takot ka sa kantang 'yon bakit halos araw-araw mo na 'yon kung pakinggan ngayon at--"
Tumigil si Manang Hilda sa pagsasalita and it seems like ay may narealize s'ya.
"Ah..Lyra...Kalimutan mo na lang pala ang sinabi ko," sabi ni Manang Hilda.
Bumuntong-hininga na lang ako, nawalan na ako ng ganang kumain.
"Ayos lang po, Manang Hilda. Akyat lang po ako sa k'warto ko."
Pag-akyat ko sa k'warto ko ay napatingin ako sa salamin, malayong-malayo sa dating ako. Bakit ganito ang itsura ko? Bakit parang ngayon lang ako ulit tumingin sa salamin? Sobrang payat ko na, ang gulo-gulo rin ng buhok ko, parang hindi ko na inaalagaan ang sarili ko.
Bakit ganito? Anong nangyayari sa'kin? Hindi ko na talaga maintindihan. Ang sabi ni Manang Hilda these past few days daw ay nakakulong lang ako sa k'warto, pero anong tawag do'n sa pagpunta ko sa paaralan ng Gumdrops?
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, at natatakot ako sa mga posibilidad.
"LYRA, AKYAT KA NA DITO!"
It's already 2:00 p.m. at natagpuan ko ang sarili ko sa bahay nila Rhai, andito ang buong Gumdrops and we decided na tatambay muna kami sa rooftop nila Rhai bago kami bumalik sa school.
"Anong oras tayo babalik sa school n'yo?" tanong ko pagkaakyat ko sa rooftop.
"Mamayang 5:00 daw," sagot ni Pia.
BINABASA MO ANG
Sky Full Of Stars
Teen Fiction"Ad astra per aspera." Lyra Adeline Celestia is a girl who suffers from melophobia-she's afraid to hear a certain music because of a traumatic experience way back in the past. She's like the modern Rapunzel. Nang dahil sa phobia niya ay pinagbabawa...