Chapter 21Now that everything is fine between Spencer and his parents ay parang gumaan na rin ang pakiramdam ko. I'm happy for Spencer.
Meeting gumdrops was a dream come true, parang dati lang inaabangan ko sila na dumaan sa bahay namin, tapos ngayon isa na ako sa kanila. Ang crush ko na si Keios ay palagi ko pang nakakasama.
'Yong journal ko nga ay puro tungkol na lang sa gumdrops ang isinusulat ko tapos sila na rin ang naging subject ng photography ko. They're indeed one of the best thing that happened in my life.
Nakarinig ako nang sunod-sunod na katok sa pinto ng k'warto ko at agad akong tumayo para buksan ito.
When I opened the door ay tumambad sa 'kin ang nag-aalalang mukha ni Manang Hilda.
"Oh, Manang Hilda, bakit po?"
"Kasi Lyra tumawag 'yong isang staff ng coffeeshop tapos sabi nila sinugod daw sa hospital ang Aunt Sally mo, hinimatay daw kasi."
"Po? Tara po samahan n'yo po ako at puntahan natin si Aunt Sally."
Pagdating namin sa hospital ay naabutan namin si Aunt Sally na mahimbing na natutulog.
"Doc is my Aunt okay po?" I asked, I'm really worried about Aunt Sally. Nawalan na ako ng Mommy at ayaw ko na pati s'ya ay mawala pa sa 'kin.
"Yes, stable na ang condition n'ya, she just need rest."
Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi ng Doctor.
"Bakit po pala s'ya hinimatay?"
"Over fatigue lang, kailangan n'ya lang ng tulog at pahinga. Masyado siguro n'yang binababad ang sarili n'ya sa trabaho. But don't worry too much about your Aunt hija, she just need some rest. Let me excuse myself."
"Sige po Doc, thank you."
Napatingin ako sa suot ko and I'm still wearing pajamas pala, masyado ata akong nagmadali kanina na pumunta sa hospital at hindi ko namalayan na naka-pajama pa pala ako.
"Manang Hilda, pakibantayan po saglit si Aunt Sally please. Uuwi lang po muna ako saglit at maliligo."
"Sige hija. Ako na ang bahala sa Aunty mo."
Tulala lang ako habang naglalakad sa pasilyo ng hospital, people are walking back and forth and everyone is busy. I really have a traumatic memory when it comes to hospitals, whenever I hear the word “hospital” ang pumapasok sa isip ko ay ang Mommy ko.
I can see my Mom fighting for her life, I remember my Dad lying on the hospital bed and he is filled with blood, I can remember how I was suffering from the wound na nakuha ko mula sa aksidente na 'yon. Habang ginagamot ako ng mga Doctor ay nakatingin din ako kay Mommy na nag-aagaw buhay, at nakita ko kung pa'no s'ya sumuko, kung pa'no s'ya binawian ng buhay.
"Lyra, ikaw ba 'yan?" Biglang may tumapik sa balikat ko at napatingin ako kung sino ito, si Spencer lang pala.
"Uy, Spencer..."
Spencer stared at me, "Umiyak ka ba?"
Napahawak ako sa mukha ko at basa ang pisngi ko, maybe naiyak ako kanina dahil naalala ko bigla ang tungkol sa Mommy ko.
"Ako? Umiyak? Hindi ah." pagsisinungaling ko.
"Weh? Eyes never lie, Lyra." Tinititigan n'ya ako sa mata and I immediately looked away.
"Bakit ka pala andito?"
"Bakit? Bawal ba ako dito sa hospital?"
"Kaya nga ako nagtatanong kung bakit ka andito 'di ba? Alam mo bagay talaga kayong magsama ni Alas."
BINABASA MO ANG
Sky Full Of Stars
Teen Fiction"Ad astra per aspera." Lyra Adeline Celestia is a girl who suffers from melophobia-she's afraid to hear a certain music because of a traumatic experience way back in the past. She's like the modern Rapunzel. Nang dahil sa phobia niya ay pinagbabawa...