Chapter 31

186 23 0
                                    


Chapter 31

Nang biglang bumuhos ang ulan ay agad din kaming pumasok sa loob, andito ulit kami sa sala. We are currently worrying right now, namomroblema kami kung pa'no kami makakauwi. Sobrang dilim na sa labas tapos hindi pa maganda ang panahon.

"Pa'no na 'to?" Rhai asked, bakas sa mukha n'ya na nag-aalala talaga s'ya.

"Bukas na lang tayo uuwi," sabi ni Keios na parang siguradong-sigurado talaga s'ya sa suggestion n'ya.

"Pero mag-aalala ang parents natin," wika ni Pia.

"No choice tayo guys, mas mag-aalala sila kung uuwi tayo ngayon hindi maganda ang panahon tapos madilim na rin. Mas mabuti pa kung ipagpabukas na lang natin," sabi ni Alas.

"Let's just text our parents na bukas pa tayo makakauwi."

Nagsi-text naman sila sa kan'ya-kan'ya nilang mga magulang samantalang ako ay wala akong balak na i-text si Aunt Sally, bukas na lang siguro ako magpapaliwanag sa kan'ya. Ihahanda ko na lang ang sarili ko sa sermon n'ya.

"Let's cook something for dinner," wika ni Rhai at do'n ko lang napagtanto na 'di pa pala kami kumakain.

"May stock do'n sa ref namin, mamili na lang kayo ng lulutuin," sabi ni Keios busy s'ya sa pagpili ng DVD na papanuorin namin.

"Aba, wala kayong balak na tulungan kami?" tanong ni Rhai sa kanila at nakapamewang pa.

"Hayaan mo na Rhai, tayo na lang ni Lyra ang magluto," kalmadong sabi ni Pia.

"S'werte naman ng mga 'to!" bulyaw ni Rhai kay Alas, Spencer at Keios na sobrang relax na relax lang sa sala.

"Edi kami na lang maghuhugas ng plato para 'di na uminit ulo mo d'yan." Natatawang sabi ni Spencer.

"Anong 'kami'? Hoy ikaw lang ang maghuhugas ng plato, suggestion mo 'yan!" sabi naman ni Alas at binatukan pa si Spencer.

"Oh edi anong gagawin mo ha?" inis na tanong ni Spencer.

"Kakain. 'Yon lang ang gagawin ko Spencer, kakain lang ako," mapang-asar na sagot ni Alas.

"E ikaw Keios? Ano naman ambag mo ha?" bumaling naman si Spencer kay Keios.

"Baka nakakalimutan mo Spencer, ako ang may-ari ng bahay na 'to," sabi ni Keios at mukha namang natalo si Spencer.

"Oh edi ako na lang ang maghuhugas ng plato, nakakahiya naman kasi sa inyo," sarkastikong wika ni Spencer.

Napailing na lang ako at sumunod kay Rhai at Pia na nasa kusina. Chicken lang ang available sa ref nila Keios kaya ay nagluto na kami ng adobo.

After cooking ay s'yempre ay kumain na agad kami, gaya nang napag-usapan ay si Spencer ang nanghugas ng plato, nag-reklamo pa nga s'ya e pero wala na s'yang choice.

"Sa'n tayo matutulog?" tanong ni Spencer katatapos lang n'yang manghugas ng plato at nilapitan n'ya kami dito sa sala, we're currently watching a movie.

"Anong 'tayo'? Aba, hiwa-hiwalay tayo ng k'warto uy, iba kayong boys at iba kaming girls," wika ni Rhai.

Agad namang umupo si Spencer sa sahig, tumabi s'ya kay Keios. "Bakit? May sinabi ba ako na sa iisang k'warto lang tayo matutulog? Alam mo assumera ka Rhaiza," ganti ni Spencer sa kan'ya.

"Ayusin mo kasi 'yong pagkakasabi mo," inis na bulong ni Rhai ngunit rinig pa rin namin.

"Ano ba 'yan, walang katapusang asaran alam n'yo kung ano ang kasunod na mangyayari d'yan?" tanong ni Alas at ngumisi pa ito.

"Ano?!" sabay na tanong ni Rhai at Spencer, bakit naman ata parang high blood ang dalawang 'to?

Inakbyan naman ni Alas si Rhai, "Ang walang katapusang asaran ay mapupunta sa walang hanggang pagmamahalan!" sabi ni Alas at humalakhak pa ito.

Sky Full Of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon