Chapter 45

273 25 24
                                    


Chapter 45

The light from the sun peeking through my window woke me up and I immediately started my day with a smile.

Tatayo na sana ako pero napansin ko na nakatali ang mga kamay at paa ko kaya ay hindi ako makagalaw. Inilibot ko ang paningin ko sa k'warto ko and it was a total mess. Nakatumba ang mga picture frame ko, halos napunit lahat ng journals ko, nakabukas ang closet ko at parang nagkalat sa sahig lahat ng damit ko.

"Manang Hilda! Aunt Sally!" I shouted para marinig nila ako.

Hindi ko alam kung bakit ako nakatali at bakit sobrang gulo ng k'warto ko.

Maya-maya pa ay bumukas ang k'warto ko, pumasok si Manang Hilda na may dala-dalang tray ng pagkain at parang natatakot ito na lumapit sa akin.

"Manang Hilda, bakit ako nakatali?" I asked at halos maiyak na ako dahil gulong-gulo na ako sa nangyayari.

"Hindi ko pa p'wedeng sabihin sa 'yo, Lyra. Pero sa ngayon kumain ka muna." Inilapag ni Manang Hilda ang tray sa study table ko.

"Paano po ako kakain e nakatali ang mga kamay ko?"

"Hintayin mo na lang na pumasok 'yong Aunt Sally mo sa k'warto, kasama n'ya psychiatrist mo," Manang Hilda said and she looked at me as if naaawa s'ya sa akin.

Lalabas na sana si Manang Hilda sa k'warto ko ngunit agad ko s'yang pinigilan.

"Manang Hilda, hindi mo ba alam kung anong meron ngayong araw?" I asked trying not to sound sad.

"Anong meron?"

"Birthday ko po, hindi mo man lang ba ako babatiin?"

"Ah, oo nga pala. Maligayang kaarawan, Lyra," agad lumapit sa akin si Manang Hilda para yakapin ako at napansin ko na umiiyak s'ya.

Kaagad din s'yang bumitaw sa yakap at lumabas na ng k'warto. Ang naalala ko kagabi kasama ko ang mga kaibigan ko at hindi ko inaasahan na ito ang aabutin ko sa paggising ko.

Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa mundo? At tila ganito kabigat na parusa ang kailangan kong harapin. I was expecting to enjoy my birthday today tapos pagising ko bigla na lang akong nakatali at sobrang gulo ng k'warto ko.

I heard three knocks from my door at alam ko na agad na si Aunt Sally ito, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Aunt Sally at Tita Madi. Both of them looked at me worriedly, may dalang maliit na cupcake si Aunt Sally at may maliit na kandila na nakatusok doon.

"Happy birthday, dear Lyra," Aunt Sally greeted with a sad smile and a teary eyes.

"Aunt Sally bakit po ako nakatali?" Dahil sa frustration ay tumulo na rin ang luha ko.

Napatingin ako kay Tita Madi at malungkot din ang mukha n'ya.

"Lyra, you're already 18 and I'm proud of you for being so brave. I know na sobrang hirap ng pinagdaanan mo, the mental and emotional trauma, your longing for your parents, the feeling of being alone, being stuck in this house for how many years having no freedom, having a phobia and all of your personal battles," Tita Madi said at bakas sa tono ng pagsasalita n'ya na malungkot s'ya.

"Please po, maging straight to the point na kayo! Wala na akong phobia, bakit pa ako nakatali? Pupunta ang mga kaibigan ko ngayon kasi ininvite ko sila, kailangan ko nang maghanda," dahil sa inis ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na sigawan sila.

"Calm down, Lyra."

Tita Madi slowly went near me at kinalas ang tali sa kamay at paa ko. Inalalayan n'ya akong tumayo at iniharap sa full length mirror ko.

Sky Full Of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon