Chapter 38DAY 6 OF FACING MY PHOBIA
Nakaupo kami ngayon sa gazebo, kaming tatlo lang ni Rhai at Pia 'yong boys kasi ay ando'n sa music room. Start na ng foundation week ng school nila, so busy lahat ng students and since allowed ang outsiders ay medyo marami ang tao kaya andito kami sa gazebo kasi tahimik dito.
"Lyra, about pala do'n sa sinabi mo last time..." Biglaang nagsalita si Rhai kaya ay napatingin ako sa kan'ya.
"Sinabi na ano?"
"About your Mom, is it okay to ask kung bakit mo nabanggit na sana kung hindi mo lang pinilit ang Mommy mo na magroad-trip kayo ay buhay pa sana s'ya ngayon?"
"Okay lang Lyra ha if you don't want to talk about that," sabi ni Pia and she smiled at me.
"Ah...'yon ba? It was my birthday wish kasi, hiniling ko kay Mommy na instead magpa-party sila ni Daddy ay mag-roadtrip na lang kami. Gusto ko kasi na silang dalawa lang ang makasama ko sa birthday ko. I just want to spend time with them," I answered trying not to sound sad.
Rhai worriedly looked at me. "So you mean your Mom died on your birthday?"
I slowly nodded. "Gano'n na nga," sabi ko at tumingala to prevent my tears from falling.
Agad lumapit si Pia sa akin at niyakap ako, "Don't stop your tears, Lyra."
Lumapit na rin si Rhai at nakiyakap na rin. The both of them hugged me and it made me feel like I'm loved, it made me feel secure, it made me feel like I'm home.
"Lyra, stop hiding what you truly feel. Huwag mong itago ang lungkot mo, kung gusto mong umiyak edi umiyak ko, kasi kung kikimkimin mo 'yan mas lalo lang bibigat 'yang nararamdaman mo. Andito ako, andito si Pia, andito ang buong Gumdrops para sa'yo. Don't hesitate to open up, we're always here to listen."
Dahil sa sinabi ni Rhai ay tuluyan na akong naiyak, not because of sadness but because it feels like may natanggal na isang mabigat na bagay sa dibdib ko, para akong nakahinga, parang napunan kung ano man ang kakulangan na nararamdaman ko.
"Anong plano mo sa birthday mo?" tanong ni Pia, tipid lang akong ngumiti.
"I don't celebrate birthdays. Dinadalaw ko lang si Mommy sa libingan n'ya then I'll just spend the rest of the day sleeping, hindi ko iniisip na birthday ko, iniisip ko na death anniversary 'yon ng Mommy ko."
"I'm sorry for asking," sabi ni Pia na tila ay nakokonsensya.
"Ayos lang Pia, don't worry about it."
"Hays let's take the sad vibes away, maglibot-libot tayo sa oval," wika ni Rhai at nag-stretching pa bago tumayo.
"Pero maraming tao sa oval, ayos lang ba 'yon sa'yo Lyra?" Pia asked worriedly.
"Oo naman, ayos lang kasama ko naman kayo e," I said at tumayo na rin.
Pagdating namin sa oval ay nilibot ko ang paningin ko, super colorful kasi dahil sa iba't-ibang booths, halos lahat ng tao ay busy at nagkakatuwaan.
"Asan ang booth ng section n'yo dito?" I asked.
"Ando'n." Tinuro ni Rhai ang isang booth sa di-kalayuan.
"Photobooth?" tanong ko nang mapansin na mahaba ang pila sa booth nila may props din na naka-display at camera.
"Yes."
Nagpatuloy kami sa paglalakad, I'm quite amazed dahil may animal booth din kung saan may binebenta na super cute na hamsters.
"May animal booth din pala 'no?" I asked even if it's quite obvious.
BINABASA MO ANG
Sky Full Of Stars
Teen Fiction"Ad astra per aspera." Lyra Adeline Celestia is a girl who suffers from melophobia-she's afraid to hear a certain music because of a traumatic experience way back in the past. She's like the modern Rapunzel. Nang dahil sa phobia niya ay pinagbabawa...