Chapter 3“Good afternoon Lyra Celestia,” Dr. Madeline greeted with a smile.
May counseling na naman kami ngayon. We're currently here in our veranda it's a perfect place to talk because the view here is so peaceful.
I immediately took a sip from my cup of coffee habang mainit pa ito. Weeks passed by already at summer na ngayon, and summer means hindi ko na sila nakikitang dumadaan sa harap ng bahay namin.
'Di na rin ako nakabalik sa coffeeshop kasi sabi ni Aunt Sally palagi raw puno ang coffeeshop namin dahil nga summer. And I hate crowded places.
"“o, how was your summer?” Dr. Madeline asked and I just boringly stared at my cup of coffee.
“Nothing new, boring pa rin. Siguro kung normal lang ang buhay ko, nasa swimming pool na siguro ako at nagsi-swimming,” I bitterly said.
I heaved a deep sigh. “Hindi pala ako marunong lumangoy.”
Dr. Madeline laughed, pero agad din s'yang tumigil when she realized that I'm staring at her.
“You don't know how to swim?”
“What kind of question is that?” inis kong tanong at halata naman na nagpipigil s'ya ng tawa.
“So, what's your plan? Mabilis ang takbo ng oras, Lyra. Bukas makalawa pasukan na naman, tuloy ba ang pag-enroll mo sa University na 'yon?”
“Itutuloy ko,” I answered.
“Ok then, I'm always here to help you. Kumusta ang phobia mo?”
“Phobia pa rin naman.”
“Silly you,” Dr. Madeline mumbled as she let out a soft laugh.
“Hindi ba nati-trigger ang phobia mo?” she asked.
“As long as I'm here inside our house, I'm safe. But, I can't hide forever. Hindi p'wedeng palagi na lang akong nagtatago. I need to face my fears, dahil sa phobia ko na 'to, masyadong nabago ang buhay ko.”
“Alam mo naman ang condition mo 'di ba? Your phobia can kill you, Lyra.”
Your phobia can kill you. That statement triggered my sleeping emotions.
Agad akong tumayo, and I faced her, naiinis ako sa kan'ya.
“ 'Di ba psychiatrist ka? You're here to help me and not to discourage me!”
Para kasing ipinapaalala n'ya sa 'kin na maari kong ikamatay ang phobia ko, so she can stop me from going into a normal school.
“Calm down, Lyra. I'm here to help you. I'm just reminding you the dangerous side of your phobia para hindi ka magpadalos-dalos sa decisions mo.”
I realized something because of what she said, tama nga s'ya.
“Let's end this counseling now, I'm tired.”
Agad akong dumiretso sa k'warto ko and I immediately grabbed my journal at sinulatan ang isang empty page.
I wrote these seven words: “I WANT TO LIVE A NORMAL LIFE."
I badly wanted to.
I heard three knocks from my door at agad ko itong binuksan, tumambad sa 'kin ang nakangiting mukha ni Aunt Sally.
“Lyra, gusto mo bang sumama sa coffeeshop ngayon?” she asked.
“Baka po maraming tao.”
“Weekend naman ngayon at tuwing weekends ay 'di gaano marami ang customers.”
BINABASA MO ANG
Sky Full Of Stars
Dla nastolatków"Ad astra per aspera." Lyra Adeline Celestia is a girl who suffers from melophobia-she's afraid to hear a certain music because of a traumatic experience way back in the past. She's like the modern Rapunzel. Nang dahil sa phobia niya ay pinagbabawa...