Chapter 12It's late night already pero hindi pa rin ako makatulog. Nakatunganga lang ako sa harap ng bintana ng k'warto ko at tinitingnan ang mga bituin sa langit.
What a sky full of stars.
Biglang tumunog ang cellphone ko and when I checked it ay may nag-message pala sa'kin, it was Keios.
Keios Jazzild Chavez
Keios:
ba't gising ka pa?Lyra:
can't sleep
how about u?Keios:
insomnia strikes againLyra:
awwKeios:
are u free tomorrow?Lyra:
yes
bakit?Keios:
may lakad tayoLyra:
ok
sa'n tayo magkikita?Keios:
sunduin na lang kita sa bahay n'yoLyra:
hmm, ok
good nightKeios:
sleep well, Lyra
may you dream of beautiful things :>My cheeks went red dahil sa last message n'ya. Bigla ring bumilis ang tibok ng puso ko and I unknowingly smiled, ito ba ang tinatawag nila na kilig? Shems, puso kalma!
Agad akong humiga sa kama and mumbled my silent prayers, and I ended my night with a very beautiful smile.
FIRST thing in the morning ay agad akong naligo, pagkatapos maligo ay bumaba na ako to eat breakfast.
"Lyra pansin ko lang hindi ka na lumalabas sa room mo, akala ko ba kasama mo palagi ang mga friends mo?" tanong ni Aunt Sally na ikinataka ko.
"Po? Umalis po ako kahapon, pinuntahan ko pa nga namin sa hospital si Alas eh," sabi ko na ikinakunot ng noo ni Aunt Sally.
"Really? Pinuntahan kita sa kwarto mo kahapon, nasa study table ka nga at nakatulala lang kaya di kita pinansin," sabi n'ya and it gave me chills.
"Aunt Sally, umalis nga po ako kahapon."
"Baka namalik-mata lang ako. Why don't you invite your friends for dinner next time, I want to meet them."
"I'll try to invite them."
After breakfast ay bumalik ako sa k'warto ko, it's time to write something on my journal again.
Kinuha ko ang polaroid photo that was taken yesterday at idinikit ko ito sa isang page. And I wrote, "Operation: Saving Alas From Sadness."
Hindi ko masasabi na tuluyan na talaga naming nailigtas si Alas mula sa kalungkutan, kasi alam ko na napaka-traumatic ng naging experience n'ya. But at least we were able to save him from his abusive step father.
Umupo ako sa study table at napaisip ako sa sinabi ni Aunt Sally kanina, pa'no n'ya ako nakita rito sa k'warto kahapon eh umalis ako?
Nakarinig ako ng malakas na busina sa baba at alam ko na van 'yon nila Keios.
Agad akong lumabas at bahagya akong nagulat kasi walang tao sa loob ng van, I mean wala ang buong gumdrops si Keios lang.
BINABASA MO ANG
Sky Full Of Stars
Teen Fiction"Ad astra per aspera." Lyra Adeline Celestia is a girl who suffers from melophobia-she's afraid to hear a certain music because of a traumatic experience way back in the past. She's like the modern Rapunzel. Nang dahil sa phobia niya ay pinagbabawa...