Chapter 18I heaved a deep sigh as I am staring sa mga vellum board na nagkalat sa harapan ko while playing with the graphite pencil na nasa kamay ko.
My counseling na naman kami ngayon ni Dr. Madeline and I'm going to sketch Alas' face, s'ya ang susunod na ipapakilala ko kay Dr. Madeline.
I started sketching already, as usual ay wala na naman akong reference na ginayahan para sa sketch ko, kung ano ang mukha ni Alas sa isip ko ay 'yon din ang na-isketch ko.
After almost 2 hours ay natapos ko na rin, pero hindi pa dumadating si Dr. Madeline.
At dahil wala akong magawa ay nagsulat na naman ako sa journal ko. Nakadapa ako sa kama while writing another entry for my journal. Idinikit ko do'n ang picture namin kahapon sa bubong nila Rhai, we all are smiling while Alas is sleeping.
Last night was so memorable.
I wrote, “Under The Sky Full Of Stars” sa top page and I wrote all the fun things we've done that day. From the fun fiesta, the games we've played sa perya, the prizes na pinalunan namin, the fireworks and our talk about the constellations and the stars. Sa bottom page ay drinawing ko ang w-shaped cassiopeia constellation.
"Ms. Lyra, ando'n na po sa veranda ang psychiatrist mo," sabi ni Manang Hilda kaya ay dali-dali na akong pumunta sa veranda.
Naabutan ko na nagkakape do'n si Dr. Madeline.
"Good afternoon Dr. Madeline," I said as I sat in front of her.
"Stop calling me that," sabi n'ya na ikinataka ko.
"Stop calling you what? Dr. Madeline? Why?"
She let out a soft laugh, "It's too formal, just call me Tita Madi."
"Ok...Tita Madi."
"So who's your sketch for today?" she asked as she shift her gaze towards the vellum board on my right hand.
Ipinakita ko sa kan'ya ang sketch na 'yon and she stared at it.
"His name is Alastaire Jasper Enriquez," sabi ko at kagaya ng pangalan ni Rhai ay isinulat n'ya ang pangalan ni Alas sa mini notebook n'ya.
Why is she doing that?
"Tell me about that Alastaire."
"He came from a broken family, he loves to wear hoodie para itago ang mga pasa at bugbog na nakuha n'ya mula sa stepfather n'ya. He's a victim of physical abuse, pero ngayon ang sabi n'ya is he's already healing. Tapos kahit impossible na magkabalikan ang parents n'ya ay in good terms naman daw sila. He's an understanding friend sa gumdrops."
"Grabe pala ang pinagdaanan n'ya," Tita Madi said habang nakatingin pa rin sa sketch ni Alas.
"Uhm, by the way Tita Madi, 'yong sketch ko pala sa mukha ni Rhai nauwi n'yo po the last time we talked," sabi ko sa kan'ya and she just smiled.
"Oh, about that, I just want to ask permission kung p'wede ko bang iuwi ang sketches mo?"
"Bakit po?"
"I just have to do something with it, well if it's okay with you?"
I'm really getting curious about this psychiatrist in front of me.
"Sige po," I agreed para matapos na ang usapan. I don't know kung ano ang gagawin n'ya with this sketches, she's really weird and unpredictable at the same time.
Nakauwi na si Tita Madi at dinala n'ya nga ang sketch ng mukha ni Alas.
At dahil wala naman akong ibang lakad ngayon ay naglakad na lang ako papunta sa coffeeshop, I just want to relax right now.
Hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin ako kay Spencer, hanggang kailan ba s'ya tatakas sa bahay nila? Sobrang higpit naman ng parents n'ya para pag-aralin s'ya sa loob ng bahay kahit summer pa. I mean, oo, mahigpit din naman ang Dad ko pero kasi may phobia ako at ibang usapan na 'yon.
"Lyra!"
Biglang may umakbay sa 'kin kaya ay bahagya akong napatalon sa gulat.
"Rhai, ikaw lang pala, ginulat mo naman ako."
She just laughed at sinabayan ako sa paglalakad, "Sa'n ka pupunta?"
"Sa coffeeshop lang, tatambay. Ikaw sa'n ka pupunta?"
"Ah, napadaan lang ako dito sa inyo kasi pinuntahan ko 'yong bahay ng Tita ko, may pinapaayos kasi s'ya sa motor n'ya. At bibili rin ako ng art materials ngayon."
"Gano'n ba? Gusto mo samahan na kita?"
"Wag na Lyra, baka makaistorbo pa ako sa'yo, 'di ba pupunta ka sa coffeeshop?"
"Ok lang Rhai, wala kasi akong magawa kaya naisipan ko na pumunta sa coffeeshop. At dahil nakita kita ngayon ay sasamahan na lang kita."
"Sige, ikaw bahala."
Pumunta kami sa isang Art Supply Store and I was amazed sa sobrang dami ng art supplies dito.
Sunod lang ako nang sunod kay Rhai habang pulot s'ya nang pulot ng art materials. Kinuha ko ang polaroid camera ko and I took a picture of her habang may hawak hawak na watercolor palette, napansin n'ya na kinuhanan ko s'ya ng litrato kaya ay ngumiti s'ya.
Pagkatapos mamili ni Rhai ay dumiretso kami sa isang fastfood chain para kumain.
"Ano 'yang mga pinamili mo?" I ask habang nginunguya ang spaghetti sa bibig ko.
"Uhm, konti lang naman ang mga 'to. Just some watercolor paper,canvas, paint brushes, lead pencil, watercolor palette, acrylics."
"Ba't mo pala naisipan bumili ng art materials?"
"Naisipan ko kasi na para makatulong sa pamilya ko ay gagawin kong business ang pagpipinta, lalo na ngayon malapit nang manganak si Mama kaya kakailanganin na naman namin ng pera. Hindi naman kasi gano'n kalaki ang kinikita ng vulcanizing shop ni Papa."
Dahil sa sinabi ni Rhai ay mas lalo akong na-amaze sa kan'ya, she really is a family oriented type of person.
"May lakad pa ako after this, gusto mo pa bang sumama?"
"Sure," sagot ko, maaga pa naman kaya p'wede pa akong makagala kung saan ko gusto.
Huminto kami ni Rhai sa isang plaza kung saan maraming tao. Inilatag n'ya sa grass ang art materials n'ya which made me wonder.
"Rhai, ano 'yang ginagawa mo?" I asked her, people are starting to look at us.
"On the spot painting tapos ibebenta ko," she said with a smile.
Rhai started painting at pinalibutan na kami ng maraming tao, ang iba ay kumuha ng litrato at video. Some are amazed dahil sa sobrang galing at ang bilis mag-paint ni Rhai.
May nagpapa-reserve na ng painting kay Rhai at ang iba naman ay hinihingi ang contact number n'ya para kung gusto nilang bumili ng artworks ni Rhai ay mabilis na nila itong maco-contact.
I distanced myself from the crowd at umupo muna sa isang bench habang pinagmamasdan si Rhai na busy sa pagpipinta.
After almost how many hours of waiting ay natapos na si Rhai, nagsi-alisan na rin ang mga tao.
"Kumita ka ba?" I asked.
"Oo, medyo malaki rin," sabi n'ya kaya ay napangiti ako.
"Buti naman kung gano'n, siguro dalas-dalasan mo ang pagpipinta rito."
"Lyra pikit ka, may ibibigay ako sa'yo," sabi ni Rhai kaya ay pumikit ako.
I closed my eyes and when Rhai told me na p'wede ko na itong buksan ay agad akong dumilat.
"I hope you like it," Rhai said sabay taas ng isang painting.
"Ang ganda!" I exclaimed, ako kasi 'yong nasa painting, nakaupo ako sa bench ng park. Ang galing talaga mag-paint ni Rhai kahit mabilisan lang n'ya ginawa ay kuhang-kuha pa rin.
"Buti naman at nagustohan mo."
"Thank you Rhai!" sabi ko and I hugged her.
First time kasi na may magbigay ng painting sa 'kin, my heart is really happy right now.
BINABASA MO ANG
Sky Full Of Stars
Teen Fiction"Ad astra per aspera." Lyra Adeline Celestia is a girl who suffers from melophobia-she's afraid to hear a certain music because of a traumatic experience way back in the past. She's like the modern Rapunzel. Nang dahil sa phobia niya ay pinagbabawa...