Chapter 9

250 32 5
                                    


Chapter 9

After getting the snacks sa van ay bumalik ako sa gazebo. I still can't believe sa mga nakita ko, bakit maraming pasa si Alas? And why is he cutting his wrist?

"Lyra, ayos ka lang ba?" Pia asked at napatingin tuloy silang lahat sa 'kin.

Alam kaya nila ang tungkol kay Alas?

"May tanong lang sana ako," wika ko.

"Tungkol saan?"

"Si Alas, uhm, I just want to ask if may nasabi ba s'yang problema sa inyo?"

"Meron, pero it was a year ago I think? Ayos na siguro s'ya ngayon," sabi ni Spencer.

"Tungkol saan ba ang problema na 'yon?"

"A year ago ay naghiwalay ang Mommy and Daddy ni Alas, may ibang pamilya na ang Daddy n'ya tapos 'yong Mommy n'ya naman ay nakahanap na rin ng bagong lalaki," sabi ni Keios.

"Sa'n nakatira si Alas ngayon? Sa Mom n'ya o sa Dad n'ya?"

"Pansin ko lang Lyra, kanina ka pa nagtatanong tungkol kay Alas," sabi ni Rhai sa mapang-asar na boses.

"Sabi ko na nga ba may gusto ka sa kan'ya!" dagdag pa ni Pia.

"Ha? Crush mo si Alas?! Isusumbong kita sa kan'ya," sabi ni Spencer at tila tinatakot pa ako.

"Do you have a crush on Alastaire?" tanong ni Keios at agad akong umiling.

"Just answer my question, saan s'ya nakatira ngayon?"

"Sa bahay ng Mommy n'ya kasama ang stepfather n'ya."

I took a deep breath, and I stared at the sunset. I'm not being judgmental pero baka inaabuso ng stepfather n'ya si Alas, baka sinasaktan n'ya ito physically kaya may mga pasa s'ya sa katawan.

"Hindi ba kayo nagtataka kung bakit palaging naka-hoodie si Alas?" tanong ko sa kanila.

"Minsan nagtataka, pero ang sabi n'ya cool daw kasi mag-hoodie. Pa cool kid kasi 'yon si Alas," sabi ni Spencer at umiling-iling pa.

"Alam ko kung bakit palagi s'yang naka-hoodie, may tinatago kasi s'ya," I mumbled as I faced them.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Keios asked, and he stared at me intently.

"Kanina no'ng kumukuha ako ng snacks sa van, nakita ko na natutulog si Alas at hinubad n'ya ang hoodie n'ya. He's just wearing a shirt at nakita ko na marami s'yang pasa sa katawan, and there are cuts on his wrist."

"What?!" gulat na tanong ni Keios.

"No way," this time ay si Rhai naman ang nagsalita.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Spencer.

"Let's pray for Alas, at bilang mga kaibigan n'ya dapat tulungan natin s'ya sa kung ano man ang pinagdadaanan n'ya ngayon," sabi ni Pia.

"Tama si Pia, we need to help Alas."

"Help? Bakit n'yo ako tutulungan?" Agad kaming napalingon sa kakarating lang na si Alas, kinusot-kusot pa n'ya ang mga mata n'ya halatang kakagising pa lamang.

He's wearing his black hoodie again. Kung titingnan ko s'ya ngayon, mukhang wala s'yang problema, but he's hiding his pain inside lang pala.

Keios stood up at hinarap n'ya si Alas.

"Remove your hoodie," sabi ni Keios sa kan'ya at halatang nagulat si Alas.

"Bakit dude?"

"Just remove your hoodie," Keios said and there's a hint of authority in his voice.

Sky Full Of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon