Chapter 29

175 23 7
                                    


Chapter 29

First thing in the morning ay agad akong naligo, tapos ay dumiretso na dito sa coffeeshop namin para kumain ng breakfast. Bigla ko kasing na-miss tumambay dito.

"Ma'am Lyra, may I take your order po?" the staff politely asked.

"Chicken parmesan sandwich, and espresso please."

After listing my order the staff excused herself, dahil maaga pa ay konti lang ang customers na andito. Napansin ko rin na parang may nagbago dito sa coffeeshop, parang mas gumanda 'yong interior.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang order ko, napatingin ako sa babaeng nag-serve ng pagkain ko, I stared at her name plate—her name is Mavi. She's actually beautiful, plus nakaka-attract pa ng attention ang pink hair n'ya.

"May mali po ba sa mukha ko?" she awkwardly asked at agad akong umiling.

"Wala, nagagandahan lang ako sa'yo," I said smiling at her.

"Thank you po," she shyly said at agad din umalis dahil may trabaho pa raw s'ya sa kitchen.

I just focused on eating my breakfast habang pasulyap-sulyap sa glass window, the weather for today seems gloomy again, it's not raining yet pero makulimlim na ang kalangitan. Paniguradong uulan na naman mamaya.

After finishing my food ay dumiretso ako sa office ni Aunt Sally, may mini-office s'ya dito sa second floor ng coffeeshop, minsan ay dito na rin s'ya natutulog tuwing kailangan nila mag-overtime specially tuwing sasapit ang holidays. Humiga naman ako sa isang kama do'n sa office ni Aunt Sally, habang s'ya ay ando'n sa table n'ya at nakatutok lang sa laptop n'ya busy s'ya sa pagdi-discover ng idadagdag sa menu ng coffeeshop.

Napre-pressure din kasi si Aunt Sally dahil mataas ang expectations ng customers sa coffeeshop namin, tuwing may tourist din na napapadpad dito sa city ay sa coffeeshop sila dumidiretso—ang sabi nila ay marami raw kasing nagre-recommend ng coffeeshop na 'to at sobrang sikat daw sa social media. No'ng buhay pa si Mommy sya ang nagma-manage sa Café La Celestia, actually coffeeshop business was her idea dahil mahilig s'ya sa kape, sa kanya ata ako nagmana.

"Lyra, dito ka na rin lang mag-lunch nagpa-deliver na ako ng makakain natin," sabi ni Aunt Sally, di n'ya ako tinatapunan ng tingin dahil busy s'ya sa ginagawa n'ya.

Tumango na lang ako at humilata ulit sa kama. Maya-maya pa ay pumasok ang isang staff ng coffeeshop at hinatid ang order ni Aunt Sally, pumunta naman ako sa table kung saan s'ya nakaupo at umupo sa tapat n'ya.

After eating lunch ay umidlip ako saglit. Na-bored din ako kalaunan sa loob ng office kaya ay nagpaalam ako kay Aunt Sally na uuwi na ako, since walking distance lang din naman ang bahay mula sa coffeeshop ay naglakad na lang ako. Mas mabuti 'to para makapag-exercise na rin at para makahinga ng maluwag.

Habang naglalakad ay napapatingin ako sa mga taong dumadaan, tuwing tumitingin din sila sa 'kin ay nginingitian ko sila. Wala lang, I just wanna offer smiles to strangers baka kasi may pinagdadaanan sila at kahit sa ngiti ko man lang na 'yon ay medyo gumaan ang nararamdaman nila. 

Napatigil ako sa paglalakad dahil biglang may umakbay sa 'kin, bigla akong nanalamig at sisigaw na sana ako baka kasi holdaper 'to. Dahan-dahan kong tiningala kong sino 'yong umakbay sa 'kin, nakahinga naman ako ng maluwag dahil si Keios lang pala.

"Pinakaba mo naman ako," sabi ko and I let out an awkward laugh. Tumingin ako sa paligid sa pag-aakalang kasama n'ya ang Gumdrops pero mag-isa lang s'ya. "Ikaw lang mag-isa?" I asked.

"Bakit? May iba ka pa bang hinahanap?" tanong n'ya na animo'y nagtatampo.

"Wala, akala ko kasi kasama mo ang iba. Why are you here pala?"

Sky Full Of StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon