Chapter 42I remember all the times we spent together on those drives
We had a million questions all about our lives
And when we got to New York everything felt right
I wish you were here with me
TonightI stared at Keios while he's singing, everyone in the hall went silent at nakikinig talaga sa pagkanta niya.
"Spencer, how much do you know Keios?" tanong ko kay Spencer.
"Not that much, si Keios kasi hindi s'ya 'yong tipo na nagsasabi ng problema at ayaw naman namin s'yang pilitin. Tuwing napapansin namin na malungkot s'ya tapos kung itatanong namin sa kan'ya kung may problema ba s'ya ang tanging sasabihin lang n'ya sa 'min ay 'okay lang ako'. He's very secretive."
"Bakit kaya ayaw n'ya mag-share ng problema? Is it because he doesn't trust us? Don't you think it's unfair, kasi tayo nagsasabi tayo kung ano ang mga problema natin while si Keios ang hirap n'yang basahin." Napailing na lang ako habang tinitingnan si Keios sa stage.
"Keios trust us. He just love Gumdrops so much kaya ayaw n'ya na makadagdag pa siguro sa iniisip natin."
I remember the days we spent together were not enough
And it used to feel like dreamin'
Except we always woke up
Never thought not having you here now would hurt so much.When Keios sings, he sings from the heart. You can feel his emotions just by looking into his eyes, he is really passionate when it comes to singing. It's just so funny to think na parang kailan lang ay he was feeling sad when he knew na ang kakantahin nila sa BTOB ay ang kantang pinakatatakutan ko, pero ngayon dahil sa kan'ya ay na-overcome ko ang phobia ko.
Tonight I've fallen and I can't get up
I need your loving hands to come and pick me up
And every night I miss you
I can just look up
And know the stars are holdin' you, holdin' you tonightHindi ko namalayan na natapos na pala ang performance nila Keios, nagpalakpakan ang lahat and everyone is cheering for them to win.
Mabilis ang takbo ng oras at announcement of winners na, I'm not sure if I'm just overconfident pero hindi ako kinakabahan or something dahil alam ko na panalo na agad sila Keios. Hindi ko naman sinasabi na hindi magaling ang mga kalaban nila pero sa audience impact pa lang waging-wagi na ang Area 51.
"And the winner for this year's battle of the bands is..."
Nagsigawan na naman ang mga audience, pero mas lumamang ang mga taga-suporta nila Keios. Tahimik lang kami nila Pia rito sa tabi at natatawa na lang dahil sobrang hyper at energetic ng mga tao na andito ngayon. Minsan, napapatanong ako kung saan ba nila nakukuha 'yang energy nila mabilis lang kasi akong mapagod, mabilis mawalan ng energy, may mga panahon nga na even just a short conversation is draining me.
"THE WINNER FOR THIS YEAR'S BATTLE OF THE BANDS IS AREA 51!"
Mas lalong lumakas ang hiyawan ng audience at ang iba ay tumatalon pa. Habang kami ay nakangiti lang na tinatanaw sila Keios sa stage habang tinatanggap ang napanalunan nila. How I wish I could also be one with the crowd, gusto ko rin sumigaw at humiyaw to show my support, but all I could ever do is to stare at him and smile secretly this is my own little way of showing how I'm proud of him.
"Almost three years din hinintay ni Keios na manalo sa battle of the bands," bulong ni Rhai habang nakatingin sa stage, nag-picture taking pa sila Keios kasama ang mga staffs ng school.
"Ayaw na n'ya nga sana sumali this year kasi takot s'ya na baka matalo na naman ulit," Pia added and I can really tell that they're really happy for Keios.
"Lyra, alam mo ba ang rason kung bakit pinagpatuloy pa rin ni Keios ang pagsali sa BTOB for this year?" Rhai asked and I nodded.
"Kasi gusto n'ya manalo this time?"
Umiling naman si Rhai and she gave me a meaningful smile. "He wanted to help you. He wanted to help you overcome your phobia, dati sumasali s'ya sa BTOB para manalo may gusto kasi s'yang patunayan sa sarili n'ya. Pero ngayon sabi n'ya sa amin na he doesn't care anymore if they win or not, ang importante natulungan ka n'ya."
Parang lumambot naman ang puso ko dahil sa sinabi ni Rhai. Bukod sa pamilya ko, ngayon lang ako nakatagpo ng isang tao na handang gawin ang lahat matulungan lang ako. And I'm so much thankful for this gift of friendship, I can't put into words how much thankful I am for having these amazing souls with me.
"Congrats!"
Agad na sinalubong ni Spencer at Alas sila Keios na kakababa lang sa stage. Mahahalata mo sa mukha nila na sobrang napagod sila sa araw na 'to pero makikita mo rin naman kung gaano sila ka saya dahil sa pagkapanalo nila.
Una nang nagpaalam ang bandmates ni Keios dahil lilibutin daw muna nila ang buong campus at mag-enjoy sa mga activities dahil huling araw na ngayon. Almost 10:00 p.m. na kaya ay hindi na gano'n karami ang tao. Naglakad kami palabas ng hall, nasa unahan namin si Alas, Pia, Rhai at Spencer habang kaming dalawa ni Keios ay nasa likod. Papunta kami sa convenience store sa labas ng school nila para kumain dahil nagutom kami kanina.
"Congrats pala and thank you rin for helping me overcome my phobia," sabi ko habang diretso lang ang tingin. Nahihiya akong tumingala sa kan'ya, matangkad kasi si Keios and I feel so small everytime I'm beside him.
"You don't have to thank me and don't ask me why, isipin mo na lang that you mean so much to me and I'm willing to do anything for you," sabi n'ya at ginulo ang buhok ko.
"Of course I'm your friend so I mean so much to you. Thank you for being my friend, I'm really grateful for you," sambit ko at bahagyang binilisan ang lakad para makahabol kami kina Spencer.
"Friend...yes, you are my friend." Natatawang sabi ni Keios at umiling-iling pa.
Nang makapasok kami sa convenience store ay bumili agad kami ng pagkain, doon kami umupo sa labas at sobrang payapa lang ng gabi.
"Let's celebrate bukas for Keios and for Lyra," sabi ni Spencer habang nginunguya ang binili n'yang tuna sandwich.
"For Keios and Lyra? Bakit kayo na ba?" tanong ni Alas at agad akong umiling.
"Ha? Hindi ah," pagtanggi ko at tumawa si Spencer, parang may sira sa utak talaga ang isang 'to.
"Ibig kong sabihin, mag-celebrate tayo dahil wala ng phobia si Lyra tapos nanalo si Keios. G ba kayo?" Spencer explained with hand actions pa.
"G? Ano 'yon?" tanong ni Pia sabay lagay ng straw sa chocolate drink n'ya.
"G as in Game. Ano ba Piaree saang planeta ka ba nanggaling," sambit ni Rhai at nginitian lang s'ya ni Pia.
"Okay, G ako!" Pia excitedly said at nagtaas pa ng kamay.
"G rin ako," Alas added.
"Ako rin," sabay na sabi namin ni Rhai.
"G na rin ako, no choice e," sabi ni Keios na parang napipilitan lang kaya ay sinamaan s'ya ng tingin ni Spencer.
"Edi G tayo lahat! Bukas dapat maaga tayong magkita sa convenience store nila Alas."
"Saan naman tayo pupunta?" I asked.
"Kahit saan," Spencer answered at kinindatan lang ako.
Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan at hindi rin maiiwasan na may tawanan dahil sa mga kalokohan ni Spencer. Tonight is just a very peaceful night, delicious foods plus the presence of my friends under the sky full of stars seems so perfect to me and I couldn't ask for more.
BINABASA MO ANG
Sky Full Of Stars
Fiksi Remaja"Ad astra per aspera." Lyra Adeline Celestia is a girl who suffers from melophobia-she's afraid to hear a certain music because of a traumatic experience way back in the past. She's like the modern Rapunzel. Nang dahil sa phobia niya ay pinagbabawa...