Chapter 11"Yong museum trip natin naging hospital trip," wika ni Spencer sa mababang boses.
Nakaupo kaming lima ngayon sa waiting area ng hospital, sadness and worry is visible on our faces right now.
Si Alas ay ginagamot na ngayon ng mga Nurse, alalang-alala talaga kami sa kan'ya kanina kasi nahihirapan talaga s'ya ng sobra sa paghinga.
"Tatawagan ko si Tita Alicia, kailangan n'yang malaman ang nangyari kay Alas," sabi ni Keios as he stood up.
"Sige, tatawagan ko rin si Tito Terence, anak pa rin naman n'ya si Alas. And we all know na mahal na mahal n'ya si Alas kahit hiwalay na sila ni Tita Alicia," dagdag pa ni Spencer.
Sabay silang naglakad paalis ni Keios para tawagan ang parents ni Alas. Nakatulala lang kaming tatlo ni Rhai at Pia sa busy hallways ng hospital.
"Hindi gan'tong summer ang inexpect ko," malungkot na sambit ni Rhai.
"This too shall pass, Rhai. Siguro nangyayari ang lahat ng 'to ngayon para mas tumibay ang pagkakaibigan natin," Pia said trying to comfort Rhai.
"And in life, hindi talaga puro saya lang. Life is not all about rainbows and unicorns, minsan we have to face thunders and storms," dagdag ko pa.
"Tama si Lyra. Pero kakayanin natin 'to as long as we are here for each other, and with the guidance of the Lord. Everything happens for a reason naman."
"The best talaga kayo!" Rhai said smiling at inakbayan n'ya kaming dalawa ni Pia.
"Papunta na ang Mommy at Daddy ni Alas," sambit nang kararating lang na si Keios.
"Sa tingin n'yo, ano kaya ang mangyayari 'pag nalaman ng parents ni Alas na sinasaktan s'ya ng step dad n'ya?" I asked curiously.
"Panigurado makikipaghiwalay si Tita Alicia sa lalaking 'yon," inis na wika ni Spencer.
"Aba dapat lang naman talaga na hiwalayan ang gano'ng klase na lalaki!" pagsasang-ayon ni Rhai.
"Where's Alas?!"
Napalingon ako sa kararating lang na lalaki, he looks like Alas, baka ito ang Daddy n'ya. Base on the expression written on his face ay nag-aalala talaga s'ya para sa anak n'ya.
"Ginagamot pa po ang mga sugat n'ya sa loob," Keios answered.
"Asan ang anak ko?"
May bago na namang dumating at feeling ko ito ang Mommy ni Alas, medyo nagulat pa s'ya nang makita n'ya ang Daddy ni Alas.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ng Mommy ni Alas sa Daddy ni Alas at tila tinatarayan pa n'ya ito.
"I'm here for my son, 'wag mo naman s'yang ipagdamot sa 'kin Alicia," he calmly replied.
Maya-maya pa ay lumabas na ang mga nurse at doctor.
"How's my son? Is he okay?"
"Nagamot na po namin ang mga sugat n'ya, he just have to rest for now."
"Thank God!" sambit ng Mommy ni Alas at parang nakahings ito nang maluwag.
"Kayo po ba ang parents n'ya?" the Doctor asked sabay tapon ng tingin sa Mom at Dad ni Alas.
"Yes."
"I just want to tell you that Alas is not just experiencing physical pain, he's also struggling mentally and emotionally dahil sa nangyaring pang-aabuso sa kan'ya."
"Pang-aabuso?!" gulat na wika ng Daddy ni Alas.
"Abuse? What do you mean?" tanong naman ng Mommy n'ya.
BINABASA MO ANG
Sky Full Of Stars
Teen Fiction"Ad astra per aspera." Lyra Adeline Celestia is a girl who suffers from melophobia-she's afraid to hear a certain music because of a traumatic experience way back in the past. She's like the modern Rapunzel. Nang dahil sa phobia niya ay pinagbabawa...