Chapter 40Another morning. Another reason to be happy kasi wala na akong phobia. I smiled widely habang naglalakad papuntang kusina at naabutan ko si Manang Hilda at Aunt Sally na seryosong nag-uusap sa dining area, parang nagulat sila nang makita nila ako at natigil din sa pag-uusap.
"Good morning!" I greeted them using my lively tone.
"Good morning. What's with you today?" tanong ni Aunt Sally na tila naguguluhan sa kinikilos ko.
Kumuha naman ako ng pinggan at umupo sa tapat n'ya para sabayan silang kumain.
"Aunt Sally, Manang Hilda, may sasabihin po ako sa inyo."
Sabay silang napatingin sa 'kin. "Ano 'yon hija?" tanong ni Manang Hilda.
"Wala na po akong phobia! Sabi ko sa inyo e, maswerte po talaga ako sa mga kaibigan ko. They're the reason why I've overcome my phobia, tinulungan po nila akong harapin ang takot ko."
"Mga kaibigan?" tanong ni Aunt Sally.
Ikwinento ko kay Aunt Sally kung paano ako tinulungan ng Gumdrops para ma-overcome 'yong phobia ko. Alam ko na hanggang ngayon siguro ay hindi pa rin s'ya naniniwala na may mga kaibigan ako pero wala na akong pake do'n, may ebidensya ako na totoo ang Gumdrops, at isa na do'n ay ang pagkawala ng phobia ko.
Pagkatapos kong magkwento ay biglang tumayo si Manang Hilda at pumunta sa kusina habang si Aunt Sally naman ay blanko lang na nakatingin sa 'kin pero parang naluluha s'ya.
Para s'yang naiiyak, pero hindi dahil masaya s'ya, malungkot ang mga mata n'ya at parang nasasaktan habang nakatingin sa 'kin. 'Di ba dapat masaya s'ya? 'Di ba dapat natutuwa s'ya dahil wala na akong phobia.
"Lyra, you'll talk to your psychiatrist later. Papupuntahin ko si Dr. Madeline dito mamaya," sabi ni Aunt Sally at dahil do'n ay naguluhan ako.
"Bakit po? Para saan? Wala na akong phobia kaya 'di ko na kailangan ng counseling sessions."
"Lyra, makinig ka na lang sa 'kin. You'll talk to your psychiatrist to make sure na wala na talaga ang phobia mo."
Napabuntong-hininga na lang ako. "Fine."
Aunt Sally wiped the side of her lips using a tissue at napatingin ulit s'ya sa 'kin. "Lyra, let me ask you this question again, may mga kaibigan ka ba talaga?"
Bakit ba hanggang ngayon hirap pa rin si Aunt Sally sa paniniwala na may mga kaibigan talaga ako? Dahil ba tuwing sinasabi ko na aalis ako ay nakikita nila ako sa k'warto? Kung 'yon ang rason, hindi ko rin alam kung bakit nangyayari 'yon. Ang alam ko lang totoo ang mga kaibigan ko.
Tumayo ako at hinarap si Aunt Sally. "My psychiatrist asked a sketch of my friends, binigyan ko s'ya, I asked her if my friends really exist kahit alam ko ang totoo na nage-exist talaga sila, and my psychiatrist told me that my friends exist. Saang parte po ba do'n ang mahirap intindihin, Aunt Sally? Totoo ang mga kaibigan ko, okay? Kung gusto mo ipapakilala ko sila sa birthday ko."
Dumiretso ako sa k'warto at napaiyak na lang. Ang bilis magbago ng emosyon ko, kanina maganda ang ngiti ko dahil maganda rin ang gising ko, ngayon ay gusto ko na lang maiyak buong magdamag.
Kinuha ko ang phone ko and I searched Tonight by Fm Static on youtube. Huminga ako ng malalim at ipinikit ko ang mata ko as I listened to the song...
I still remember the first day kung saan na-discover ko ang phobia ko.
I'm a transferee sa isang Christian School and I'm already on the 7th grade. Hinatid ako ni Aunt Sally sa school kasi si Daddy ay sumakay na ulit sa barko, siguro 'yon ang paraan n'ya upang mag-move on sa pagkamatay ni Mommy. Ilang buwan pa lang ang nakalipas.
BINABASA MO ANG
Sky Full Of Stars
Teen Fiction"Ad astra per aspera." Lyra Adeline Celestia is a girl who suffers from melophobia-she's afraid to hear a certain music because of a traumatic experience way back in the past. She's like the modern Rapunzel. Nang dahil sa phobia niya ay pinagbabawa...