Chapter 15"Tell me about your friends," panimula ni Dr. Madeline.
As usual counseling na naman namin ngayon, I know it's kinda rude to say this pero wala namang naitutulong ang pagka-counseling n'ya sa 'kin. I mean walang nagbago sa phobia ko.
"My friends are great, a blessing from up above," I answered shortly.
"Palagi ba kayong magkasama ng mga bago mong kaibigan?" she asked again, why is she getting curious about my friends?
"Yes, everyday kami magkasama. We go to different places and we always make memories that are worth to keep."
Dr. Madeline put down her cup of coffee and she stared at me, "Nakausap ko ang Aunt Sally mo kanina..." she paused for a while.
"And?"
"She told me na palagi ka lang daw nasa room mo, so why are you telling me that everyday kayong gumagala ng friends mo?"
I composed myself before speaking, "What are you trying to say? Gusto n'yo bang sabihin that I'm just making stories? Gawa-gawa ko lang ang mga kaibigan ko? Pati ba naman pagkakaroon ko ng kaibigan ay kontrolado?"
"Lyra, that's not what I'm trying to say. Hindi gano'n, Lyra. Calm down. Take deep breaths."
I inhaled and exhaled over and over again. Nakakainis. Tuwing nagka-counseling kami ay palaging nauuwi sa gan'to ang usapan namin.
"Everybody in this world deserves a friend, Lyra. Naniniwala naman ako na may mga kaibigan ka. Remember kung ano ang sinabi ko sa 'yo the first day we held our counseling?"
"You told me that you see me as a dark sky."
"Yes Lyra, I see you as a dark sky at ang mga kaibigan mo ngayon? They are your stars. Ever since no'ng sinabi mo na may mga kaibigan ka na, I've seen some changes in you, you became a bit lively, parang inspired ka na ipagpatuloy mo ang buhay mo. And Lyra, right now I don't see you as a dark sky anymore."
I raised my brows because of what she said, "You don't see me as a dark sky anymore? And why is that?"
"You're no longer a dark sky because you are now a sky full of stars. Your friends are your stars, Lyra."
"I have an assignment for you para sa next counseling natin," Dr. Madeline said.
"Ano po 'yon?"
"Di ba you're good in doing sketches naman?"
"Yes, why?"
"I want you to sketch your friends, and introduce them to me one by one. I just really want to get to know them more."
Parang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Dr. Madeline because she's right. Isa akong madilim na kalangitan at ang mga kaibigan ko ang naging bituin.
Gumdrops are my stars, they'll always be.
After the counseling ay agad akong umupo sa study table ko just to browse something on my laptop.
Naghihintay din ako na makarinig ng busina sa baba. Susunduin daw kasi ako nila Keios dahil tatambay na naman kami sa bahay nila Rhai.
Sabi nila sa 'kin na tambayan na raw nila dati ang bahay nila Rhai at dating gawi na pala nila ang pagluto ng pancit canton sa bahay nila, ang sabi pa nga ni Spencer ay pambansang snack daw nila 'yon.
Isang malakas na busina ang narinig ko and I don't have to check anymore kung sino 'yon kaya ay agad na akong bumaba.
"Wassup, Lyra!" wika ni Spencer sabay bukas ng van at nakipag-apir pa ito sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Sky Full Of Stars
Teen Fiction"Ad astra per aspera." Lyra Adeline Celestia is a girl who suffers from melophobia-she's afraid to hear a certain music because of a traumatic experience way back in the past. She's like the modern Rapunzel. Nang dahil sa phobia niya ay pinagbabawa...