Kabanata 6

636 48 2
                                    

Kabanata 6

Standards

"Hey, sleepyhead, get up!" isang sigaw ang gumising sa kaluluwa kong sarap na sarap sa pagtulog.

Bahagya na muna akong napamura sa utak ko bago ako inis na umupo sa aking kama. Masamang tingin ang ipinukol ko sa aking pintuan. Galing do'n ang ingay na narinig ko.

Alas tres y media na kasi kami nakauwi ni Kuya Malach kagabi kaya't bitin ang tulog ko. Isa sa mga ugali niya ang hindi nabago matapos ang limang taong hindi namin pagkikita ay ang pagiging madaldal nito. Napasarap siya pagkwe kwento sa mga karanasan niya sa states kaya't hindi namin namalayan ang oras.

"Gising na, Zaicho!" muling singhal ng taong nasa labas, boses ni Kuya Zachario.

Padabog kong tinungo ang aking pintuan.

Taas kilay ko siyang tiningnan nang makitang nakahalukipkip ito sa harapan ng aking kwarto.

Wala kaming pasok ngayon dahil weekend kaya't kunot noo kong tiningnan ang kabuuan ni Kuya.

Nakapang alis siyang damit. Amoy na amoy ko ang matapang nitong pabango kaya't marahang lumukot ng bahagya ang aking mukha.

"Kuya, weekend ngayon! Saan ka pupunta?" inis kong singhal sakaniya.

"Magbihis ka narin, hihintayin kita sa baba." blangkong sambit nito bago ako talikuran.

Masamang tingin ang ginawa ko sakaniyang likuran habang naglalakad ito papalayo sa gawi ko.

Kahit labag sa loob ko ay agad ko ring sinunod ang sinabi ni Kuya Zachario. Bakas ang kaseryosohan ng kumag na 'yon. Ayoko naman na magkaro'n ulit ng blockbuster na palabas dito sa bahay na 'to. Ayoko ng maulit ang nangyari kahapon.

Simple lang ang isinuot ko. Classic black lang na t-shirt na sumakto sa hugis ng katawan ko saka ko siya tinerno sa black na jeans at saka white lang na snickers.

Pagkalabas ko palang ng kwarto ko ay amoy na amoy ko na ang masarap na ulam.

Ramdam ko ang pagkulom ng aking sikmura kaya't dali dali akong bumaba. Pagkababa ko ay agad kong naagilap si Manang Nely na ngayon ay nag aayos ng mga display sa sala.

"Manang?" pag agaw ko ng atensyon niya.

"O, Zai, iho?" aniya bago pa ako marahang hinarap.

"Baka po nasunog na 'yung niluluto ninyo?" kunot noong sambit ko sakaniya.

Marahan namang bumuntong hininga si Manang Nely bago pa muling magsalita.

"Aba'y hindi ako ang nagluluto, anak," sambit niya bago pa niya kunin ang walis sa tabi nito, "Nagpresenta ang Kuya Malach mo na magluto, sayang naman daw ang pinag aaralan niyang culinary na 'yan!" tatawa tawang sambit ni Manang Nely bago pa niya ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.

Tumaas ang dalawang kilay ko bago pa marahang tumawa ng bahgya.

'Well, Malach Fortalejo is now literally aging.'

Marunong na siyang magluto? Samantalang noon, maski hotdog or ham lang ay sunog pa.

Agad naman akong pumasok sa kusina habang suot suot ko ang malaking ngisi.

At doon nga ay nakita ko si Kuya Malach na walang t-shirt pero mayroon siyang suot na apron upang takpan ang bandang harap ng katawan nito. Halatang pokus ang isang 'to sa pagluluto dahil bahagyang salubong ang kilay niya.

"Kuya, ang tito mo lalo tingnan diyan." agad siyang napatingin sa'kin nang sambitin ko 'yon.

Bakas parin ang sugat nito sa gilid ng kaniyang bibig. Medyo pawis na ang noo nito at bahagya pang magulo ang kaniyang buhok. Probably, kagigising lang rin ng isang 'to.

He's My Best Mistake | BxBWhere stories live. Discover now