Kabanata 46

181 14 2
                                    

Kabanata 52

He Is Missing

MABILIS na lumipas ang isang linggo. Hindi ako makapaniwalang umabot ako sa ganitong edad. April twenty two..

'Today is my birthday!'

Parang kailan lang noong grumaduate ako ng elementary. It really feels surreal knowing that I'm no longer a teenager after two more years. Today is the day. I'm finally eighteen!

"Stand up, anak. So I can smoothly distribute this glitters on your arm." Anang beking make-up artist.

Sinunod ko naman siya at mabilis akong tumayo sabay tuwid ng pareho kong mga kamay para mas mapadali sakaniya ang paglalagay ng kulay gintong glitters sa aking katawan. Specifically, sa dibdib, sa dalawang kamay ko at kaunti rin sa leeg.

The make up artist did a soft make up look, powder, blush, and higlighter lang. Medyo mahapdi parin naman ang mga mata ko dahil sa pahirapan pa kami kanina sa paglalagay ng kulay jungle green na contact lenses.

Inayos lang din niya ang buhok ko, hinati niya ito sa dalawang parte. I have a medium-length hair kaya matagumpay parin niyang nai-curl ng bahagya 'yong dulong parte ng buhok ko at pinasadahan ito suklay para magmukhang wavy lang. Nag-iwan naman sila ng kaunting hibla sa may noo ko pero hindi naman mukhang halatang sinadya ito dahil sa mayroon pa silang pampakintab na inilagay sa buhok kaya mas nagmukhang natural.

Tinuloy kasi nila Mommy 'yong balak nila na sa katawan ko nalang maging extra sa details para balance tingnan ang magiging itsura ko.

And seeing myself with this kind of make up feels fictitious. Parang ganitong make-up 'yong ina-attempt na gawin sa akin ni Sachzna noon pero nage-end up ako na nagmimistulang zombie dahil sa mali-mali naman ang paglalagay niya ng mga make up.

Wala sa sariling napangiti ako nang isuot na rin sa akin 'yong korona na laurel wreath daw pala ang tawag. Nagpatulong pa ako sa make-up artist na isuot 'yong Talaria of Mercury daw na mga sandals dahil sa bakal talaga ang ilang parte nito. Suot ko na rin 'tong kulay puting 'goddess outfit' ko kuno. Hindi naman ako nahihirapang igalaw ang katawan ko dahil sa para lang talaga siyang isang puting tela pero maayos ang pagkakagupit at tahi ng bawat dulo, sinamahan pa ng gintong tali na nakapulipol sa may parteng baywang ko na siyang nagbigay lalo ng hulma sa katawan ko.

Pero medyo naiilang lang ako dahil medyo pinaikli no'ng beking may-ari ng boutique itong suot ko. Literal na hanggang itaas lang kasi ng tuhod ko ang costume kaya medyo naiilang ako kahit na naka cycling shorts naman ako.

'Hello? Lalaki parin ako. Hindi nga lang masyado.'

"Oh, sweetheart. You look so enthralling!" Maluha luhang tugon ni Mommy na kakapasok lang. Mabilis itong lumapit sa akin saka ako hinandugan ng mahigpit na yakap.

Hinaplos haplos pa niya ako sa magkabila kong pisngi saka siya nakangiting tumitig sa kabuuan ko. Sa likuran naman niya ay si Daddy na todo rin naman ang papuri rin sa akin. Ang daya nga raw dahil kay Mommy ko raw nakuha lahat ng dimensyon ng mukha ko at ang pagkalalaki ko lang talaga ang tanging nakuha ko mula sakaniya.

Naka white semi-formal dress si Mommy na may kaunting flowery and glittery details pa sa may chest area. Si Daddy naman ay naka white tuxedo pero kulay black ang ribbon niya. My Mom keeps on taking a picture of me together with my Dad. Hanggang sa si Mommy naman ang pumalit kay Dad para makapagpa-picture sa'kin. They really look so proud kaya I can't help smiling all the time.

"Saicuu! Omg!" Wala sa sariling napalingon ako sa may likuran ko nang may marinig akong matining na boses ng isang babae.

Agad naman akong sinalubong ng yakap ni Sachzna. Hinawakan pa niya ako sa magkabilaan kong braso saka ako mahinang niyugyog habang nakangiti siyang nakatitig sa akin mula ulo hanggang paa.

He's My Best Mistake | BxBWhere stories live. Discover now