Kabanata 79
My Man
Akala ko, masakit na ang pagkakawalay sa akin ni Malach sa loob ng limang taon. I can't bear to lose him. Hindi ko kaya.
I looked at his delicate and charming face laying. Ramdam ko ang pagdausdos ng luha sa mga mata ko nang gumuhit ang ngiti sa mg labi ko. We've come so far.
At parang hindi ko kaya... hindi ko kayang harapin ang katotohanang hindi ko na yata siya makikita, maririnig, mapapakinggan o mararamdaman. I can no longer feel the love of my man.
Makasarili na kung iisipin pero mas gusto ko nalang na makita siyang masaya sa iba kaysa sa makita ko siyang hindi na humihinga. Kung pwede lang ibalik 'yung oras, ginawa ko na. Kung pwede lang pumunta ulit sa nakaraan, gagawin ko, para lang mabago ang mga nangyari na.
Ngayong naalala ko na ang lahat, mas lalo kong gustong mabuhay si Malach. He has been fighting for me all the time.
"Malach, baby? Can you please wake up?" Malambing kong anas sa nakahigang si Malach.
Hinawakan ko ang kamay niyang may nakatusok pang dextrose. May mga nakalagay pa sa katawan niya. Malala raw 'yung nangyari sa katawan niya, hindi lang sa pagkakabaril niya kung hindi na rin sa mga pambubugbog na natamo niya. With that... walang kasiguraduhan kung magiging pa siya.
Dapat ako 'yung nakahiga rito eh. Dapat ako 'yung nahihirapan diyan. It hurts me seeing him like this. Parang buong buhay niya ay ako ang ipinaglalaban niya. He doesn't deserve this.
Tiningnan ko ang maamo niyang mukha. May mga gasgas pa siya sa pisngi na marahan kong hinaplos.
"My baby," napangiti ako kasabay ng pagdausdos ng mga luha ko.
"Mahal na mahal kita." Malambing ko anas.
Idinukdok ko ang noo ko sa kama habang hawak-hawak ko ang kamay niya. Muli kong hinayaan ang sarili kong humagulgol. I'm in so much pain that I don't even know where to place all of my tears.
"Zaicho, umuwi ka na muna." Ramdam ko ang haplos ni Zachy sa likod ko na kakapasok lang ng kwarto.
Maybe he noticed that I really don't have to go home even just for a while. Ayoko nga halos mahiwalay kay Malach. Kung may gagawin man, I won't stay for so long. It always feels like Malach is waiting for me.
"No, I'll stay." Inayos ko ang sarili ko.
"Mag-iisang linggo ka nang hindi kumakain ng maayos at natutulog. Take a rest, kahit sandali lang." Malumanay niyang sambit.
Isang linggo lang 'to. Naghilim na ang mga sugat sa katawan ko pero ayoko siyang iwan dito. I'd rather die beside him. I'll wait for him to wake up.
"Do you think Malach would like that?" I stared again at Malach's face.
I know. For sure hindi magugustuhan ni Malach 'tong ginagawa ko. But I want to be here the moment he will open his eyes again.
"You know him, Zaicho. So please, kahit sandali lang. Umuwi ka na muna. Dito lang ako."
Ayokong umuwi. Ayoko pa. But in the end, I agreed. I kissed Malach's forehead before getting out of the hospital. Kukuha lang ako ng gamit at mag-aayos lang tapos babalik na rin ako.
Nang nadaanan ko ang isang pamilyar na simbahan, mabilis kong pinatigil ang sasakyan sa taxi driver. Walang tao ni isa rito.
This is where I first met him. We were just kids. We were innocent and pure. But now, I came here without questioning myself unlike before, I am not thinking that what if we didn't break that innocence? It doesn't feel that breaking it feels like we also broke the rule we have to be in this situation. Sobrang ibang iba na ang nararamdaman ko ngayon. Minahal ko siya at hindi ko pagsisisihang ipinaglabab ko siya.
YOU ARE READING
He's My Best Mistake | BxB
Romance"If love is dangerous then I'm willing to take the risk." Hindi inaasahan ni Zaicho Eldhin Fortalejo na darating din siya sa puntong kukwestyunin niya ang takbo ng tadhana. Simula palang, inakala niyang wala siyang magiging laban kung sakali mang s...