Kabanata 17

333 37 1
                                    

Kabanata 17

Umbrella

"Magkita tayo mamaya sa hallway."

Hanggang ngayon ay hindi ko parin maisautak ang huling linyang ibinato sa akin ni Thiago kaninang natapos ang laro nila sa basketball.

Yes, natalo sila. Pero hindi naman ako gaanong nadismaya dahil sa dalawang puntos lang naman ang naging lamang ng Moscov sa Helix.

Since nanalo ngayon ang Moscov, all one na ang score. Kaya't bukas na bukas rin ay muling magkakaro'n ng tapatan sa pagitan nila para malaman na kung sino ang magiging representative ng campus namin para sa paparating na interhigh.

Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ng ibang miyembro ng Helix sa pagkatalo nila dahil mabilis kong hinigit sina Sachzna at Zerachiel kanina papalabas ng gymnasium, masyado kasi akong nawindang sa sinabi ni Thiago.

Hindi ko naman inaasahan na seseryosohin niya ang sinabi niya sa akin kanina bago magsimula ang laban, na pagkatapos ng laro nila ay kakain kami sa labas.

"Bumili ka na kaya ng condom, Zaicho? Samahan mo narin ng pain reliever. Dambuhala, eh." sambit ni Sachzna sa mismong mukha ko.

Agad ko naman siyang pinanlakihan ng mata. Bahagya siyang umatras nang umamba akong sasabunutan siya. Tumawa lang naman ang babaeng 'to bago pa mabilis na sumakay ng kotse nila.

Maging si Zerachiel na nasa tabi ko ay kunot noo ring nakabaling sa kabuuan ko. Inismiran ko rin siya.

"Hoy, espanyol! Kakain lang kami sa labas, okay? 'Wag mo 'kong igaya sa mga series ng kapokpokan na pinapanood mo!" singhal ko sa mismong mukha niya bago ko pa siya unahan sa paglalakad.

Rinig ko ang marahan na pagbuntong hininga niya mula sa likuran ko.

"Kakain lang? Sus, hindi mo parin masabi. Mapusok ang isang 'yon, baka hindi mo kilala ang isang Thiago Callejo?" kita ko sa gilid ng mata ko na nakataas ang kilay ng isang 'to.

Of course, kilala ko si Thiago. Alam kong marami siyang mga nakakasalamuhang mga babae noon pa man. Pero alam ko sa sarili ko na wala maski isa sa mga babaeng 'yon ang nagalaw niya.

Nanuyo ang lalamunan ko sa sarili kong naisip. At isa pa, nanggaling na mismo sakaniya na gusto pa niya akong makilala. And I know that Thiago won't take advantage. Kahit papaano naman siguro ay alam niyang hindi 'yon ang habol ko sakaniya.

"Bye, bitch!" Bineso pa ako ni Zerachiel bago pa siya tuluyang pumasok sa kotse rin nila.

Pagkatapos kong magpaalam ay agad rin akong naglakad para sana dumiretso na sa hallway. Pero napahawak ako sa bakal na nasa gilid ko nang marinig ko ang malakas na ingay na dulot ng kidlat. Bahagya ko pang hinabol ang paghinga ko nang makitang tumila na ang kalangitan sa patuloy nitong pagkidlat.

Nakaramdam ako ng bahagyang takot dahil ako nalang ang nasa waiting shed. Dito kasi madalas sunduin sina Saczhna at Zerachiel dahil wala pa silang mga sariling kotse katulad ko.

Napangiwi ako nang masilayan ko nga ang tuluyang pagpatak ng ulan. Itim na itim ang kalangitan na siyang mas lalong ikinainis ko. Mas lumakas pa ang ulan hanggang sa wala na akong nagawa at umupo nalang sa bleacher dito.

Gustuhin ko mang pumasok na ng campus pero ang kapalit no'n ay sobra naman akong mababasa. Medyo malayo kasi ito mula dito sa waiting shed kaya't wala akong pagpipilian kung hindi ang mag-stay dito at hintaying tumila ang ulan. Ayoko naman na mangamoy ulan sa harap ni Thiago.

Malulutong na mga mura ang siyang muling namutawi sa bibig ko dahil sa parang walang balak si haring kalangitan na kumalma, sinamahan pa niya ng mga mas malakas na pagkidlat at paghampas ng malakas na hangin. Wala akong kahit na ano'ng dala ngayon para sana maging silungan ko habang tumatakbo.

He's My Best Mistake | BxBWhere stories live. Discover now