Kabanata 56
Truth
NA-ENJOY naman namin ang aming pagi-stay sa tuktok ng bundok ng Hera Celestia. Nag-inom pa sila Kuya Zachy at ang ibang mga boys sa ilalim ng malaking puno pero sobrang bilang lang ng mga ininom nila, mga mild drinks lang since bababa pa kami dito sa bundok.
Habang kami nila Sachi at Zerach, walang katapusang picture ang inatupag namin. Nag-vlog na rin sila't lahat lahat. Since hindi kami pinapansin nila Lite at Vien na may sarili ring mundo, naglaro nalang din kami ng mga kung ano-ano kagaya ng habulan, taguan at pass the message kahit kaming tatlo lang. Kahit ano, basta pampalipas-oras.
"Next game, pagandahan, ako na agad ang panalo." Rumampa pa si Sachzna sa gitna namin pero tinawanan lang namin siya ni Zerach dahil sa nagmukha lang siyang inasinang linta sa naging rampa niya.
May mga times na lumilingon sa gawi namin si Kuya Malach pero iniirapan ko lang siya. Naiinis parin ako sakaniya dahil sa hindi ko talaga narinig 'yong sinabi niya kanina habang nagpi-picture kami. Mahirap bang sabihin 'yon sa akin nang hindi 'yon binubulong? Parang tanga.
Bumaba na rin kami around four ng hapon at nakarating kami ng camping site ng around five thirty. Ramdam ko 'yong pagod ko sa maghapon habang nakahilata dito sa ginawang higaan ni Zerachiel sa may bermuda grass habang nag-aayos na ng gamit ang mga kasama namin.
Pero isang sigaw lang ni Sachzna ang siyang mabilis na nagpabangon sa akin. Nagrereklamo nanaman ang bruha dahil sa inaaway nanaman daw siya nila Lite at Vien. Naiirita raw 'yong dalawa dahil sa nawawala si Thiago at Xaerex.
"Tsaka, nakita ko rin si Kuya Malach, mangunguha raw ng kahoy para hindi na tayo mahirapan bukas." Sambit ni Sachzna na siyang ikinagulat ko.
Padilim na at masukal pa naman ang gubat sa lugar na 'to, kung tanging flashlight lang ang dala ni Kuya Malach ay baka mahirapan parin siya pabalik dito sa camp site dahil sa may bitbit na siyang mga kahoy.
"Sige, susundan ko siya."
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at agad ko ng kinuha ang hoodie ko at nagtatatakbo na papunta sa
gubat. Bawat punong nadadaanan ko ay talagang pinapasadahan ko ito ng tingin, nagbabaka sakaling nasa likod ng mga ito si Kuya Malach."Kuya Malach!" Paulit-ulit na tawag ko. Pakiramdam ko ay medyo nasa malayo na akong parte ng gubat dahil sa hindi ko na mabanaagan ang mismong camping site.
Patuloy ako sa pagtawag sakaniya sabay linga ko sa paligid. Pero wala sa sariling napaiktad ako nang makarinig ako ng isang malakas na sigaw.
"Tangina mo!"
Mariing pagmumura ng isang lalaki. Mabilis akong napalingon sa may malaking puno dito sa likuran ko. Mabilis akong tumungo doon saka mabilis na nagtago sa gilid nito upang masilip ko ang lalaking sumigaw. Agad akong napatakip sa bibig ko nang makita ko si Thiago na kinukwelyuhan si Xaerex. Halatang galit na galit si Thiago kay Xaerex. Nag-iigting ang mga panga niya at halos tusukin niya na si Xaerex sa talim ng titig niya.
"Hanggang kailan mo ba lolokohin si Zaicho?!"
Sigaw pabalik ni Xaerex na siyang ikinatigil ko. Agad naman siyang hinandugan ni Thiago ng isang malakas na suntok sa mukha. Bumagsak si Xaerex. At nang lalapit sana ulit si Thiago sakaniya para siguro suntukin ulit siya ay agad na sinipa ni Xaerex si Thiago sa may dibdib niya kaya bumagsak din ito.
Muling tumayo si Xaerex. Habol-habol niya ang pag-hinga at masamang titig ang siyang ipinukol niya kay Thiago. Napalunok ako nang maramdaman ko ang pagkalabog ng dibdib ko. Tama ba ang narinig ko? Niloloko ako ni Thiago? Paano?
"Paano mo siya nagagawang lokohin? Eh wala namang ginawa 'yong tao kung 'di ang mahalin ka?" Dinuro pa niya si Thiago. Kitang-kita ko sa mga mata ni Xaerex ang pinaghalong galit at sakit. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kong 'yon. Nailipat ang nagtatanong kong tingin kay Thiago at bahagya pa akong nagulat nang makitang ngumisi lang siya.
YOU ARE READING
He's My Best Mistake | BxB
Romance"If love is dangerous then I'm willing to take the risk." Hindi inaasahan ni Zaicho Eldhin Fortalejo na darating din siya sa puntong kukwestyunin niya ang takbo ng tadhana. Simula palang, inakala niyang wala siyang magiging laban kung sakali mang s...