Kabanata 77

137 11 2
                                    

Kabanata 77

His Love

"Davis, please? Let us leave."

Nagsimula na akong magmakaawa kay Davis. Ikinuyos ko ang nanginginig kong mga kamay. Napalunok ako nang makipagsabayan ako sa talim ng titig niya.

"Ano ako? Uto-uto?" Galit parin niyang anas.

Nagbuntong hininga siya. Pagkatapos ay mas hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa baril. Nag-igting ang kaniyang mga panga.

"Marami pa kayong atraso sa'min na dapat pagbayaran." Ngumisi siya sa akin ng nakakaloko pagkatapos niyang sabihin 'yon sa mismong mga mata ko.

"Una, ang pagtanggal sa akin ng magaling mong kapatid na si Zachario sa Helix," punong-puno ng panggagalaiti ang naging tono ng pananalita niya.

"Pangalawa, ang pagtalikod sa amin ni Kuya Kenjiro," madiin siyang napalunok na para bang pinipigilan niya ang kaniyang sarili. "Pinabayaan niya kami nang dahil sa pagmamahal niya sa'yo."

"No, he didn't. Hindi niya kayo pinabayaan, kayo ang lumayo sa kaniya dahil sa kagustuhan niyong mapunta sainyo ang lahat ng mamanahin niya---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang muli niyang paputukin ang baril sa ere.

"Pangatlo, ang ginawa ng lolo mo sa nanay ko." Salubong ang mga kilay niya at nanggigitgit ang mga ngipin niya, galit na galit.

"Pinahirapan niya ang nanay ko hanggang sa manghina ang katawan niya. Pinatay ng lolo mo ang nanay ko!" Muli niyang pinaputok ang baril sa ere. Ipinangilid niya ang ulo niya sa akin, doon ay nakita ko ang ilang butil ng luhang bumagsak mula sakaniyang mga mata habang galit parin ang ekspresyong nakapinta sakaniyang mukha.

"At nakakalokong isipin na sainyo kumampi ang lolo Kenji at kuya Kenjiro." Nag-iwas man siya ng tingin, hindi parin nakaligtas sa paningin ko ang pagbuhos ng luha mula sakaniyang mga mata.

"Walang ibang ginawa ang nanay ko kung hindi ang pagsilbihan ang pamilya niyo," nanghina na ang kaninang malakas niyang boses. "At hindi ako papayag na aalis ako rito nang hindi ko kayo napapatay."

Mahigpit kong hinawakan ang kamay nila Sachzna at Zerachiel nang itinutok niya ang baril sa amin. Nanginginig pa ang kamay niya dala ng sobrang gigil.

"Lalo ka na, Zaicho Eldhin Fortalejo. Ang bunso at ang huling tagapagmana ng mga Fortalejo." May halong pagbabanta ang naging tono niya.

"Davis please.." muli akong nagmakaawa sakaniya.

"Kaya ngayon sabihin mo, Zaicho. Bakit ko kayo hahayaang makaalis dito nang hindi kayo napapatay?"

Rinig ko ang pagdating ng isang kotse sa likuran namin. Lahat kami ay napalingon doon at wala sa sariling nanlaki ang mga mata ko nang makita kong bumaba sa kotse si lolo Kenji. Hindi mapaglagyan ang kaseryosohang nakapinta sakaniyang mukha. Kay Davis agad nagtapos ang napakatalim niyang titig.

Agad siyang naglakad saka siya pumagitna sa amin.

"Hanggang kailan kita sasabihang tigilan mo na ang paghihiganti?" Ma-awtoridad na anas ni lolo Kenji. Natawa naman si Davis sa narinig mula sa lolo niya.

"At hanggang kailan ko sasabihin sa'yo na hindi ako papayag nang hindi ko napaghihigantihan ang mga taong nanapak ng parang basahan sa amin noon... sa atin noon, lo." Bumalik ang talim sa mga mata ni Davis.

"Walang kasalanan si Zaicho--" muli akong napaatras ng tatlong beses niyang paputukin ang baril sa ere.

"Edi siya ang umako ng kasalanan ng lolo niya!" Kita ko na ang ugat sa leeg niya, namula na rin ang mukha niya nang isigaw niya 'yon.

He's My Best Mistake | BxBWhere stories live. Discover now