Kabanata 28
His First Crush
WALA sa sariling napayuko nalang ako sa kinauupuan ko, pakiramdam ko kasi ay hindi ako kabilang sa mga taong kasama ko dito sa table na 'to.
Panay kwentuhan at tawanan kasi sila habang ako naman itong nagkukunwaring may kung ano'ng sinusuri sa loob ng aking bag para lang masabing may ginagawa ako.
'Nahiya ako. Baka kasi maistorbo ko sila.'
Siyempre, pinangungunahan nanaman ng reyna ng mga putakera, si Sachzna. Nai-kwento niya na yata ang buong talambuhay niya simula noong kinder siya.
Napahaba pa kasi ang kwentuhan namin---nila dito sa canteen dahil sa vacant naman daw ni Thiago sa next subject nila. Gano'n rin naman kaming tatlo.
Hindi nga kasi ako maka-relate sa mga pinagkukwentuhan nila. O mas magandang sabihin na naiilang lang kasi akong magkuwento dahil sa mukhang masaya naman si Thiago sa mga pinagsasabi nitong dalawa kaya pinapalampas ko nalang kahit na panay panlalait ang pinupuna ng dalawa sa'kin.
Panay tuloy ang punas ko sa mga butil ng pawis na kanina pa namumuo sa noo ko. Saka lang talaga kasi ako nakakasali sa usapan nila kapag nilalaglag ako ni Sachi at Zerach kay Thiago. Ikwinento ba naman nila 'yong pagiging uhugin ko raw no'ng mga bata kami. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang magtimpi at murahin nalang silang dalawa sa utak ko.
'Hihintayin ko nalang ang panahon na magkakaroon 'tong dalawang 'to ng sarili nilang Thiago para sila naman ang i-bully ko.'
Samahan pa ng presidente ng mga alaskador na si Xaerex kumag na walang ibang ginawa kung hindi tabunan ako ng mga nakakainsulto nitong mga tinginan at nakikisali rin sa panglalaglag sa akin kay Thiago. Natampal ko nalang ang noo ko nang wala sa oras.
Hanggang sa sawakas ay tumayo na si Thiago at bibili pa daw siya ng ilang mga bottled water na dadalhin ni Xaerex para sa training nila sa basketball mamayang after lunch.
Nalaman rin kasi niya na ako ang inuutusan ni Kuya Zachy para ipagbili sila ng mga bottled water.
'Siyempre, ayaw niyang nahihirapan ako. Hihi.'
"Sasabihin ko parin kay Zachy na utusan ka niyang bumili ng mga bottled water kaya huwag ka na munang kiligin diyan." tugon ni Xaerex kumag bago pa niya sundan si Thiago.
Matalim na tingin ang iginawad ko sa likod nito habang naglalakad ito papalayo sa amin. Pero mabilis na nailipat ang titig ko sa babaeng biglang pumasok sa may entrance ng canteen.
Bahagya pa akong nabigla nang muntikan na silang magkabanggaan ni Xaerex. Malapit lang kasi ang pwesto namin sa may pintuan ng entrance, hindi naman lumilinga sa paligid 'tong si Xaerex kaya kamuntikan na silang magkabungguan.
Pero imbes na mainis, nagulat ako nang makitang biglang nagkatitigan ang dakawa na parang kinakilala ang isa't isa. Ilang sandali pa'y nagngisian ang dalawa saka nag fist bomb.
Kunot noo akong napatitig doon sa babae.
Maikli lang ang blonde na buhok niya. Mas lalong naging makurba ang katawan nito dahil siguro sa suot nitong fitted na floral dress. Matangkad rin ito at halatang batikan sa pageantry dahil sa mapostura rin siya, pero nakuha ng husto ng pansin ko ang kutis nito at ang kaniyang mga mata. Masasabi kong may ibang lahi siya dahil sa kulay asul ang kaniyang mga mata at sakaniyang kulay olive na balat.
Ang ganda niya, lakas maka supermodel. Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit todo dikit ngayon si Xaerex sakaniya.
Pero hindi sila lumabas ng canteen, nakita kong iginaya lang pala ni Xaerex 'yong babae doon sa fridge ng canteen kung saan kasalukuyang kumukuha ng mga bottled water si Thiago dito.
YOU ARE READING
He's My Best Mistake | BxB
Romansa"If love is dangerous then I'm willing to take the risk." Hindi inaasahan ni Zaicho Eldhin Fortalejo na darating din siya sa puntong kukwestyunin niya ang takbo ng tadhana. Simula palang, inakala niyang wala siyang magiging laban kung sakali mang s...