Kabanata 76

123 11 0
                                    

Kabanata 76

Papakasalan

"Zadkiel!"

Agad kong tinanggal ang pagkakahawak sa akin nila Sachzna. Nagkakagulo parin sila pero 'di ko alam kung papaano ko nagawang makipagsiksikan para mahanap si Malach.

Sa putok ng baril na 'yon ako naalarma. Halos maiyak na ako dahil sa wala akong Malach na nahahanap.

"Malach!" Paulit-ulit kong sigaw at halos madapa pa ako dahil sa natatamaan ako ng ilan sa mga nagsasapakan.

Kamuntikan pa akong mahagip no'ng hinagis no'ng isa sa mga lalaki na tubo, mabuti at napatid naman ako ng kung sino kaya nagawa ko itong maiwasan.

Agad akong tumayo saka ko muling inilibot ang paningin ko sa paligid. Hanggang sa maramdaman ko nalang ang isang kamay na pumulipol sa may baywang ko. Humarap ako sa humawak sa akin at do'n ay nakita ko ang hingal na hingal at naliligo na sa sariling pawis na si Malach.

Sa saya ko ay agad akong napayakap sakaniya. Kasabay no'n ang pagbuhos ng mga luha ko. Niramdam ko ang balat at ang init ng katawan niya bago ako tuluyang humiwalay sa pagkakayakap ko sakaniya. Agad kong sinipat ang kabuuan niya.

"Are you okay?" Inalagay ko pa ang palad ko sa dibdib niya para siguraduhing tumitibok pa ito. Narinig ko naman ang tunog ng pag-ngisi niya.

"Nag-aalala ka nanaman, mahal. Okay lang ako." Malambing niyang sambit. Pero hindi ko parin mapigilang hndi mag-alala.

"Tara na! Umalis na tayo rito!" Sambit ko nang muli kong marinig ang hagisan ng mga tubo. Hinila ko siya, handa ng tumakbo, pero muli akong napalingon sakaniya nang pigilan niya ako

"Sui, mauna na kayo. Hindi ko sila pwedeng iwan dito." Malumanay niyang anas. Agad naman akong napalunok.

"Papaano kung may nangyari sa'yo?" Mangiyak-ngiyak kong sambit habang nakatitig ako sa mga sugat niya. "Paano na ako?"

Sa mga mata niya namalagi ang mga mata ko. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin. Napalunok siya saka madiing nagbuntong hininga. Hanggang sa napapikit nalang siya. Ilang sandali ay nagmulat siya ng mga mata at sa mga mata ko rin nagtapos ang mga tingin niya.

"Baby, don't be like that. You know that I will choose you over them, right?" He said softly.

Muli kong tiningnan sila Kuya Zachy na ngayon ay kasalukuyan paring nakikipagsapakan at hampasan sa mga kalalakihan. They really need help.

"Okay. Just be safe," Malalim akong nagbuntong hininga. Nakagat ko ang pang-ilalim kong labi nang may ilang butil na luha nanaman ang nahulog mula sa mga mata ko. "And please, bumalik ka sa'kin ng buo."

Muli kong narinig ang tunog ng pag-ngisi niya. Hinawi niya ang nagulo kong buhok mula sa likod ng aking tainga. Bumaba ang kamay niya sa mga braso ko at marahan niya itong hinaplos.

"I will, baby," nakangiting sambit niya. Napapikit ako nang halikan niya ako sa noo ko. "Hindi ko hahayaang may mangyari sa'kin, okay?"

Nagmulat ako ng mga mata.

"Papakasalan pa kita." He said right into my eyes.

Sa sinabi niyang 'yon, okay na 'ko. Marahan niyang hinaplos ang singsing na ibinigay niya sa akin noon. I know that he will uphold his promises. I trust him.

"Promise?"

"Promise." Nakangiting sambit niya saka niya muling hinalikan ang noo ko.

"Please be safe, love." Pahabol ko saka ako tumangkayad para mahalikan ko siya sa labi.

He's My Best Mistake | BxBWhere stories live. Discover now