Kabanata 34
Ang Swerte Niya
"Did you like it?"
Hindi ko na halos napansin ang paghawak ni kuya Malach sa may palapulsuhan ko. Inililibot ko parin kasi 'tong paningin ko sa buong paligid. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa taglay na ganda ng lugar na 'to.
"Sobra," ang tanging lumabas sa bibig ko bago pa ako muling umakyat sa hagdan para tuluyan na akong makarating sa nagmistulang rooftop ng parang malaking barko na 'to.
Para siyang isang malaking yate na ginawang bar na nakapuwesto sa harap ng karagatan. Pero parang hindi na nagagamit ang bar na ito dahil sa saradong sarado ang bawat pintuan at tanging ang mga street lights lang ang siyang nagbibigay ng liwanag sa buong paligid.
Nang tuluyan na akong makaakyat ay napangiti akong muli saka mabilis na tumakbo para lang makalapit sa parang veranda at dinama ang bawat paghampas ng malakas na hangin sa mukha ko. Sinabayan pa ng malakas na ingay ng bawat pag-alon ng dagat. Wala sa sariling napabuntong hininga ako.
Nagbukas lang akong muli ng mga mata nang marinig ko ang mahinang paghalakhak nitong ni kuya Malach. Nilingon ko siya nang maramdaman ko na ang presensya nito sa tabi ko.
"Kuya, pa'no mo nalaman 'tong lugar na 'to?" Kunot noong tanong ko dito.
"Pagkauwi ko galing ng Amerika, dito ako nag-iinom noon gabi-gabi, pampawala ng stress." Malumanay nitong tugon saka niya ipinatong ang dalawang siko nito sa may veranda saka rin siya tumitig sa buong karagatan na nasa harapan namin. Inis ko siyang inirapan.
"Ba't ngayon mo lang ako sinama dito?" Matabang kong tanong. Tumawa lang naman ang mokong.
"'Di ba nga, umiinom ako?"
"Ano naman kung umiinom ka? Parang bago naman ako ng bago."
"Ayokong marinig mo 'yong mga sinusumbong ko sakaniya tuwing nalalasing ako." Kalmado paring sambit niya saka inginuso ang mismong dagat. Napabuntong hininga nalang ako saka napatitig na rin sa dagat.
'Ang sabihin mo, dito ka nagdadala ng babae.'
Wala sa sariling natawa ako sa sarili kong naisip. Mabilis naman akong sinamaan ng tingin nitong katabi ko. Naalala ko tuloy 'yong naisip ko kanina habang bumabyahe kami.
"Kuya, 'di ba twenty two ka na? Bakit wala ka pa palang girlfriend na napapakilala sa'kin ever since?" Hindi ko alam kung bakit deretsahan ko 'yong naitanong sakaniya. Nakataas pa ang dalawang kilay ko nang lingunin ko siya.
"Girlfriend?" Nangunot ang noo ko nang makitang bahagya pa siyang humalakhak, "Ask my bestfriend."
Muli niyang inginuso ang karagatan na siyang dahilan ng pagkibit ko ng balikat.
'Ayun, baliw nga.'
"Kapag tinanong ko 'yan tapos walang sumagot, tatampalin kita, ha?" Sarkastikong tanong ko dito na siyang ikinatawa naman niyang muli.
"No, seriously. That sea knows.. that there's someone in here," kunot noo akong napalingon sakaniya, nakita kong itinuro niya ang sintido niya gamit ang kaniyang hintuturo, "And also in here.."
Mabilis kong sinundan ang paglipat ng hintuturo niya sa may bandang gilid ng dibdib niya. Sa pagkakataong ito ay siya naman ang lumingon sa akin. Mabilis na nagtagpo ang mga paningin namin. Ngumiti siya sa akin ng pagkalaki-laki at gano'n nalang ang pag-irap ko sakaniya nang kindatan niya ako. Humalakhak lang namang muli ang kumag.
"Lagi akong nagsusumbong sa dagat na 'yan... that sea knows that there is that one person who's already living in my dreams," Kalmadong tugon nito saka niya muling ipinatong ang siko niya sa may veranda, malayo na ang naging tingin niya, "And I can't find even just a little bit of way for me to escape. That person is my life."
YOU ARE READING
He's My Best Mistake | BxB
Romance"If love is dangerous then I'm willing to take the risk." Hindi inaasahan ni Zaicho Eldhin Fortalejo na darating din siya sa puntong kukwestyunin niya ang takbo ng tadhana. Simula palang, inakala niyang wala siyang magiging laban kung sakali mang s...