Kabanata 54
He's Cold
"I'm fine na, don't worry."
I keep on telling Kuya Malach to calm down dahil simula kaninang magising kami ay panay na ang tanong niya sa akin kung ayos lang ba ako. Hindi rin kasi siya pumayag na hindi ako matulog sa kwarto niya, na-corner tuloy ako.
"Kung hindi ka aware, nasa baba na sila Zachy at ang mga kaibigan mo," Muli ko naman siyang hinarap dahil do'n, I raised a brow.
"May pag-uusapan daw, Sui. Huwag ako ang sungitan mo. Let's eat breakfast."
He gave me a cute smile before clinging his hand around my waist to pull me closer to him. Hinigit niya na ako papalabas ng kwarto niya.
Sinabi ko sakaniya kagabi na huwag na muna niyang sabihin kahit kanino ang tungkol sa nangyari kagabi. Not even to our parents. Pati narin sa mga kaibigan ko, ang oa pa naman ni Sachi.
Nasa hagdan palang kami ay rinig ko na ang ising matining na boses.. pero hindi lang isa. My gosh. Don't tell me may kulto na 'tong si Sachzna.
Pagkababa namin, wala sa sariling napaawang ang mga labi ko nang makita ko kung papaano magbangayan itong si Sachi at.. Lite?
"Hindi pantay ang kilay mo!" Rinig kong maarteng anas ni Lite.
"Hindi pantay ang dede mo!" Singhal naman pabalik ni Sachi.
"Laylay ba 'yong isa?" Rinig kong bulong pa ni Zerach kay Sachi habang patuloy parin siya sa paghila kay Sachi papalayo kay Lite.
"Excuse me? Hindi mo lang afford magpagawa!"
"Afford ko! May laman na kaya 'to!" Tinangka pa ni Sachzna na ipakita ang bra niya pero mabilis na hinampas ni Zerach ang kamay niya, ang mature.
"Huh? There's none kaya!" Lite made a face before rolling her eyes.
"Ah, talaga ba, Liter? Pakyu!"
"Tanga, 'di ba Lite pangalan niyan? Ba't Liter? Mukha bang sunog 'yan?"
"Medyo," bulong ko naman sa sarili ko pero mukhang narinig ni Kuya Malach kaya itinakip niya ang palad niya sa bunganga ko gamit ang kamay niyang nakaakbay sa'kin.
Tapos tumigil nalang sila nang si Kuya Zachy na ang pumagitna para pigilan silang dalawa. Pero itong si Sachzna ay hindi parin nagpatinag dahil sa nakatingin parin siya kay Lite.. mula ulo hanggang paa.
"What are you staring?" Muling nagtaas ng kilay 'tong si Lite.
"Wala, tinitingnan ko lang kung ano ang pinagkaiba ng mukha mo diyan sa talampakan mo." Hirit pa ni Sachzna, nasampal ko na lang ang noo ko.
"How dare you?!"
"Titigil kayo o titigil kayo?" Maawtoridad na anas ni Kuya Zachy. Seryoso na niya ngayong pinagpapalit-palit ang tingin niya sa dalawa.
Pilit namang pinaupo pabalik ni Zerach si Sachi habang si Lite ay nagpahila na kay Kuya Zachy at sapilitan siyang pinaupo sa sofa, parang gusto niya ng sabunutan si Sachi sa inis kiya.
Ilang sandali ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Magkasunod na iniluwal ng pintuan ang nakabusangot na si Thiago, sa likod niya ay si Xaerex na nagpilit ng ngiti sa'kin. Umupo si Xaerex sa inilahad na upuan ni Kuya Zachy para sakanilang dalawa pero nakita kong talagang lumipat pa sa may upuan sa mini coffee table si Thiago. Problema ng mga 'to?
Sila Kuya Kenshin, Kuya Fourth at si Aiken ay nasa sofa na nasa tabi ng aircon. Sila Sachi at Zerach naman ay nagsisiksikan sa dulo ng sofa sa gilid. Si Lite naman ay nakaupo sa may pinakagitnang sofa, nakakrus ang mga braso niya sa dibdib niya habang salubong ang mga kilay dahil sa panay na ang panenermon sakaniya ni Kuya Zachy.
YOU ARE READING
He's My Best Mistake | BxB
Romansa"If love is dangerous then I'm willing to take the risk." Hindi inaasahan ni Zaicho Eldhin Fortalejo na darating din siya sa puntong kukwestyunin niya ang takbo ng tadhana. Simula palang, inakala niyang wala siyang magiging laban kung sakali mang s...