Kabanata 24
Ditch
HINDI ako nagkamali. Tapos na nga ang second subject dahil nakita kong iniluwal ng malaking pintuan ng gymasium ang dalawang asungot kong kaibigan.
Awtomatikong ngumisi ako sakanila dahil sa hanggang ngayon ay hindi ko parin maitago ang sayang namumutawi sa aking dibdib. At nang sa akin na nabaling ang titig ng dalawa ay tanging pag-irap lang ang nakuha kong sagot mula sakanila.
"Ba't ngiting ngiti ka diyan? Binuntis ka nanaman ni Thiagago?" singhal sa akin ni Sachzna pagkaupong-pagkaupo palang nito sa tabi ko.
"Hindi ka talaga mapakali, ano? Ba't ka ulit bumili ng cellphone?" tugon rin ni Zerachiel na kunot noong nakabaling sa hawak kong gamit ni Thiago.
Sandali ko silang tinitigan bago pa ngingisi-ngising bumaling sa kay Thiago. Hindi niya ako napansin dahil sa laro nakabaling ang pokus nito. Halatang seryoso dahil baka takot na masita ng kanilang coach. And I can't hide the fact that he looks even more handsome when he makes that face.
"Ako ng bahala sa lunch natin mamaya!" Masayang anunsyo ko sa dalawa.
Mabilis na nagbuntong hininga si Sachzna. Maging si Zerachiel ay humalukipkip at sumandal pa sa upuan.
"Naiwan ka lang namin ng isang oras, Zai," blangkong sambit ni Sachzna bago pa iiling-iling na humikab, mukhang antok pa dahil sa paggising ng maaga, "Mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa kaninang umaga tapos ngingiti ka sa amin ngayon na parang ikaw ang tinanghal na fifth miss universe ng Pilipinas?" taas kilay na tugon nito.
"You hate gray color, Zaicho. Kanino 'yan?" muling nangunot ang noo ni Zerach at inginuso pa ang wallet ni Thiago.
It's a gray louis vuitton wallet. Halatang naaalagaan ito ng maayos dahil wala pa itong gasgas maski kaunti.
No wonder why Thiago has a pleasing aroma. Sa mga gamit palang niya ay talagang maalaga na siya. He is not like other men who are very clumsy with their belongings.
"Kay Thiago 'to, pinahawak lang." nakangising tugon ko bago pa mabilis na iniwas ang mukha ko sakanila.
Kahit kailan talaga ay hindi ako nakakaligtas sa mga tinginan ng mga ito. Masyadong alam ng dalawang asungot na 'to kung pa'no ako i-spelling at pakiramdaman.
"Iyon naman pala. Meaning, kanina pa kayo magkasama dito sa gym," tamad na sambit ni Sachzna, she tilted her head and stared at me sarcastically, "Did you enjoy his whisper of love and assurances?"
Taas kilay na tanong ni Sachi. Inirapan ko lang siya dahil sa mayroon nanamang bahid ng pagkasarkastiko ang naging tono ng babaeng 'to.
"Admit it, you feel now that you are a bewitching behalf of Thiago, don't you?" umarko ang kilay ni Zerachiel nang lingunin niya ako.
Pareho nila akong pinasadahan ng nagtatanong na tingin, naghihintay ng sagot. Muli lang akong napairap sa kawalan nang pareho nila akong tinawanan dahil sa parang naagilap nilang pareho sa mukha ko na tama ang mga pinaparatang nila sa akin.
It's obvious, though. Minsan lang naman mangarap.
Anyone would feel blithe if the person they admire gave them a marvelous attention. Baka nga kapag sa iba niya ito ginawa ay mas grabe pa ang maging reaksyon nila.
Pero hindi rin naman ako makakapayag na gawin iyon ni Thiago. Ano sila? Sinuswerte?
Alam ko kasi na hindi lang ako ang humahanga sakaniya ng ganito kalala, dapat nga ay maging masaya pa ako dahil sa dinami-dami ng mga taong nagkakandarapa sakaniya ay ako lang ang nagagawa niyang itrato ng ganito.
YOU ARE READING
He's My Best Mistake | BxB
Romance"If love is dangerous then I'm willing to take the risk." Hindi inaasahan ni Zaicho Eldhin Fortalejo na darating din siya sa puntong kukwestyunin niya ang takbo ng tadhana. Simula palang, inakala niyang wala siyang magiging laban kung sakali mang s...