Kabanata 8

536 43 1
                                    

Kabanata 10

Addicted

It's almost 2 in the morning but my human body is still energized. Nandito ako ngayon sa veranda para sana magpaantok, pero maski na hikab ay hindi pa rin ako dinadalaw.

Bumalik ako sa kwarto ko ng medyo tulala. Bahagya pa akong nagulat nang madatnan ko rin doon ang nakapangalumbaba kong kapatid habang nakahawak pa sa ibabang labi nito. Nakapandekuwatro ito sa aking kama. May kulay pastel violet na twalya sa kaniyang ulo at walang suot na pang-itaas. Nabanaagan ko tuloy sa may bandang tagiliran niya ang parang isang tribal tattoo. Nag-iwas ako ng tingin.

"Kuya, naligo ka?" kalmadong tanong ko bago pa umupo sa harap ng aking vanity, "Akala ko ba inaantok kana?"

Kinuha ko sa gilid ng tukador ang gitarang ibinigay ni Xaerex. Marahan akong napailing nang muling gumuhit sa utak ko ang ekspresyon ng mukha niya kanina.

Alam kong hindi pa masyadong lasing ang isang 'yon kanina. Pero bakas sa mukha niya ang pag aalala nito sa'kin.

'Pero pasensya na Xaerex kung hindi ko na muna mapagkakatiwalaan ang mga tinginan mong parang nag aalala ka. You traumatized me.'

"I'm not sleepy anymore, Sui," rinig ko ang medyo husky na boses ni Malach, "Ano'ng gagawin mo?" kunot noong tanong nito nang makita niyang umayos ako ng upo.

"I'll just.. I'm bored" I lied.

Ang totoo nga ay hindi ako makatulog. Dahil sa masyadong pinawindang ni Thiago ang utak ko kanina. Doon nawala ang antok ko. He was so complicated. Too complicated. Hindi ko makuha masyado ang gusto niyang iparating sa akin.

Kanina ko lang napansin na ngayon lang pala umusad ang relasyon namin, from casual friends to... I don't know. Pero 'yung eksena niya kanina ang siyang naging dahilan ng pagputok ng sandamakmak na katanungan sa aking utak.

Kita ko ang malumanay na titig ni Kuya Malach sa'kin sa salamin. Kahit papaano ay wala na ang lungkot sa mga mata nito na siyang nababanaagan ko noong mga nakaraang araw. Sandali pa'y kinuha niya mula sa gilid niya ang kaniyang cellphone.

"Kuya, sinong katext mo?" tanong ko.

Umiling siya at itinaas pa ang kaniyang telepono upang ipakita 'yon, "Wala. Mag video ka ng kakantahin mo. Para if ever na bumalik ako ng Amerika, hindi kita masyadong ma-miss." seryosong tugon niya.

Tumayo siya at ipwinesto ang kaniyang cellphone sa harapan ko. Kita kong eksaktong anggulo ang ginawa ni Kuya. Makikita ako at makikita rin siya sa video.

"Kailan ka ba uuwi ng Amerika?" seryosong tanong ko dito.

Nagkibit balikat lang siya bago niya ipako ang tingin niya sa mismong mga mata ko.

"I don't know yet," aniya bago pa marahang umiwas ng tingin sa akin, "Gusto kong bumalik agad, ayoko ng masanay ng kasama ka. Less pain kapag nakabalik na ako."

"Then tell Mom and Dad that you're staying here for good. It's been five years, Malach. I'm sure they won't mind anymore." seryosong asik ko.

Pero hindi siya sumagot. Napakurap ako nang makitang nag igting ang kaniyang mga panga. Marahan siyang napayuko.

"Just have the guts to tell them what's in there!" singhal ko sakaniya bago ko pa ituro ang kaniyang dibdib.

Muli siyang nagtaas ng tingin. Maya maya pa'y lumapit siya sa gawi ko. Wala parin siyang suot na damit kaya't hindi ko maideretso ang tingin ko sakaniya. Umupo siya sa tabi ko at ipinatong niya ang kaniyang ulo sa aking balikat.

"Please, let me stay here for a while, Sui." malumanay niyang sambit.

Hindi na ako nagwelga pa at hinayaan ko nalang siyang ipahinga ang kaniyang ulo sa aking balikat.

He's My Best Mistake | BxBWhere stories live. Discover now