Kabanata 4
He's Back
Wala sa sariling napamura ako nang makita ko ang kotse ng magaling na si kuya Zachario na nakaparking sa harap ng bahay namin. Hindi niya kasi ako hinintay kanina sa school at basta nalang siyang umuwi!
Nasa tapat palang ako ng main door ng bahay nang marinig ko ang brutal na sigawan sa pagitan ng dalawang lalaki na siyang marahang nagpakunot ng aking noo.
"Get lost, you dick head!" Rinig ko ang panggagalaiti sa naging tono ng isang lalaki, boses 'yun ni kuya Zachario.
Nang marinig ko ang malutong na mura na 'yon galing kay kuya Zachario ay mas lalo kong idiniin ang pagkakapangilid ng ulo ko sa pintuan upang mas lalo kong marinig ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Why do you always want things to be complicated?" Sigaw rin pabalik ng isang lalaking may mas malalim na boses.
"Si Zaicho ang inuwi mo rito, hindi ba?" Ma-awtoridad na tanong ni kuya Zachy.
"Ano ngayon sa'yo?" Matapang na sagot naman ng lalaki.
Narinig ko ang ilang maids na nagsigawan, mukhang pinipigilan na nila ang dalawa dahil sa marahil ay nagkakapisikalan na sila. Sino 'yung lalaking kinakausap ni kuya Zachy?
"Why are you driving me away? Bumalik ako para sainyo!" Muling singhal nito.
Rinig ko ang sarkastikong paghalakhak ni Kuya Zachario. Don't tell me...
Agad na nagsitayuan ang mga balahibo ko sa 'di ko malamang kadahilanan. Wala sa sariling napahawak ako sa aking bibig.
Hindi ko alam pero may namuong pinaghalong kaba at takot sa aking dibdib. Wala akong magawa kung hindi ang madiing mapalunok at ihilig ang aking tainga sa pintuan upang marinig ko pa lalo ang palitan nila ng usapan.
"Oh, come on, Malach! Why don't you just admit it?" sarkastikong tanong ni kuya Zachy.
"Bumalik ka lang naman dito para ituloy mo 'yang kabaliwan mo kay—" hindi na natapos ni kuya ang kaniyang sasabihin nang mabigat kong pinihit ang seradula ng pintuan.
"Z-Zai.." nanlalaki ang mga mata ni kuya Zachario nang makita ako.
Nakaharap siya sa'kin at kita ko sa likuran niya si kuya Kenshin, miyembro ng Helix, na halatang pilit na pinipigilan si kuya Zachario. Sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa magkabilang braso ni kuya.
Kaharap ni kuya ang isang lalaking may malaking pangangatawan. Sa likuran ng lalaking ito ay si manang Nely, mayordoma ng aming bahay, na siyang maluha-luha ring umaawat sa dalawa.
Nakatalikod ang lalaking sinisigawan ni kuya mula sa'kin na ngayon ay nakakuyos parin ang malalaking mga kamao.
Alam kong hindi nakikita ng mga mata ko ngayon ang mukha ng lalaking 'yan, pero ramdam kong alam ng katawang lupa ko ang kaniyang presensya.
"Malach?" Wala sa sariling naiusal ko nang makita ko ang kabuuan niya nang unti-unting humarap sa akin ang lalaking ito.
May sugat siya sa may bandang pisngi at nakita ko rin ang pasa sa gilid ng labi niya. Hindi ko mawari ang dahilan pero pakiramdam ko ay sobrang pinipiga ang puso ko. Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa aking mga mata.
Ayan nanaman siya, hindi nanaman niya pinatulan si kuya Zachario.
"K-Kuya malach," wala sa sariling muling sambit ko nang mahuli ko ng paningin ang mga butil ng luhang nahulog sakaniyang pisngi.
"I told you. I'll be back." Malumanay nitong sambit.
Nasaksihan ko ang bahagyang pag-guhit ng isang ngisi sakaniyang labi. Iyon ang naging dahilan ng paglitaw ng dalawang malalim niyang biloy sa magkabilang pisngi. Patuloy na nahuhulog mula sa mga mapupungay niyang mga mata ang mga luha.
YOU ARE READING
He's My Best Mistake | BxB
Romance"If love is dangerous then I'm willing to take the risk." Hindi inaasahan ni Zaicho Eldhin Fortalejo na darating din siya sa puntong kukwestyunin niya ang takbo ng tadhana. Simula palang, inakala niyang wala siyang magiging laban kung sakali mang s...