Kabanata 65

154 17 1
                                    

Kabanata 65

He's Not My Brother

"Sa'kin ka na sumabay."

Hindi ko matingnan sa mata si Kuya Zachario habang naglalakad kami papunta sa parking lot. Sa likod ko ay si Kuya Malach na malumanay lang ding nakatitig sa akin.

"It's better if you're not going to go home together," anas pa ni Kuya Zachy. Wala ni isa sa amin ni Kuya Malach ang sumagot. I heard Kuya Zachy's deep sigh.

"Kuya, sinabihan na kita, 'di ba?" Seryosong tanong ni Kuya Zachy kay Kuya Malach kaya napatigil kaming tatlo sa paglalakad.

Pinagpalit-palit ko ang tingin ko sakanilang dalawa. Bakas sa mga mata ni Kuya Zachy ang kaseryosohan habang si Kuya Malach naman ay kalmado lang at parang hindi ginagapangan ng maski katiting na kaba.

Hanggang sa umiling lang si Kuya Zachy saka kami inunahan sa paglalakad. I held Kuya Malach's hand, I stroked the top of it just to ease my trembling heart.

"Whatever happens, I will always choose you, tandaan mo 'yan." Rinig ko ang pamamaos sa malalim na boses ni Kuya Malach nang sambitin niya 'yon sa mismong mga mata ko.

I smiled at him widely as a response. That's enough for me. Nang nasa harapan na kami ng mga kotse nila ay do'n ulit ako napalunok.

Hindi na ako nakaangal nang hawakan na ako ni Kuya Zachy sa braso at pinapasok sa front seat ng kotse niya.

Makahulugan ko namang tinitigan si Kuya Malach, he just smiled at me which made me feel better somehow.

'Don' worry, baby. I'm with you.'

I wanted to run to him and hug him for me to calm down, dahil sa hindi ko maipagkailang may namumuong takot sa loob ko. I also gave him a light smile. When the engine started, I averted my glance and took a deep breathe. Sumandal ako sa kinauupuan ko nang magsimula ng magmaneho si Kuya Zach.

Napapikit ako, iniisip kung ano ang mga maaaring sinabi o sasabihin palang ni Lite sa mga magulang ko. Kilala ko pa naman 'yon, hindi siya mapakali hangga't hindi siya nakakaganti.

Sa kotse, walang kumibo maski isa sa amin ni Kuya Zachy. Nang ramdam ko ng malapit na kami sa bahay ay hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Panay ako sa paglunok at hindi mapagsidlan ang paga-alburoto ng dibdib ko. Hindi ko rin naman matagalan ang pagtitig kay Kuya Zachy dahil sa seryosong seryoso ang ekspresyong nakapinta sakaniyang mukha. Madiin ang pagkakahawak niya sa manibela saka madiin din ang pagkakaigting ng kaniyang mga panga, halatang galit.

At nang tumigil ang kotse sa harap ng bahay namin ay maski paghinga ko ay tila ba hindi ko narin maramdaman. Sobrang binalot na ako ng kaba dahil sa andami ng pumapasok sa utak ko, kung ano ang sasabihin nila Mommy at Daddy, kung ano ang nararamdaman nila ngayon.. kung ano ang maaring gawin nila sa akin.. kay Malach.. o sa amin.

Hanggang sa makababa kami ni Kuya Zachy ng kotse ay wala paring kumikibo maski isa sa amin. But the silence is so loud. I know he's also thinking for our state after this.

At nang makapasok kami ng bahay ay hindi na muna kami dumiretso ng sala nang makarinig kami ng babaeng nagsasalita. Nagtago na muna kami sa may gilid ng hallway ng aming bahay dahil sa may kaunting puwang dito. Sakto lang naman ang pwesto namin dahil agad kong namataan si Lite na nakatayo sa harapan ng parents ko na ngayon nakaupo lang din sa sofa. Si Mommy ay halatang hindi mapakali habang si Daddy naman ay mariing nakahawak sakaniyang sintido, halatang problemado.

"'Di ba dapat hindi tinotolerate ang ganiyan, Tito? Paano kung malaman nila Tito at Tita 'to? O di kaya ng mga ibang pinsan namin na laging nakakasama ni Zaicho at Malach? Hindi ba't malaking kahihiyan 'to kapag nagkataon? Ano nalang ang iisipin ng ibang tao? Na nagpalaki kayo ng mga taong hindi alam ang tama sa mali? Kaya dapat Tito, bigyan mo ng tamang leksyon si Kuya Malach.. lalo na kay Zaicho dahil siya na dapat ang unang umiwas!" Ensahiradang sambit ni Lite na para bang kinukumbinsi niya ang mga magulang ko.

He's My Best Mistake | BxBWhere stories live. Discover now