Kabanata 35
Sense of security
"Kuya, bilisan mo na!"
Pagmamadali ko kay kuya Malach na nasa rooftop parin ng yateng bar na 'to. Tumawa lang naman ang kumag saka ako mabilis na sinunod. Dali-dali siyang bumaba at nagtungo sa gawi ko.
"Oh!" Inilahad ko sakaniya ang susi ng motor niya na nahulog pala mula sa bulsa niya kaninang pinagsasabunot at pinaghahampas ko siya.
"Ba't nagmamadali ka naman na yata, Sui? Don't worry, malapit lang dito 'yong gotohan." Tugon nito saka ito pumangalibabaw sa motor at mabilis itong pinaandar. Napairap ako sa kawalan.
Kanina ko lang din kasi naalala na dapat ay maaga kaming pumasok buka‐--mamaya na pala dahil sa parang malapit ng mag umaga.
Bukod sa mababatukan ako nina Sachi at Zerach dahil sa magigising sila nang wala na ako sa gitna nila, mamaya na rin pala kasi ang simula ng interhigh ng campus namin. Which is hindi ko rin alam kung papaano makakapaglaro ang grupo ng kumag na si Kuya Zachy dahil sa pariwara na ang mga itsura nila kanina dala ng kalasingan gayong sila pa naman ang representative ng campus namin.
Muli lang akong humawak sa balikat ni kuya Malach para makaakyat sa napakatangkad niyang motor.
Pagkaupong-pagkaupo ko palang ay mabilis na niyang inabot ang kanang kamay ko at kagaya kanina ay agad rin niya itong ipinulipot sa baywang niya. Wala naman na akong nagawa kung hindi ang ipulipot na lang din ang kaliwang kamay ko para tuluyan ko na siyang mayakap mula sa likuran niya, mabilis niya ng pinaharurot ang motor.
Sa tansta ko, mag-aalas kuwatro y media na ng madaling araw. May ilang mga manok na rin kasing tumitilaok sa paligid habang bumabyahe kami. At kagaya kanina, mas diniian ko ang pagkakasalikop ng dalawang kamay ko sa tiyan ni kuya Malach nang balutin ng malamig na simoy ng hangin ang aking kabuuan.
Maging ang mukha ko ay madiin naring nakadukdok sa likod niya na marahil ay siyang dahilan ng bahagyang paghalakhak nitong isang 'to. Medyo magaan kasi sa pakiramdama na naglalaban 'yong init ng katawan niya at saka 'yong malamig na simoy ng hangin ngayong madaling araw.
"Sui.." ramdam ko ang pagvibrate ng likod niya, hudyat na may kung ano siyang sinabi. Ipinatong ko ang dulo ng baba ko sa likod niya para mas marinig ko ng maayos ang sinasabi niya.
"Pwedeng pakiluwagan mo 'yong yakap mo? Hindi naman ako mawawala, eh.. t-tsaka hindi narin kasi ako m-makahinga." Halos pabulong ng sambit nito na halatang medyo nahihirapan na nga sa paghinga. Wala sa sariling napangisi ako.
"Ay, sorry, sorry, sorry." Natatawang tugon ko pero bago ko luwagan ang pagkakahawak ko ay sinadya kong pisilin ang nakapormang bilbil niya, diniinan ko para damang dama niya.
"Ahh!" Madiing daing nito, sa sobrang lalim ng boses niya ay aakalain mong sinaksak ko siya sa tiyan.
'Ay, patay. Napadiin yata masyado.'
Natatawa kong nilingon ang side mirror para makita ko ang mukha ng kumag na 'to. Dito ko nga nakita ang salubong na salubong nitong mga kilay at nakangusong mga labi nito habang bahahya pang lumulobo ang pisngi niya.
'Interes 'yan sa pangungurot mo kanina ng nananahimik kong ilong.'
Nagpipigilil ako nang tawa at muling ipinahinga ang aking pisngi sa likuran niya. Ewan ko ba, iba ang kakumportablehang nararamdaman ko kapag dinidiin ko pa 'to, lalo na kapag halos rinig ko na maski ang mismong paghinga niya.
Habang bumabyahe, hindi ko maiwasang hindi ilibot ang paningin ko sa huong paligid. Parang medyo nagiging masukal na kasi ang mga gilid at tanging ang sementadong daan na dinadaanan namin ang maliwanag kong nakikita. The rest, mga puno't halamanan na.
YOU ARE READING
He's My Best Mistake | BxB
Romance"If love is dangerous then I'm willing to take the risk." Hindi inaasahan ni Zaicho Eldhin Fortalejo na darating din siya sa puntong kukwestyunin niya ang takbo ng tadhana. Simula palang, inakala niyang wala siyang magiging laban kung sakali mang s...