Kababata 12
Baby, run away.
"Ilang oras ko narin kasing pinipigilan 'tong ihi ko."
Nakahinga ako ng maluwag nang makitang kinuha ni Thiago ang kaniyang relo sa bulsa nito. Ito pala ang humuhulma kanina at umarkong parang isang malaking bagay sa loob ng jeans nito.
Ramdam ko ang bahagyang pag-init ng pisngi ko. Aaminin ko, medyo naging mapaglaro ang utak ko sa parteng 'yon. Masyado ng lumalayo ang isipan ko. Lumilipad ito at nag-iisip ng mga kung ano-ano.
Iginaya ko si Thiago sa cr namin dito sa sala. Pagkatapos ay sabay kaming lumabas ng bahay dahil mauuna na raw umuwi si Thiago. Muli siyang nakipag fist bomb kina Kuya Zachario, sa lahat ng nando'n.
Kunot noo kong inilibot ang paningin ko para hanapin si kuya Malach. Wala na ito doon at tanging sina kuya Yaeno at Zadkiel nalang ang masayang nakikipagkuwentuhan.
"Goodnight, Zai. Huwag mo na muna akong isipin ng isipin, matulog ka ng maaga." sambit ni Thiago bago pa isinara ang kaniyang kotse.
Hindi mapatid ang ngisi sa mga labi ko habang pinapanood ko siyang paandarin ang kaniyang kotse.
'Sobra mo akong napasaya, Thiago.'
Hindi ko lubos maisip noon na magiging ganito kami ni Thiago. 'Yong tipong normal lang na magkaibigan, iyong walang eksenang pahiyaan at singhalan.
Kahit na sandamakmak parin ang katanungan sa utak ko tungkol kay Thiago, mas isinautak ko nalang ang katotohanang kahit papaano ay maayos na kami. Masaya na ako doon.
Pagbukas ko ng main door ay kunot noo kong pinagmasdan ang likod ng isang lalaking medyo magulo na ang makakapal nitong buhok. Nakaupo ito sa sofa at hawak-hawak niya ang isang gitara.
Rinig ko ang marahang pag strum nito sa gitara. Tumatas pa sa tainga ko ang malalim nitong boses na bahagya pang naghaharmonize ng isang pamilyar na kanta.
Takasan na natin ang mundo.
Wala ng iba ikaw lang at ako.
Handa kung ibigay ang buo.
Ang puso ko'y sayo lang talaga
Kaya humawak ka.
Napatigil ako sa paglalakad at tila ba natigilan rin ang mga labi ko at nanatili ang malaking ngiti dito. Nasa gilid ako ni Kuya Malach, nakapikit siya ngayon habang nakatingala kaya't hindi niya siguro napansin ang pagdating ko. Dahil sa marahang paggalaw ng kaniyang labi, bahagyang sumisilip ang biloy nito sa magkabilang pisngi.
Sa'king kamay.
Handang ibigay
Ang lahat ng naisip mo.
Para sa ating paglalakbay
Ang 'yong kamay sakin ibigay
Hindi ka bibitawan san man mapunta ang byahe nating dalawa
Kahit na rinig ko ang medyo garalgal nitong boses dala ng kalasingan, nag-uumapaw parin ang taglay na kalamigan ng kaniyang malalim na boses.
Bawat paggalaw ng labi niya ay siyang sumasampal sa akin ng katotohanan na maraming babaeng nababaliw dito sa asungot na 'to. Isa na nga sa nadali niya ay ang malanding si Sachi.
YOU ARE READING
He's My Best Mistake | BxB
Romance"If love is dangerous then I'm willing to take the risk." Hindi inaasahan ni Zaicho Eldhin Fortalejo na darating din siya sa puntong kukwestyunin niya ang takbo ng tadhana. Simula palang, inakala niyang wala siyang magiging laban kung sakali mang s...